Akihiro's POV
Masyado akong nainis sa mga kinikilos ni Seiko kay Alexis. Nakapagtataka na bigla itong nagbigay ng regalo dito. Hindi nito hilig ang magbigay ng mga regalo sa mga tao, kahit pa sa mga naging ex nito.
Masyado niyang nasunod ang nakasanayan ng mga Hapon na ang babae ang nagbibigay ng mga regalo kapag Valentines at nasanay rin ito na makikipag-date sa mga ex niya at magkakanya-kanya silang gastos.
Ito ang nakasanayan ng mga Hapon na sobrang layo sa nakasanayan ng mga Pilipino, katulad ni Alexis. Mukhang hindi niya pa naaaral ang mga ibang pag-uugali ng Hapon.
Kung sa Pilipinas ay may librehan, dito ay KKB (kanya kanyang bili) kayo. At kapag nasa Pilipinas ka at may gusto kang babae, mag e-effort ka, magbibigay ng flowers and chocolate pero dito, kapag babae ka tapos may gusto kang lalake, ikaw ang mag e-effort.
Nahuli ako sa hapag-kainan at si Alexis naman ay nagsisimula ng maglinis. Maya maya lang ay naramdaman ko ang presensya ni Seiko sa likuran ko.
Ganon nalang ang gulat ko nang magbigay ito ng libro kay Alexis, pinagmasdan ko lang ang magiging reaksyon ni Alexis, tumili ito sa tuwa dahil nagkaroon na naman ng bagong koleksyong libro. Tinignan ko naman si Seiko na nakangiti rin dito ng pagkaganda-ganda, na hindi na bago sa paningin ko. At itong si Alexis naman ay ang lapad ng ngiti, abot hanggang anit labas pa gilagid.
Lumabas si Seiko dahil may kukunin pa daw ito na regalo. Di pa nakuntento, dinamihan pa. "Ang ingay mo." saad ko, masyado akong naiirita sa mga kilos niya. "Ang lakas ng boses mo." dugtong ko pa pero bigo akong makarinig ng sagot mula dito kaya tumayo nalang ako para umakyat sa kwarto.
Bago pa man ako makalabas ay sumaktong papasok din itong si Seiko. Nagkatitigan kami ng panandalian, tinignan ko ito ng seryoso, binabasa ang mata at isip nito. Huwag mo lang gawin ang binabalak mo. Babaltikin ka sa'kin. tinignan ko lang ito saglit at tinalikuran na sila.
Nakaupo ako sa study table at nagla-laptop, abala sa pagre-research ng magagandang anime. Habang nagi-scroll ay napatingin ako sa pinto ng maramdamang bumukas ito, at iniluwa nito si Kuya.
Hindi ako nito nilingon dahil nakatutok lang ito sa cellphone. Ibinagsak nito ang katawan sa higaan niya at nagpagulong-gulong ito.
Nakaramdam naman ako ng pagkaburyo kaya napagdesiyunan ko nalang na bumaba para magkape.
Pagpasok ko ng kusina ay narito rin si Alexis, Baka magti-timpla rin. "Ako rin." sambit ko nang makitang kumuha na ito ng tasa. Hindi naman ito sumagot sa akin at kumuha nalang ito ng isa pa.
Habang nakatalikod ito sa akin at abala sa pagtitimpla ay napangiti nalang ako. Minsan may anggulong maganda 'tong si Alexis. Maingay nga lang kung minsan. natawa ako sa naisip pero nabawi rin ito agad nang humarap na ito sa akin at ilapag ang kape sa harap ko.
Nakayuko lang ako at abala sa paghigop ng kape pero ramdam ko ang paningin nito sa akin, hindi ko man ito tignan. Tulala itong nakatingin sa akin habang humihigop din ng kape.
Grabe nalang ang pagpipigil ko ng tawa sa itsura nito. Siguro kahit na hindi ito magbiro sa akin ay siguradong matatawa pa rin ako, dahil sa mga reaksyon ng mukha niya.
"Hindi!" napatingin ako dito bigla nang hindi asahang sisigaw ito. Nanlaki ang mata nito na nakatingin sa akin at halata mong maging siya ay nabigla rin.
Sinimulan ko na namang magpigil ng tawa bago magtanong, "Baliw ka na?" biro ko dito pero bigo na naman ako na makarinig ng sagot mula rito bagkus ay minadali nito ang paghigop ng kape at naunang umalis. Baka! (Translation: Stupid)
BINABASA MO ANG
Still You
Fiksi RemajaAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...