Alexis
"Pakipasa bukas ang individual activity sa Japan Culture and History. That's all class, see you." sabay sabay kaming nag-unat ng mga katawan nang umalis ang terror prof namin na si Ms.Ogata.
Buwan na ng Disyembre at tinatambakan kami ng mga activities at homework dahil magbabakasyon na. December 14 na at sa huwebes na ang birthday ni Aki. Ilang araw nalang pero wala pa rin kaming plano ni Ayumi. Bukod sa lagi itong wala, may pasok rin ako at halos madaling araw na rin umuwi, sa madaling salita, lagi kaming nagkakasalisi.
"Day off mo ba ngayon?" nilingon ko si Yuko habang abala ako sa pag-aayos ng gamit sa bag.
"Hindi e. Sa huwebes nalang ako magre-request ng day-off. Ikaw?"
Tumayo ito at ngumuso umupo sa upuang nasa harap ko. "Oo e. May kailangan kasi akong kitain ngayon." nilingon ko ito at tinignan ito na animo'y nanunuri. "Bakit? Hahaha." natatawang tanong nito.
Matapos ang pag-aayos ng bag ay hinarap ko ito at kinunot ang noo at siningkitan ang mata saka inilapit ang mukha sa mukha nito. "May boyfriend na ba ang Yuko ko?" nguso ko dito habang nanatili sa pwesto ko.
Nag-iwas ito ng tingin bago magsalita. "H-hindi ah. Tungkol lang ito sa business namin. Kailangan ko lang mag day off para doon." pagsabi'y inayos kong muli ang upo ko at tumango-tango sa kanya. Kung sabagay, may kaya nga pala sila Yuko at baka pag-uusapan na nila ang pagpapamana ng yaman nila o baka maging CEO na rin s'ya ng kumpanya nila.
"A-ah, akala ko naman kung ano. Pero, goodluck sa'yo, Yuko! Atleast 'di ka na sa McDonald's magtitiis 'di ba?"
"Mas nakaka-stress kapag sa kumpanya ka magta-trabaho. Mas gugustuhin ko nalang sa McDonald's kesa sa kumpanya namin." natawa ako sa sinabi nito dahil halata sa mukha nito na labag sa kanya ang magtrabaho sa sarili nilang kumpanya.
"Hindi na ako makakasabay sa'yo, Alexis sa paglabas ah. Mauna ka nalang, may kailangan pa akong asikasuhin e."
"P-pero-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis akong natalikuran ni Yuko at agad na nagtungo sa likod ng building namin. Matapos itong mawala sa paningin ko ay tumalikod na rin ako para diretsong umuwi.
Sa ilang buwan kong andito sa Shinjuku ay natuto na rin ang mag-adjust sa mga Hapon. Natuto na rin akong sumakay ng tren at medyo kabisado ko na rin ang daan o pasikot-sikot dito. Siguro naman ay kaya ko ng umuwi at pumasok mag-isa dahil hindi ko rin naman masyadong gustong makita si Akihiro. Masyado akong naiilang lalo na't gusto mo yung tao. At ang mas mahirap pa doon ay kahit anong iwas mo, magtatagpo pa rin kayo dahil nakatira kayo sa iisang bubong.
"Okāsan, aisukurīmu ga hoshīdesu." habang nakasakay sa tren ay nabaling ang pandinig ko sa katabi kong batang babae na humihingi ng ice cream sa nanay nito. (Translation: I want some ice cream, Mom.)
"Wakarimashita, Rika. Sorede, doko de sore o kaitaidesu ka?" (Translation: Okay, Rika. So, where do you want to buy it?)
Agad na nagliwanag ang mukha ng batang babae at agad ring sinabi kung saan niya gusto kumain ng ice cream. "Tomihisa aisukurīmu de!" sambit nito. Mahina ang mga boses nito pero dinig mo pa rin dahil katabi ko lang naman sila. (Translation: In Tomihisa Ice Cream トミヒサアイス!)
"Hai. Watashitachi wa ima soko ni ikimasu." (Translation: Okay. We will go there now.)
"Honto?! Arigato gozaimasu, Okāsan! Daisuki!" agad na tumulo ang luha ko nang matapos ang usapan ng mag-nanay. (Translation: Really?! Thank you very much, Mom! I love you!)
Flashback
2012
'Mama! Nakapasok ako sa honor! Aakyat tayo ng stage tapos sasabitan mo daw ako ng medal sabi ni teacher sa graduation!'
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...