Chapter 25

15 2 9
                                    

"Gusto ko nalang umuwi." napahinto ako sa pagsalin ng juice sa baso nito at agad na nanghina ang mga kamay ko dahilan para mapalakas ang pagbagsak ko ng babasaging pitsel sa mesa kaya nagitla ito. Pero kung nabigla man ito sa ginawa ko, mas lalo naman ako dahil sa sinabi nito.

"Ha!" tanging sambit ko, hindi makapaniwala. Saka umupo sa harap nito. "Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Nami-miss ko na si Mama e." malungkot na sambit nito pero patuloy pa rin sa pag-nguya ng hotdog.

"Nagkakausap naman kayo through Messenger ah?" pagpigil ko rito. Hindi ko alam kung bakit ayaw pumabor ng puso at isip ko na umuwi ito ng biglaan sa Pilipinas.

"Pero iba pa rin ang kasama mo yung nanay mo!" singhal nito dahilan para matigilan ako. "Mas gugustuhin ko nalang na walang makain don kesa masaktan lang ako dito!" naluluhang ani nito.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Bakit? Tapatin mo nga ako, hindi ba aksidente ang nangyari diyan sa mga sugat mo? Bigla ka nalang nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas mng walang dahilan ah? Siguro ay dahil nga 'to sa nangyari sa'yo ngayon."

"Bast-"

"Sabihin mo!" singhal ko dito na nagdulot sa pag-iyak nito. Natauhan naman ako nang umiyak ito. "Pasensiya n-na." kusa akong yumuko nang makaramdam ng hiya. Masyado akong nadadala ng emosyon ko, hindi ko alam kung bakit tutol ang sarili ko na umuwi ito ng Pinas. "M-magbakasayon ka n-nalang sana next year."

"Psh. Akala mo naman ganon lang kadali mamasahe." sabi nito habang nagpupunas ng luha niya saka ipinagpatuloy ang pagpapak ng hotdog.

"Kahit magpabalik-balik ka pa ng Pilipinas. Kaya kong tustusan yung pamasahe mo." sinsero kong sambit dito.

"Psh." singhal nito.

"Sinadya ba 'yang mga sugat mo?" pagbabago ko ng usapan. Tumayo naman ito at tumungo sa lababo, sumunod naman ako para agawin yung mga hugasin.

"A-ako n-na!" nginitian naman ako nito at itinuloy pa rin ang paghuhugas nito. Wala naman akong nagawa at bumalik nalang muli sa kinauupuan ko at pinagmasdan nalang itong maghugas.

"Kung gusto mo ngang malaman kung sino ang gumawa nito, tanungin mo nga yung nga taong nakapaligid sa'yo." agad na nangunot ang ulo ko sa sinabi nito. "Hindi ko pala kayang gumanti, nakalimutan ko na hindi naman ako taga-rito."

"Bakit hindi mo nalang kasi sabihin agad?" naiinis kong sambit. Kung diniretso nalang niya sana kung sino yung gumawa niyan sa kanya ay ako nalang sana ang gumanti sa kanya.

"Masyado ka kasing abala sa iba, masyado kang enjoy na may nasabit sa'yong saru." nagtungo ito sa ref para magpunas ng kamay sa may telang nakasabit roon. (Translation: saru- monkey)

"S-saru?" naguguluhan kong tanong dito. Natawa naman itong tumingin sa akin.

"Saru." pag-uulit nito. "Akyat na ako. Pagod na ako e." paalam nito bago ito lumabas ng kusina. Dali dali naman akong tumayo para sumunod sa kanya.

"S-sino yung s-saru na tinutukoy mo?" pahabol kong tanong dito. Ngunit sa halip na sagutin ay nginitian lang ako nito at binagsakan ng pinto.

"Ha!" singhal ko saka kinagat ang ibabang labi sa inis. Sino kaya yung tinutukoy non? Baka! (Translation: Stupid!)

Hindi nga nagkamali ng sabi ang Nurse namin sa school at hindi nga talagang nakapasok si Alexis dahil naramdaman na nito ang sakit at bigat ng katawan. Nalaman na nila Mama at Papa ang nangyari at balak pa sana nila itong pagawan ng imbestigasyon, nagpupumilit pa si Mama kanina, mabuti nalang at si Alexis pa rin ang nasunod sa lahat.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon