Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, napakababaw lang naman ng dahilan nito.
Binuksan ko ang mga cabinet sa taas ng lababo nila at may nakita akong mga noodles doon. Siguro naman ay katulad lang ito ng Pancit Canton at Lucky Me, parehas lang siguro sila ng luto. Kinuha ko ang mga kailangan sa pagluluto at akmang bubuksan ang gas stove, bahagya akong yumuko para alamin kung paano ito buksan. Napakamot ako habang sinisilip ang gas stove.
"Hindi ako marunong gumamit nito!" hindi ito katulad ng kalan namin sa bahay, sobrang automatic na nito at hindi ko ito alam buksan.
Habang sinisilip ito ay may kamay na humarang sa paningin ko at binuksan ito, napatingala ako dito at bahagyang nagulat.
Andito na naman ang pangalawang anak ni Tita Celestine. Inayos ko na ang tayo ko saka hinanda ang mga noodles, nininerbiyos.
"Bakit parang kinakabahan ka?" napatigil ako sa paglalakad ng magsalita ito. Kahit nakatalikod ako sa kanya ay ramdam kong nakangisi ito, sa tono palang nang pagsasalita niya e. Umirap ako dito ng hindi ito tinitignan saka itinuloy ang pagluluto ng noodles. "Ninerbiyos ka ba sa Japanese Lesson natin?" ibinagsak ko sa lababo ang sandok na hawak ko saka walang reaksyon na tumingin sa kanya.
"Nang-aasar ka ba?" mataray kong tanong. Binuhat naman nito ang sarili na nakasandal sa refrigerator saka umupo.
"Naasar ka ba?" ipinikit ko ang mata ko, nagtitimpi. Nahalata ba niya na naiilang ako? Bakit ba kasi yun pa yung tinanong niya diba? I like you very much? Psh!
Sasagot pa sana ako kaso napansin kong kumulo na ang tubig, naging abala naman ako sa paglalagay ng mga noodles. Pagtapos ko ilagay ang noodles ay ibinalik ko ang tingin kay Akihiro, nakapalumbaba lang ito at inaantay ang niluluto ko.
Mali pala ang naisip ko sa lalaking ito. Akala ko ay napakatahimik nito at hindi matunugang kawali, puro aral lang at walang pakealam sa mundo. Lumalabas na ang tunay niyang kulay, palaasar pala ito at immature. Pwe!
Naluto na ang noodles at inihain ko na ito sa mesa. Hinainan ko na rin ito ng makakain, ganti man lang sa pagtuturo niya sa akin. Umupo ako sa harapan nito at nagsimulang kumain.
Walang umiimik sa aming dalawa. Wala rin naman akong interes para buksan ang usapan, nati-triggered ako masyado sa kanya. Patuloy lang ito sa paghigop ng noodles. Napatitig nama ako dito, bakit ang unfair? Parang ang lakas ng dating niya kahit na minamadali niya ang paghigop ng noodles? Pag ako kasi gumawa niyan para na akong pulubi e, iba pa rin talaga pag maganda ang lahi e no? Sabagay, cute naman ang lahi namin e, di na masama.
"May bayad ang pagtitig sa akin." bumalik ako sa ulirat ng magsalita ito. Ngumisi naman ito at tumingin sa akin, napatingin din ako dito. Ang singkit ng mata niya, pag tinignan mo ay malalaman mo agad na hapon ito.
Napapikit ako nang maalalang napatitig na naman ako sa kanya. Kinusot kusot ko pa ito dahil mga ilang segundo din ako walang pikit pikit. Pagtapos ko magkusot ay tumingin ulit ako dito pero laking gulat ko nang mapagtantong nakatitig pa rin ito sa akin.
Tinitigan ko rin ito saka ako nagsalita, "May bayad ang pagtitig sa akin." pang-gagaya ko sa sinabi niya, nag-cross arms din ako at ginaya ag mga galawan niya.
Tumayo ito saka inayos ang pinagkainan niya, "Ang panget nang lasa ng noodles." saka umalis sa harapan ko, sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong mawala sa pangingin ko.
Nag-init ang pandinig ko, hindi tinatanggap ang sinabi nito.
Dali-dali ko itong sinundan at saktong naabutan ko ito sa sala, manonood ng TV, hindi nito naramdaman ang presensya ko kaya nagpatuloy ako. Pag-upo nito sa sofa ay dumaan ako sa likod ng sofa, kinuha ko ang unan sa gilid at hinampas ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...