Akihiro
"Akihiro, anak?" narinig kong magtawag si Mama mula sa pinto ng kwarto kaya agad akong bumangon para pagbuksan ito.
Ilang araw na ang nakalipas at bagong taon naman ang inaantay namin. Bakasyon pa rin namin pero si Alexis ay tuloy-tuloy pa rin ang trabaho.
"Bakit po?" dumiretso si Mama sa higaan ko at naupo roon, sumunod naman ako.
Nilibot nito ang paningin sa buong silid bago magsalita, "Balak kong ipaayos ang bahay." nakangiting tugon nito.
"P-po? Doshite? Alam na ba 'to ni Papa?" lumapit ako sa higaan ko at umupo malapit kay Mama. (Translation: Why?)
"Medyo nabu-busy pa kasi ang papa mo, kaya naisip ko na sa'yo nalang muna ipaalam."
"Pero bakit mo naisipang ipaayos 'tong bahay? Ayos naman na 'to ah?"
Ngumiti si Mama bago magsalita, "Balak ko magpagawa ng third floor pagawan kayo ng sariling kwarto ni Alexis-"
"Eh?!" hindi pa man tapos si magsalita si Mama ay napasigaw na ako sa gulat.
"Bakit? Umamin naman na kayo na gusto n'yo ang isa't isa, kasal din naman ang punta, i-advance ko na pagpagawa ng bahay," kinikilig na sambit ni Mama, napahawak ako sa sintido at pilit na ina-absorb ang narinig.
"Ma, 1st year college palang kami, masyado pang maag-"
"Ina-advance ko nga lang," pagputol nito. "Mamaya bakuran pa ng ibang Hapon si Alexis dito, papayag ka ba?" napaisip ako bigla, "Oh 'di ba? Pag sinabi ni Alexis na wala siyang boyfriend, malamang mauunahan ka ng iba, mamaya no choice ka, si Hana mapunta sa'y-"
"Damare!" pagputol ko rin sa sinasabi ni Mama. (Translation: Shut up!)
"Tignan mo, nagagalit ka pa, it means mahal mo talaga s'ya ayieeeee!" humiga si mama sa kama at inikot ikot ang katawan, kinikilig.
"Madudumihan kama ko, alis," seryoso kong sabi, umupo ulit si Mama at hinampas ako.
"Kahit kailan talaga napaka-cold mo," ngumuso ito, "Pero, pero, pero ito pa!" dumikit ng kaunti si Mama at bumulong malapit sa tainga ko, "Papupuntahin ko rin ang Mama ni Celestine dito sa Pebrero!" tumayo si Mama at nagpaikot-ikot sa tuwa.
"P-papayag ba si Papa?"
"Oo naman 'no! Matagal nang kilala ng Papa mo si Rachel, college palang kami hihi,"
"Bahala ka na nga d'yan, Ma, hindi naman ako ang gagastos e," humiga ako sa kama at nagtalukbong.
"Mag-isa na si Seiko dito sa susunod at sa kabilang kwarto na ang Mama ni Alexis, dun naman ang kwarto n'yo ni Alexis at kwarto ng magiging baby-"
"Maaaa! Umalis ka na poooo!" muli akong nagtalukbong matapos magsalita.
"Pinapunta ko talaga dito ang Mama n'ya dahil nararamdaman kong nagta-trabaho si Alexis para mapapunta n'ya ang Mama n'ya dito, hays napakabait na bata," hindi na ako sumagot pa, "Anata wa totemo tsumetai otokodesu," bulong nito, maya maya pa ay narinig ko ng lumabas ito ng pinto. (Translation: You're a very cold man.)
Muli akong umupo at kinuha ang cellphone, napangiti ako nang makita ang picture namin ni Alexis sa Shinjuku Gyoen National Park, nakaakbay ako sa kanya at nakatingin naman s'ya sa akin habang nakanganga.
Balak ko magpagawa ng third floor pagawan kayo ng sariling kwarto ni Alexis-
Napahinto ako sa pagtitingin ng litrato at naisip ulit yung sinabi ni Mama. Hindi ako tatanggi Alexis, ikaw ang gusto ko makasama.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...