Chapter 31

14 2 2
                                    

Akihiro

Kanina ko pa tinitignan si Alexis di kalayuan dito sa inuupuan ko. Hindi man lang ako nito inantay sa gate, mabuti na lamang at natanaw ko siya na pasakay dito sa tren kaya sinundan ko agad.

Halos gusto ko itong lapitan sa upuan n'ya ng makita itong umiiyak. Anong iniiyak-iyak neto? Panay ang punas nito ng luha n'ya, mabuti na lamang at walang nakakapansin sa kanya.

"Aisu kuri-mu syoppu ni iki masuyo u, Erika." nag-angat ako ng kilay nang marinig ang boses ng isang lalaki na katabi ko. (Translation: Let's go to the ice cream shop, Erika.)

"Doshite?" (Translation: Why?)

"Sore ha anata no you ni amai node." napaubo ako bigla na nagdulot sa paghinto ng dalawa sa pag-uusap. Ano ba naman 'yan. (Translation: It's sweet, like you.)

Napahawak ako sa sintindo ko at minasahe ito. Ang haharot. Iniwas ko na ang paningin ko sa dalawang mag-jowa at ibinaling muli ang paningin kay Alexis. Panay pa rin ang pag-iyak nito. May mangilan-ngilang matanda at estudyante na amg nakatingin sa kanya dahil sa ginagawa nito. Tahimik lang naman ito sa gilid pero mapapansin mo agad na umiiyak ito dahil panay ang pag-singhot nito at pag-punas ng luha. Baka. (Translation: Stupid.)

Paglabas ko ng tren ay agad na sinundan ko si Alexis. Mas malapit siya sa pinto kung kaya't mas nauna siyang nakalabas.

Panay ang pagpunas nito ng luha at hindi man lang inaalala ang daan. Hindi nito halos makita ang isang matandang Hapon na palapit na sa kanya. Kahit kailan talaga, Alexis! Mabilis akong tumakbo at hinila ang braso n'ya na sobrang ikinagulat nito. "Ah!"

"Anata wa michi o fusaide imasu!" singhal ng matandang Hapon kay Alexis. (Translation: You are blocking the way!)

"Gomen nasai." pagpasensiya ko rito at marahang yumuko. Hindi naman na kami kinibo ng matanda at umalis nalang. At isa pa, hindi ugali ng mga Hapon na mamahiya sa public area.

Nagbaba ako ng tingin at tinignan si Alexis. "Anong iniiyak-iyak mo?" tanong ko, pero hindi ako nito sinagot at tinalikuran lang ako bigla para maunang maglakad. Hinayaan ko nalang itong mauna at sinundan nalang ito sa likuran.

"May problema ba?" muli kong tanong habang naglalakad malapit na sa bahay namin.

"W-wala." mabilis na sagot nito nang hindi lumilingon.

"Honkidesu ka?" paninigurado ko. 'Wag kang pa-choosy, Alexis, masama ang pakiramdam ko psh.

"Haaai." mahaba nitong sagot bilang pag-sang ayon.

Hindi ako sumang-ayon sa sagot nito kaya binilisan ko ang lakad ko at mabilis na hinila ang pulsuhan nito. "Tara."

"S-saan tayo p-pupunta? H-hindi ata ito yung daan p-pauwi ah?" patuloy ang pagtanong ni Alexis pero hindi ko na ito sinagot.

"Pumili ka na ng gusto mo." agad na umawang ang bibig nito nang iharap ko ito sa isang sikat na Ice cream shop dito sa Shinjuku.

"Cold Stone Creamery?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Ang daming tanong, mamili ka na. Pasok na." walang emosyon kong saad. Hindi naman ako nito pinansin at nanatiling nakatingala ito sa shop, animo'y batang na-ignorante. "Ang tagal." pagsabi'y hinila ko na ito papasok.

Pagharap namin sa menu ay bigla itong umiyak na parang bata. Napatikom ako ng bibig bago muling magsalita.  "Wala tayo sa bilihan ng singsing, Alexis." parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero huli na ang lahat, sinamaan na ako nito ng tingin.

"Anong gagawin ko dito?" hanggang pag-abot ng menu ay umiiyak ito. Parang nagiging isip bata si Alexis ngayon?

"Tititigan mo." biro ko dito. Pero mukhang hindi nito nalaman na nag-joke ako kaya tinignan lang talaga n'ya ito. Slow ba si Alexis o sadyang waley lang yung banat ko? "Mamili ka na. Pinag-aantay mo yung babae." hindi ito umimik at ibinalik muli ang menu.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon