Akihiro
Pinagsabihan ko na si Kuya Seiko na lubayan nalang si Alexis. Pero hindi ito marunong makinig, hindi marunong makaramdam.
Bawat kilos nito ay kabisado ko. Kung saan man sila pumunta ni Alexis ay sinusundan ko para manmanan ang mga hakbang nito.
I'm a ninja, bro!
Mabilis ako na naghanda ng lunch para sa aming tatlo. Nagluto lang ako ng hotdog dahil yun lang naman ang alam kong lutuin at wala ng iba.
Bago pa magdrama si Kuya kay Alexis ay inawat ko na ang moment nito. Seiko nalang at 'wag ng Kuya Seiko? Bantot!
"Alexis manananghalian na." bungad ko sa dalawa at prenteng isinuot ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa.
"A-ah... k-kasi-" nauutal pang saad ni Alexis na ipinang-init ng ulo ko. Gusto mo pa talagang kasama ah?
"I repeat, it's time to eat lunch." maawtoridad kong saad, nagbabanta. Bago ako umalis ay tinignan ko muna si Alexis na walang kaalam-alam sa nangyayari. Dinaanan ko rin ng tingin si Kuya Seiko na nakaangat ang kabilang bibig at halatang nagtitimpi.
"Kakain na, Kuya Seiko." may diin kong sambit dito na mas lalong ikinaangat ng bibig nito. Hindi ko nalang ito pinansin at naunang lumabas na ng pinto.
"Kureijī." narinig ko pang siring nito kaya napahinto ako sa paglalakad sa labas. Napangisi muna ako bago ako ulit nagpatuloy sa paglakad.
Ikaw ang baliw!
Hanggang sa hapag kainan ay panay ang siring ni Kuya Seiko. Si Alexis naman ay halatang nagmamadali sa pagkain.
Hindi rin nagtagal ay nagtalo na kaming dalawa. Patuloy kami na nagsagutan pero nanatiling tahimik si Alexis. Siguro ay nakakaramdam na ito sa pinagtatalunan namin. Ang hindi ko alam ay kung naiintindihan niya na ba ang pinag-uusapan namin o hindi.
Sana nalang hindi. hiling ko pa. Maya maya lang ay nagmadali ng umalis si Alexis. Napatingin akong muli kay Kuya Seiko at nakatingin na ito ng seryoso sa akin. Ginantihan ko rin ito ng mas matalim pa. Nang-aasar.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong nito gamit pa rin ang lengwahe namin.
Napaangat naman agad ang bibig ko at napaubo muna bago magsalitang muli. "Sa tingin mo ba kailangan ko pang magdesisyon?" mayabang kong pagbabalik tanong dito.
"Ano nga ba sa tingin mo?" tanong nitong ulit. Para kaming nagpi-pinoy henyo dito at naghuhulaan lang ng sagot. "Ni hindi mo nga trinato 'yon ng maayos. Sa tingin mo magugustuhan ka non?" naghahamong tugon nito.
Agad naman akong natawa sa sinabi nito. "Bakit may sinabi ba akong gusto ko siya?" bwelta ko dito. Pero parang hindi sumasang-ayon ang sinabi ng bibig ko sa sinasabi ng puso at isip ko. Nagtatalo ang tatlo.
"O bakit hinahadlangan mo ako sa mga kinikilos ko?"
"Dahil alam ko ang ugali mo." seryoso kong saad dito. Nagbabanta. Bago pa man ito muling makapagsalita ay inunahan ko na. "Malapit ng maubos ang pasensya ko, Seiko. Isa pa at tatamaan ka na sa'kin." banta ko pa dito saka ito tinalikuran. Nawawalan ako ng respeto dahil rin sayo!
Ilang linggo rin nanahimik si Kuya Seiko. Pero patuloy pa rin ang guitar lesson nila ni Alexis. Minsan na rin ako nitong nahuli na nagmamanman sa tabi pero wala akong interes sa presensya niya. At isa pa, hindi naman sya ang binabantayan ko.
Naabutan kong nasa loob si Aiyumi at kumakanta ito. Kung hindi ako nagkakamali ay Dear My Boo ang kinakanta ni Yumi. Madalas ko itong naririnig sa kanya dahil paborito nya ito.

BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...