Chapter 3

48 14 4
                                    


Alas otso na nang magising ako. Dali dali akong napabangon at mabilis na inayos ang higaan. Napasarap ang tulog ko dahil ang lambot ng kama at ang kapal ng kumot, baka nag-aalmusal na sila at hindi man lang ako nakatulong kay Tita.

Mabilis akong bumaba ng hagdan, hindi alintana ang madulas at maingay nitong tunog. Pagdungaw ko sa kusina ay andon si Tita nagliligpit na ng pinagkapehan nila. Napapikit naman ako sa hiya at dumiretso sa kusina.

"Tita pasensya na po at hindi ako nakatulong sa paghanda ng almusal, napasarap lang po ang tulog ko dahil ang lambot ng kama at ang kapal ng kumot, sorry po talaga" tuloy tuloy kong sabi kay Tita, tumawa naman ito at pinaupo ako sa upuan.

"Ano ka ba hija, hindi kami sabay sabay na kumakain dito. Tuwing umaga ay aalis na kami ng asawa ko papasok sa trabaho, mauunang magising si Seiko at aalis rin ito agad, susunod yun si Yumi at pagtapos non kumain ay magkukulong na 'yon sa kuwarto, si Akihiro ang huling gumigising sa kanila." kakaiba pala sila dito sa Japan ano? Sa Pilipinas kasi kadalasan ay sabay-sabay kumakain ang isang pamilya sa hapag-kainan, naging tradisyon ng karamihan, iba pala dito. "Anong gusto mo? Kape o gatas?" tumayo naman ako at kinuha kay tita ang tasa.

"Ako na po Tita, nakakahiya na po e" kinuha ulit sa akin ni Tita ang tasa at pinaupo ako ulit.

"Tuwing Weekend ko lang nagagawa ang ganitong bagay Alexis, pag Weekdays na ay hindi mo na ako halos makikita dito dahil sa trabaho, hayaan mong ako muna ang magtimpla para sayo" lahat ba talaga ng tao dito ay lulong sa trabaho? Kaya pala halos lahat ng tao dito ay magaganda ang bahay, magaganda rin siguro ang trabaho.

"Kape nalang po ako Tita" mahina kong sagot, gusto ko pa sanang isingit na paborito ko ang kape, kahit anong timpla basta kape kaso 'wag nalang. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext ulit si Mama. Nami-miss ko na si Mama, kamusta na kaya siya doon?

Busy ako sa pagti-text ng may umupo sa tapat ko, dahan dahan akong tumingin at bahagya pa akong nagulat nung makita kong si Akihiro pala ang nasa harapan ko, halata mong kagigising lang dahil halos hindi mo na makita ang mata nito sa sobrang singkit.

"Ay gising ka na rin pala, ipagtitimpla na rin kita ng kape" inilapag ni Tita ang kape na itinimpla nya para sa akin kasama ang mga tinapay saka bumalik ulit sa lababo para magtimpla ulit na para kay Akihiro. "Saktong-sakto, may sasabihin ako" inilagay na ni Tita ang kape sa harap ni Akihiro at umupo sa tabi ko. "Nahanapan na kita ng University Alexis, sa Waseda University ka mag-aaral at ikinuha kita ng AB Communication dahil iyon ang sabi ni Rachel, bale sa School of Humanities and Social Science ka banda, 'wag ka mag-alala dahil doon din naman mag-aaral si Akihiro, magkaiba lang kayo ng kurso pero atleast iisa lang kayo ng University, kaya magsasabay pa rin kayo lagi sa pagpasok" napatigil ako sa paghigop ng kape nang marining ko ang huling sinabi ni Tita, magsasbay kaming pumasok? E hindi ko nga alam kung nagsasalita ba 'tong anak nya e, baka hindi rin kami magkaintindihan ng Hapong 'to.

Dahan dahan akong lumapit sa tenga ni Tita at mahinang nagsalita, "A-ah Tita? Gusto ko lang po sanang itanong kung nakakapagtagalog po ba ang anak nyo, baka po kasi hindi kasi magkaintindihan e hehe" natawa naman si Tita saka nagsalitang muli.

"Ay oo naman! Tumira kami sa Pilipinas nung kuya nya, nag-aral pa doon si Seiko nang Kinder hanggang Grade 3, siya naman ay hanggang Grade 1 lang, kaya naman ay nakakapagtagalog silang dalawa, si Yumi lang naman ang hindi dahil dito na talaga 'yon lumaki" napaayos naman ako ng upo at dahan dahang tumingin kay Akihiro, napaiwas naman ako ng tingin at kinagat agad ang tinapay nung tumingin siya sa akin.

"Poker face, hmp!"

"Magiging body guard mo si Akihiro, okay?" sambit ulit ni Tita, nagpatuloy naman ako sa pagkain ng tinapay at hindi pinapahalatang nininerbiyos ako sa mga habilin niya. "Sabay kayong papasok at uuwi, hindi mo pa kasi gamay ang lugar dito e, Akihiro?" napalingon naman si Akihiro ng tawagin sya ng nanay nya, patuloy pa rin ito sa pagkain ng tinapay.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon