Chapter 40

12 1 0
                                    

MAKALIPAS ang tatlong buwan ay naitayo ko na ang pangarap kong coffee shop dito sa Japan. December 1 nagbukas ito at December 15 na ngayon. Kabubukas lamang nito pero pumatok na itong business ko dahil karamihan sa Hapon ay mahilig magkape. Malapit sa Waseda University ang store ko at sinadya kong gawing mura o budget friendly ang mga kapeng ito para swak talaga sa mga estudyante ng Waseda.

“Wah, kawaii ne,” napangiti ako sa babaeng tumingala sa store ko. Walang tunog n'yang binasa ang pangalan nito saka napagkasunduang pumasok. (Translation: Wah, so cute)

“Good Day, welcome to Coffee Kohi Bean!” masiglang bumati ang isa sa tauhan ko at agad na inasikaso ang orders nito.

Actually hindi naman puro kape ang tintinda rito sa store. May mga pies, mini cake, biscuits, at bread din naman ito. Everyday ay rush kami, marahil ay halos katabi lang ito ng Waseda at ginagawa minsang business meeting ng mga office workers. Tahimik lang kasi rito at pwedeng pwede kang mag-aral, maki-charge, maki-connect sa Wi-Fi, at makibasa ng libro.

Ilan sa mga nai-display ko na libro ay ang mga nabili pa noon ni Alexis. May mga english novels at Japanese books din syempre, kaya kahit foreigners ay nakikibasa na rin.

“A-ah, excuse me, Sir,” habang abala sa pagtitingin ng bookshelf ay napalingon ako sa estudyanteng tumawag sa'kin. Lima sila at mahahalata mong freshman pa lamang ang mga ito dahil sa lace ng I.D nila.

“Yes?,” nakangiti kong tanong.

“A-ah, pwede po ba k-kami magpa-picture?,” bahagya akong natawa nang magtulakan sila.

“Sure,” agad na sumilay ang mga ngiti sa mukha nito sabay lapit sa akin.

“Nika,” tawag ko sa cashier, “Pwede mo ba kaming picture-an?” agad naman itong tumango at lumapit sa amin.

“Suking suki ka Sir everyday ah haha,” biro ni Nika pagka-alis ng mga estudyante.

“Noon pa man hahaha, sanay na ako,” banat ko pa rito, agad namang lumukot ang mukha ni Nika animo'y na-corny-han sa banat ko.





“Aish, ang hirap naman nito!” agad kong nahimigan ang pagsasalita ni Aiyumi sa kusina pag-uwi ko.

Nilapitan ko ito at sinilip ang tinitignan nito, “Watch the movie of the Phantom of the Opera and create a movie review about it in english,” marahan kong ibinuka ang bibig ko, animo'y nabigla saka ko ito inalisan at nagtungo sa refrigerator upang kumuha ng pineapple juice.

“Hontou ni, muzukashii,” malamyang saad nito saka ipinatong ang baba sa tablet. (Translation: It's very hard)

Habang umiinom ay umupo ako sa harap nito, pinagmasdang malugmok ito dahil sa English subject nila.

Third year highschool na si Aiyumi ngayon at hanggang ngayon ay English pa rin ang kahinaan n'ya.

“Kung andito lang si Ate Ally, siguradong tuturuan ako non,” saad nito gamit ang lengwahe namin. Nanatili lamang akong tahimik, hindi alam ang isasagot. “Siguro dalawa kaming manonood ngayon at s'ya ang magsasabi sa'kin kung ano ang ibig sabihin non,” dagdag pa nito.

Ibinalik ko ang baso ko at akmang aakyat na sa kwarto para magpahinga. Pagod na akong marinig ang pangalan ni Ally sa araw-araw, para akong mababaliw.

“Pabalikin mo na s'ya rito Kuya,” bahagya akong napahinto, pero hindi na ito na nakarinig pa ng sagot mula pa sa'kin.


December 25 na at pagbukas ng store namin ng alas otso ng umaga ay punuan na ito. Kagabi lamang kami naglagay ng Christmas Tree at Christmas Lights sa palibot ng coffee shop dahil hindi naman ito tulad sa Pinas na pagsapit ng September ay nagsisimula na silang magkabit. Pwede ko naman 'yan gawin dito kaso baka mapagkamalan akong may sapi haha joke.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon