"A-anong g-ginagawa mo?" tanong nito pero hindi ko ito sinagot at nagpatuloy lang sa paglakad, "A-akihiro?" kabado nitong tugon nang hawakan ko ang magkabilang balikat nito.
Dumukot ako sa bulsa at naglabas ng maliit na box. Tumingala ito sa akin at napatakip ng bibig, "A-ah, Akihiro, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay, ang b-bata pa natin, 'wag m-muna sana tayo magmadali, a-ah, hindi naman sa hindi ko gusto ano, magpapakasal naman tayo pero hindi muna ngayon,"
"H-ha?" kunot noo kong tanong, "Hindi ako magpo-propose, Alexis," bahagyang nanlaki ang mata nito, "Isusuot ko sana 'tong kwintas sayo, regalo ko," napakamot ako ng batok at bahagyang tumalikod upang magpigil ng tawa.
"A-ah, ah! Hahahahahaha! Hindi ka naman kasi a-agad n-nagsalita, edi sana h-hindi ako n-napahiya hahahaha!" tumayo ito at nagtungo sa study table n'ya, "Akin na," sabi nito habang ang isang kamay ay nakatakip sa mukha samantalang ang isa ay nakapalad para kunin ang kwintas.
Lumapit ako rito, "A-ako nalang magsusuot sa'yo," inayos nito ang upo bago ko isuot ang kwintas sa kanya.
"Salamat," nahihiyang sabi nito, napatango naman ako, "Sige na, matutulog na ako, matulog ka na rin, anong oras na," pagsabi'y dumiretso na ito sa kama at nagtalukbong.
Marahan akong lumapit rito at umupo sa gilid ng kama n'ya, nakatalikod ito sa akin kaya baka hindi ako napansin.
"Hindi ka pa ba handa?" mabilis nitong tinanggal ang kumot at humarap sa'kin.
"Akala ko umalis ka na?" takang tanong nito.
"Kung hindi ka pa handa, ako handa na. Handang handa," sinsero kong sambit, "Pero kaya kong mag-antay sa'yo, Ally, kahit 30 years old o 40 years old pa tayo magpakasal ay ayos lang. Basta 'wag ka lang pupunta sa iba," ngumiti ito sa akin at inabot ang kamay ko.
"Kailangan masuklian ko muna yung pagpapaaral sa'kin ng magulang mo saka madala dito si Mama. Gusto ko rin makapag-pundar muna ng bahay at magkaroon ng maayos na trabaho bago ako magpakasal," bumuntong-hininga ito, "'Wag ka mag-alala, kasama ka na sa mga plano ko, kahit na ang torpe mo, psh,"
Bahagya akong natawa, "Kinabahan lang ako, may umaaligid kasi sa'yo."
"Parang akala mo naman sa'yo wala, pumunta pa nga dito sa bahay n'yo e,"
"Hayaan mo na 'yang mga 'yan, hindi talaga maiiwasan 'yan, masanay ka nalang kasi yung magiging mister mo, pinanganak na gwapo," bumitaw ito sa kamay ko at napatakip ng bibig, nang-aasar.
"Pasensya ka na rin kung maraming umaaligid sa akin, well, artistahin kasi mukha ko," banat nito. Nagtakip rin ako ng bibig at ginaya ang pang-aasar nya kanina. Ngumuso at hinampas ako sa kamay saka tumawa. Wala naman akong nagawa kundi ang makisabay rin sa tawa nito.
ALEXIS POV
"Ally-chan!" masigla kong nilingon si Yuko at sinalubong ang yakap nito, "Anong sinalihan mong club?"
Ngumuso ako nag-angat ng dalawang kilay, "Sa Ongaku bando," napangiti ako nang maalala ang pangalan ng sinalihan ko, "Ikaw?" (Translation: Music band)
Nilapit ni Yuko ang upuan n'ya bago magsalita, "Sa fūdo kurabu ako!" (Translation: food club)
Tuwing buwan ng Pebrero ay kailangan naming sumali ng club, hanggang makatapos kami ng college ay ito na yung club namin. 1st week ng February ka maghahanap at mage-ensayo sa club mo dahil tuwing February 14 gaganapin ang event ng lahat ng club.
Pinili ko nalang yung Music band dahil mukhang ito lang naman ang medyo kaya ko, nag audition ako sa acoustic guitar at nakapasok naman agad.
"Ah, Alexis!" napalingon ako nang may tumawag sa'kin, marahan akong yumuko nang makitang leader pala namin sa banda ang tumawag, "Free ka ba mamayang 10pm?"
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...