Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Alas syete palang ay bumangon na ako para maglinis at mag-asikaso para sa ihahain ko sa hapag-kainan.
Kailangan kong magmadali dahil anumang oras ay babalik na sila Tita dito. Malamang ay pagod ang mga iyon at gutom, ito nalang siguro ang maitutulong ko, ang pagluluto at paglilinis.
"Itlog nalang kaya?" tanong ko sa sarili habang hawak sa kanang kamay ang organic egg at nasa kaliwa naman ang isang balot na hotdog. "O hotdog?" sabay lingon ko sa hotdog.
"Lutuin mo 'yang dalawa." agad akong napatigin sa likuran ko nang matunugan ko ang boses ni Akihiro. Naramdaman kong umupo ito sa upuan kaya humarap ako dito agad.
"A-ah, magkakape ka?" alok ko, hindi naman ito sumagot at kinuha nalang ang cellphone at naging abala. Wala naman akong nagawa at nagtimpla nalang.
Inabot ko agad ang kape kay Akihiro na abala pa rin sa pagse-cellphone. Patawa-tawa ito at nagdulot ito sa akin ng kuryosidad. Dahan dahan kong sinisilip at tinitignan nito. Pero sa kalagitnaan ng pagsilip ay bigla itong nag-angat ng ulo at diretsong tumingin sa akin.
"A-ah, magluluto pala ako." nauutal kong sambit. Agad naman akong dumiretso sa lababo para magbalat ng hotdog at ihanda ang kawali.
"Tignan mo Alexis," tawag sa akin ni Akihiro, hindi naman ako umalis sa pwesto ko at tinignan ang pinapakita nya sa cellphone nya. "para kang tanga hahaha!" agad na umawang ang labi ko sa pinakita niya.
"Hoy! I-delete mo 'yan!" sigaw ko habang sumusugod papunta sa kanya. Tumayo naman ito agad at tumawa ng tumawa na lalong ikinainis ko.
Yung picture naming dalawa dun sa park, inakbayan nya ako non at ang unfair dahil nakangiti sya don samantalang ako ay halatang nagulat dahil sa pag-akbay niya sa akin!
"I-delete mo!" pagmamakaawa ko pa dito pero umikot-ikot lang ito sa mesa habang ako naman ay parang si Tom na habol ng habol kay Jerry.
Huminto ito at in-off ang cellphone saka ibinulsa ito. Napatigil naman ako at hihingal-hingal na nagtitimpi. Ang panget ko duuun! isip isip ko pa, talagang napaka-unfair nitong mga Hapon, sila cute tapos ako ang bagra.
"Nabigla ka sa pag-akbay ko no?" tukso nito. Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito.
Hindi ko akalain na aakbayan niya ako non pero inaamin ko na nagustuhan ko rin ang ginawa niyang iyon sa akin. At iyon ang nakakainis, hindi ako makasagot ngayon dahil totoo naman iyon.
"Yung niluluto mo." sambit nito saka lumingon sa kawali na sobrang init at nangangamoy na.
Dali dali akong pumunta dito at pinatay muna ang kawali para mabawasan ang init dahil kung maglalagay agad ako ng mantika ay malamang sumabog 'to.
Ang tanga mo, Alexis!
Nakahanda na lahat ng almusal sa mesa at saktong dumating agad sila Tita. Halatang mga pagod ito pero nakangiti pa rin nung mabungaran kami ni Akihiro sa kusina.
"Hello po Tita, Tito!" masigla kong tugon saka lumapit dito at nagmano.
"Hello hija." nakangiting sagot ni Tita habang nakalapat ang likod ng palad nya sa noo ko.
"Hello Kuya Seiko, Hello Aiyumi!" bati ko naman sa kanila. Nginitian naman ako ni Kuya Seiko at Aiyumi saka umupo at tinignan ang almusal.
"Watashi wa tabe tai!" nakangusong saad ni Aiyumi habang himas himas ang tiyan. (Translation: I want to eat!)
Nilapag ko naman ang mga pinggan sa harap nila at mga kubyertos para makapagsimula nang kumain.
"Naku hija, okay lang ba kayo ni Aki dito? Wala bang nangyaring masama?" nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magtanong si Tita.
![](https://img.wattpad.com/cover/223925543-288-k868668.jpg)
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...