Chapter 23

16 2 0
                                    

Abala ang lahat ngayong linggo. Last week na ng November at sport fest namin ngayon. Maglalaban laban ang bawat year. First year at 2nd year ang magkalaban at 3rd and 4th year naman ang isa. May designated color din ang bawat year. Color black sa first year. Yello naman sa second year, blue sa third at red naman sa fourth year.

Every year ginaganap ang sport fest dito sa amin. Ang pagkakaalam ko ay lahat ng school dito sa Japan ay may ganitong activities. Dagdag grades rin ito sa P. E namin na subject kaya lahat talaga ay sumasali, depende nalang kung may asthma ka or kahit anong nararamdaman.

"Alexis!" napaangat ang dalawang kilay ko nang marinig ang boses ni Yuko. "Punta tayo parlor mamaya." lumapit ito sa upuan ko habang ako ay abala sa pagliligpit ng damit sa bag.

"Bakit?"

"Magpapakulay ako ng buhok." saad nito saka pinalipad ang buhok. Tumango naman ako dito saka sinabit ang shoulder bag.

"Day off mo ba ngayon?" lumabas na kami ng classroom upang tumungo sa locker namin at ilalagay ang gamit, tanging tubig lang ang dadalhin bago pumunta sa field.

"Oo e, baka manakit rin katawan ko mamaya dahil sa sport fest natin."

"Pagpunta natin ng parlor diretso nalang ako sa trabaho. Bukas pa day off ko e. Baka magpakulay na rin ulit ako." sagot ko dito. Kailangan ko ng magpalit ng kulay at magpabawas ng buhok dahil medyo humahaba na ito.

"We?! Waaaaah!" natawa nalang ako sa itsura ni Yuko na parang bata na tatalon talon. Nag-akbay naman kami nito at sabay na nagtungo sa field.

Ginanap ang Sport Fest namin dito sa Mikio Oda Memorial Track and Field Arena, malapit ito sa building namin kaya naman madali lang kami na nakapunta. Nakaupo na kaming lahat sa gilid. Nakasilong kaming lahat dito at katapat namin ang mga judge at staff na nagbibigay ng mechanics sa gagawin naming laro.

Ang unang maglalaban ay kaming first year at 2nd year. Watashi wo nyuusyu o Get Me ang name ng first game. Mahabang rope ito at may nakataling white na panyo sa gitna. Mamimili ng sampung representative sa amin at sampu rin sa second year. Palakasan ang larong ito, kung sino ang unang makakuha ng panyo ang siyang panalo.

Si Yuko ang isa sa napiling maging volunteer player. Pumwesto ang mga napili sa gitna at nagsimula na itong mag-agawan. Limang lalaki at limang babae ang ginawang technique sa amin samantalang anim na babae at apat na lalaki naman ang sa 2nd year.

Masyadong malakas ang mga kalalakihan sa 2nd year pero hindi nagpatalo ang year namin, bandang huli ay ang year pa rin naman ang nanalo.

"Omedeto gozaīmasu!" sabay sabay kami na naghiyawan sa mga participants. Tumakbo papunta sa akin si Yuko ay niyakap ako. Habang magkayakap ay umikot kami at tumalon talon.

"Ang galing mo!" hiyaw ko dito gamit ang lengwahe nila.

Tinaas nito ang manggas niya at pinalo palo ang kaliwang braso at umaarteng may muscle ito. "Nakita mo ba ang lakas ni Yuko?"

Natawa ako at tumango dito, "Oo! Hahahaha! Sobrang lakas mo nga humila kanina, napapakagat ka sa labi mo hahaha!" hinampas ako nito sa braso na naiwasan ko kaagad.

Nakapagpahinga kaming 1st at 2nd year dahil 3rd at 4th year naman ang maglalaro. Tinitignan kami ng mga 2nd year na katabi lang namin. Halatang masasama ang loob nito dahil mas madiskarte ang 1st year kesa sa kanila.

Hinanap ng mata ko si Akihiro. Medyo malayo yung section nila sa amin pero sapat ma iyon para makita ko siya. Hindi lang pala siya, pati yung bestfriend kuno nya, na si Hana.

Tawa ng tawa yung Hana at parang tuwang tuwa pa si Akihiro na nakasabit yung kamay ni Hana sa braso niya. Unggoy ba 'yan? Hilig sumabit e. Napanguso ako habang tinitignan ang dalawa.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon