Alexis' POV
Buwan na ng Hunyo at abala pa rin ako sa pag-aaral ng Writing System ng Japan. Agosto na ang pasok at hindi pwedeng magpapetiks-petiks lang ako sa tabi. Kung Tagalog at English lang naman ang sinasabi dito ay malamang nag-photoshoot na lang ako sa bawat sulok ng Shinjuku dahil hindi ko na kailangan pang pag-aralan ito.
Mahigit isang linggo na rin no'ng niyakap ako ni Akihiro. Hindi ko alam pero sa yakap niyang 'yon, nawala yung pagngungulila ko kay Mama. Naramdaman ko no'ng araw na 'yon yung sincere sa mukha niya. At eto ako, na marupok, bumigay!
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ginulo gulo ang kumot at natulala sa kisame. Tama nga ang naisip ko, masyado akong marupok, naiinis ako sa kanya kasi lagi siyang attitude sa akin pero pag umarte, bumibigay rin ako agad.
"Baliw ka rin talaga!" sambit ko sa sarili habang sapo ang noo. Magagalit ka tapos kaunting arte sayo bumibigay ka, pwe!
Pumunta ako sa labas para umupo sa may ilalim ng puno. May dalawang upuan naman sa tabi ng punong ito pero mas gusto ko pa rin na umupo dito dahil mas ramdam ko ang sariwang hangin pag nasa ilalim ng puno.
Inangat ko ang ulo ko at ngumiti. Ipinikit rin ang mata para pakiramdaman ang simoy ng hangin. Kung andito ka rin sana, Mama. Sobrang saya ko siguro. Unti-unti nawala ang ngiti sa labi ko nang maisip ang nanay ko. Ngumiti ako ng mapait. Kung mayroon lang kaming sapat na pera ay hindi na aabot sa ganito. Na makikitira ako sa kaibigan ni Mama at pag-aaralin nito.
Napagdesisyunan kong tumayo nalang at pumasok sa loob. Parang mas lalong nagdudulot lang ng kalungkutan ang punong nasa labas ng bahay nila.
Pumunta ako sa sala para manood ng TV, ngayon nalang ulit ako nagkainteres na manood ng TV, sana lang ay maintindihan ko ang sasabihin. Maganda na rin sigurong practice ito.
Pagpasok ko ng sala ay naabutan ko si Aiyumi na nanonood. Nakaupo ito sa carpet at nakasandal ang likod sa may baba ng sofa. Tutok na tutok ito sa panonood habang ngumunguya ng biscuit.
Tumingin ito sa gawi ko nang maramdaman ang presensya ko. Ngumiti ako dito at nginitian din ako nito pabalik.
"Watashi wa anata ni sanka deki masu ka?" (Translation: Can I join you?) tanong ko dito habang nakatayo sa gilid niya. Tila naman nakakita ito ng multo dahil napalingon ito sa akin agad at halos lumuwa ang mga mata nitong singkit dahil sa gulat. "Dōshite?" takang tanong ko ulit dito. Nangunot naman ang noo ko. Mali ba pinagsasabi ko?
"Anata wa sudeni Nihongo o hanase masu ka?" (Can you already speak Japanese?) hindi makapaniwalang tanong nito. Tinapik nito ang sofa at sinisenyas na maupo ako. Natawa naman ako itsura nito saka naupo.
"Hai!" (Yes!) masigla kong tugon dito. "Shikashi watashi wa mada sore o renshū shi te i masu." (But I still practicing on it.) malungkot kong dugtong dito at napatango naman ito, namamangha.
"Shikashi sukunakutomo ima anata wa dare to issho ni komyunikēshon suru koto ga deki masu!" (But at least you can now communicate with everyone!) masigla nitong sagot at saka tumayo para tabihan ako sa sofa. Napatingin naman ako dito dahil ang taas ng ngiti nito. "Bisuketto ga hoshī desu ka?" (Do you want some biscuits?) alok nito habang inaabot ang biscuits na hawak niya.
"A-ah." hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung alok niya o hindi pero patuloy niyang dinidikit ang biscuits sa harap ko kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha ng isang piraso.
Sobrang dami naming napagusapan ni Aiyumi. Kwinento lang naman nito ang crush niya sa school nila na naka-room sa katabing classroom nila. Kung hindi ako nagkakamali ay Grade 6 palang ito sa pasukan. Ganyang edad ko kasi ay nakikipaglaro pa ako ng bahay-bahayan sa mga kasama kong bata e. Nakakamanghang nai-inlove na ito sa katabi niya ng room. Sabagay, hindi naman natin sila masisisi, may kanya-kanya tayong choice.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...