Chapter 22

29 2 4
                                    

Alexis

Padabog kong ibinagsak ang pinto pagpasok ko sa kwarto. Sinadya ko itong gawin para marinig ni Akihiro at nung tomodachi (friend) kuno niya!

Masama ang mukhang inalis ang surgical mask na nasa bibig ko. Titingin-tingin pa kasi sa'kin pero may ibang kasama! Pwe! Hindi ako sanay magsuot ng mask! Nag-iwan si Tita Celestine ng mask sa bag ko dahil sa klima nila dito. Sa sobrang lamig ay pwede kang magka-ubo or sipon. Kaya dapat magsuot ka ng mask. Halos lahat ng tao dito ay nakasuot nito. Kaya hindi na ako magtaka na nagkasakit ako dati.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama matapos magpalit ng damit at sinimulang mag-scroll sa Instagram at mabilis na sinearch yung Hana Hirake.

Napadapa ako sa kama at tinignan ang mga post nito. Ang dami niyang followers at likers. Hindi ka magdududa dito dahil sa angking ganda nito. May katangkaran ito at hindi sobrang singkit ng mata niya pero ang maalala kung paano niyang ikinapit ang kamay nya sa braso ni Akihiro ay naba-badtrip ako sa kanya.

Dahil nagsisimula na akong ma-curious sa mukha at porma niya ay inis kong pinatay ang cellphone ko at muling humiga.

"Ano kayang ginagawa nun dito?" napapaisip kong tanong. Mukha namang mayaman 'to at may sariling internet sa bahay. Gagawa ba siya ng homework or projects dito at makiki-connect siya dito? napakuyom ako at nagpagulong-gulong sa kama.

Kahit ako ay nalilito na sa sarili ko. Naiinis ako kay Akihiro at kahit saang angulo ko tignan ay halatang nagseselos ako. At ang pagseselos ko ay walang halaga. Dahil wala naman akong karapatang magselos sa kadahilanang,

wala namang kami.

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Kamot ulo akong nagbukas nito.

"Sore ha sudeni yon ato yon toki desu!" namilog ang mata ko sa anunsyo ni Aiyumi. (Translation: It's already four o'clock!)

"Honto?!" hindi pa man agad nakakatango si Aiyumi ay mabilis ko ng kinuha ang mga damit pang-trabaho ko at agad na nagtungo sa palikuran. (Translation: Really?!)

Inayos ko ang mga parteng gusot sa akin bago ako magtungo sa kusina. Saktong pagpasok ko ay naabutan kong abala si Hana sa paglalagay ng palaman. Dinaanan ko naman ito at kumuha ng tasa para magtimpla nalang ng kape. Nawalan ako ng ganang kumain. Umay.

"Hi, Alexis? Is it right?" nangunot ang noo ko sa pinagsasabi nito. Arekusish? Natawa ito habang naglalagay muli ng palaman sa tinapay. "Oh, I'm sorry, I thought thatu you can speaku English." marahan akong lumapit dito at umupo sa harap niya. Dahan dahan kong inikot ang kutsara sa kape bago ko ito tingalain at sagutin.

"Really? I also thought that you can pronounce my name clearly." may diin kong sagot dito. Naghahamon. Napangisi ito at nagtungo ito sa gilid ko para kumuha ng juice sa refrigerator. Ang tigas ng mukha ah?

"Your goodu in Engrish huh?" nagtungo na ito sa pwesto nito at nagsalin ng juice sa baso at inilagay sa tray.

"Of course. I was born in Philippines and I might say that we're good in speaking in English as well as pronunciation." hindi ko alam kung tama pa ba ang pinagsasabi ko at parang below the belt na ata ang lumalabas dito. Masyado lang siguro akong nainis, minaliit niya ako agad. Dapat lang siguro sa kanya 'to.

"We just haveu a Japanese Engrish and notu American Engrish and pronunciation."

Inubos kong agad ang kape at nakangiting tumayo habang nakatingin dito. "Then how about me? I can't speak Japanese at first but I just learned it with my self that's why I can speak now Japanese a little bit." mataray kong tugon dito. Maarte ka? Mas maarte ako!

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon