Akihiro
Halos wala akong marinig kahit na puro sigawan ang maririnig mo sa paligid. Nagkakagulo ang mga estudyante, patuloy naman sa pagpapakalma ang mga guro at staffs.
Kitang kita ko kung paano sanggiin at gumulong sa gitna ng field si Alexis. Papunta na sana ako dito ngunit may lalaking lumapit dito na hindi ko naman kilala kung sino.
Patakbo kong sinuyod ang clinic namin ngunit hinarang ako ng ilang nurse dito. Malawak naman ang school namin at kumpleto ng kagamitan kaya hindi na kailangang isugod sa iba pang ospital.
Habang nakaupo sa gilid at nakasandal sa pader ay napansin ko ang lalaking lumapit kay Alexis kanina. Dumungaw ito sa pinto at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Sino 'to?
Pinagmamasdan ko ito at biglang magitla nang tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti at lumapit.
"Hajimimashite." sinsero nitong saad saka umupo malapit sa tabi ko. (Nice meeting you.)
"Hajimimashite." tugon ko rito saka bahagyang yumuko dito saka tinignan ang halamang katabi ko at mga painting na nasa likuran ko, nililibang ang sarili.
"Sana maging ayos lang si Alexis." maya-mayang sabi nito gamit ang lengwahe nang hindi tumitingin sa gawi ko at tulala lamang sa pader na katapat nito.
Napalingon naman ako dito at nangunot ang noo. Sino ba 'to? Pinilit kong inisip kung nakita ko na ba ito ngunit wala akong maalala na ganitong mukha. Siguro ay kaklase ito ni Alexis kaya ganito nalang siguro kung makabuntot. Pero si Yuko ang lagi niyang kasama ah? tinignan ko ito gamit ang peripheral vision ko at agad na nangunot ang noo nang mapagtanto na tutok ito sa pinto kung saan dinala si Alexis.
"Gising na po si Alexis." sabay kaming napabangon nung lalaking katabi ko nang lumabas ang Nurse at ianunsyo ang kalagayan ni Alexis.
"Asan na po siya?" bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako ng lalaking ito na tila ba'y kasintahan siya nito.
"Kailangan na muna niyang magpahinga. Nagkaroon siya ng mga galos sa katawan dahil sa paggulong niya at sugat sa gilid ng ulo, mabuti na lamang at mababaw lang ito. But still, kailangan pa rin niya ng pahinga dahil mararamdaman niya ang sakit ng katawan niya kinabukasan." paliwanag ng Nurse sa amin gamit pa rin ang sarili naming lengwahe.
"May mga gamot o antibiotics po ba na kailangang i-apply sa mga bruises niya?" tumalim ang paningin ko nang magsalita ang lalaking nasa tabi ko.
Ngumiti naman ang Nurse sa amin habang nagpasalit-salit ang paningin. "A-ah, gusto ko lang po sanang itanong kung kaano-ano po ba kayong dalawa ni Montenegro-san?"
Napangisi ako nang maramdamang magitla ang lalaking nasa tabi ko, nangangapa ng pwedeng sabihin.
"Ikaw po ba ang boyfriend niya?" inosenteng tanong ng Nurse sa lalaking katabi ko. Kinakabahan naman akong tumingin dito. Paano kung boyfriend nga siya ni Alexis?
"A-ah, hindi." nahihiyang tugon nito na ikinangisi kong muli. Pahiya hahaha!
"Ikaw? Kaano-ano ka po ng pasiyente?" tumayo ako ng tuwid at umubo-ubo, inilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at tinignan ang Nurse na nakatingala sa akin.
"Kasama ko siya sa bahay." maangas kong sabi. Naramdaman ko naman ang panlalaki ng mata ng lalaking nasa tabi ko.
"Edi kapatid niyo po siya?" nasamid ako at napaubo kahit na walang kinakain o iniinom nang marinig ang sagot ng Nurse. Bigla ko namang binalingan ng masamang tingin ang lalaking katabi ko nang marinig na tumawa ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/223925543-288-k868668.jpg)
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...