Akihiro
Ilang buwan ring naging ilag sa akin si Alexis dahil sa nalaman niya. Ayaw lang naman niya na ma-issue siya sa Waseda lalo na't hindi naman talaga siya taga-rito.
Nagalit rin ako kay Mama at Papa nang malaman ko na pinayagan nila si Alexis na magtrabaho sa McDonald's. Hindi man lang siya nagsabi sa akin pero naisip ko na bakit nga ba kailangan sa akin pa magpaalam gayong hindi naman ako ang nagpapaaral kay Alexis.
Lagi kong nakikitang bagsak sa kama si Alexis. Ilang beses ba naman niyang nakalimutan saraduhan yung pinto niya e. Papasok kami ng 8:20 at nakakauwi na kami ng 2:30 ng hapon tapos aalis ng alas kwatro para pumasok at uuwi na ng alas onse ng gabi.
Madalas na makatulog si Alexis sa biyahe. Minsan naman ay tulala ito, yuyuko ito hanggang sa matumba kaya minsan ay sinasalo nalang siya ng balikat ko at doon nakakatulog ng maayos. Pag malapit na kami ay gigisingin ko na ito at kunwaring sesermunan pero madalang nalang siyang makipag-sagutan sa akin at magso-sorry nalang.
Pag-uwi namin ay magiging abala na ito sa paggawa ng homework niya. Kulang na kulang na siya sa tulog. Hindi man lang siya nakakapagpahinga. Pero ang nakakamangha dito ay hindi man lang ito nagkakaroon ng eyebug at litaw pa rin ang ganda nito.
"Nata ha nani wo si te i masu ka?" napahinto ako sa paglalakad nang tanungin ako ni Aiyumi. (Translation: What are you doing?)
Hindi ako mapakali dito sa bahay. Alas dose na ng madaling araw at wala pa si Alexis. Palakad-lakad ako sa loob ng sala at dudungaw sa glass naming pader dito rin sa sala.
Panay ang lakad ko at panay rin ang tingin ko sa cellphone ko, umaasang magre-reply si Alexis. Nag chat ito sa akin na baka mga 1 or 2 am na siya makakauwi at ang marinig ang oras na yun ang kinaiinis ko.
"Watashi ha imaneru tumori desu." paalam ni Aiyumi habang humihikab. Hindi ko naman ito kinibo at umupo nalang sa sofa at tinignan muli ang cellphone. "Anata ha totemo meihaku desu, Oni-chan." natatawang sambit ni Aiyumi. (Translation: I'm going to sleep / You are very obvious, brother.)
Sinamaan ko ito ng tingin. "Dou iu imi desu ka? Saru dake!" singhal ko dito na mas lalong ikinatawa nito. (Translation: What do you mean? Just leave!)
"Daizyoubu! daizyoubu!" natatawang suko nito. "Makeu someu mowves!" napalingon ako ditong muli nang sumigaw ito. Hirap na hirap pa nitong bigkasin ang salitang Ingles na sinabi niya pero na-survive naman niya. (Translation: Alright! Alright!) (Make some moves!)
Balak ko pa sana itong sigawan kaso mabilis itong tumakbo paakyat at agad na dumiretso sa silid nito. Ibinalik ko nalang ang tuon ko sa cellphone.
'Asan ka na?'
'Alexis! Naiinis na ako!'
'Pag 1:30 wala ka pa dito, pupunta na ako diyan.'
Ala una na pasado pero wala pa ring Alexis na dumating. Susunduin ko dapat siya ng 12 pero nag-chat ito na baka 1 or 2am siya makauwi. Nakauwi na sila Mama't Papa at kapag nalaman nilang ginabi si Alexis ay papagalitan na naman ako ng mga ito.
Ala una y media sakto nang mapagdesisyunan ko ng magbihis para lumabas. Halos patakbo kung pinuntahan ang Max's Restaurant na sinabi niya na malapit rin lang sa store nila.
Ang sabi niya ay may meeting sila. Anong klaseng meeting pa ang pinuntahan niya at inabot ng tatlong oras.
Nasa tapat ito ng kalsada kaya madalas 'tong dayuhin ng mga tao, kadalasan dito ay mga estudyante. Pag weekend na kinabukasan ay dito dadayo ang mga tao at magsasaya. Mag-iinom in short.
![](https://img.wattpad.com/cover/223925543-288-k868668.jpg)
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...