Chapter 20

27 2 0
                                    

Alexis

Napabangon ako bigla sa kama nang maalimpungatan sa malakas na tunog ng isang alarm. Wala akong maalala na may alarm ako dahil ayoko ng tunog nito, napakasakit sa tainga.

"A-aray!" inda ko habang hawak ang ulo. Napatingin pa akong saglit sa itsura ng alarm na nasa mesa. Doraemon alarm? Humarap ako sa alarm at pinindot ito sa taas para tumigil sa pagtunog. "Waaaaah! Alas syete naaaa!" mabilis akong nagsuot ng tsinelas at patakbong pumunta sa banyo.

Hindi ko alam kung gaano ako kabilis na naligo at magbihis dahil pakiramdam ko ay lumulutang lang ako sa langit. Sobrang sakit ng ulo ko at parang sinusuntok ito sa loob. Idagdag mo pang napakabigat ng katawan ko. Ito na ba yung sinasabi nilang hang over?

Napatigil ako sa paglalakad sa hagdan nang may maalala. Sino yung nagpasok sa akin sa kwarto? wala akong maalala sa nangyari kagabi.  Ang naalala ko lang ay naginom kami.

Patungo ako sa kusina nang masalubong ko si Aiyumi na papasok na. "Bye, Ate Alexis!" paalam nito gamit ang lengwahe nila. Napatango nalang ako dito bilang tugon.

Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong abala sa almusal si Akihiro. Napatingin naman ito ng maramdaman nito ang presensya ko. Dinaanan lang ako nito ng tingin at muling humigop ng kape. Napanguso naman akong umupo sa harap nito ay niyuko ang ulo sa mesa.

"Mag-almusal ka na at mali-late na tayo." napapikit ako sa sakit ng ulo pagbangon kong bigla.

"W-wala akong g-gana." malamya kong tugon dito saka tinignan ito. Sinundan ko ito ng tinging nang tumayo ito at makitang magtimpla ng kape. "I-ikaw ba yung nagsundo sa akin kagabi?" tanong ko dito habang nakatalikod ito sa akin at abalang nagtitimpla.

"Wala ka na bang naaalala?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong nito. "B-bakit? May ginawa ba akong kahihiyan kagabi?" kinakabahan kong tanong dito. Umaasang sana nga ay wala akong ginawang kabulastugan.

Lumapit ito at nilapag ang purong kape sa harap ko. "Huwag ka ng mag-iinom ng hindi ako kasama ah." seryoso nitong sambit bago umupo. Napalunok naman ako sa banta nito at humigop ng kape.

Matapos kong humigop ay nagsalita akong muli.  "S-sorry." napayuko ako.

"Kung may mangyari sa'yo don at hindi mo pinaalam sa'kin o sa'min na nag-inom ka, sa tingin mo uuwi ka pang matino dito?" singhal nito sa akin. Agad naman na namuo ang luha ko. Sa ginawa ko ay wala dapat akong sisihin kundi ang sarili ko lang, wala ng iba. Naging choice ko 'to e, nagpapilit ako.

"Sorry." nagpunas ako ng luha dahil tuloy tuloy itong umaagos mula sa aking mata. Tama siya, kung hindi ko sinabi na mag-iinom kami kagabi at may mangyaring masama sa akin. Mayayari silang lahat dito dahil sila ang nagbabantay sa akin. "S-sorry." hagulhol ko dito. Lalong nanakit ang ulo ko dahil sa pamumuo ng sipon sa ilong ko na umaakyat sa ulo ko, idagdag mo pa ang hang over ko.

Tumayo ito at nilagay ang pinagkainan sa lababo saka muling bumalik at tumayo sa harapan ko.

"Hindi ako nagagalit, Alexis. Nag-aalala lang ako." mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi nito. Kahit ako ang may kasalanan ay ito pa rin ang nagpakumbaba. Na sa posisyon niya ay dapat sesermunan ako nito at iduduldol ang mali ko. "Kaya mo bang pumasok?" umiwas ako ng tingin nang silipin nito ang mukha ko.

"O-oo." maski ako ay hindi sigurado sa sagot ko pero pinanindigan ko nalang.

Hindi ko namalayan kung paano ako nakarating ng school. Nagka-klase na kami at parang mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa subject namin, ang kanji.

Hanggang ngayon ay hirap pa rin ako sa kanji. Pag nagka day off ako ay magpapaturo ako kay Aki, hirap kasi akong makasabay sa lesson nila at mukhang kailangan ko ng one on one class.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon