AKIHIRO'S POV
Normal lang naman ang buhay ko. Hindi kami halos nagkakakitaan ng magulang at mga kapatid ko dahil may kanya-kanya kaming buhay.
Hindi nagkakasabay sa almusal, tanghalian at hapunan. Maghapong nakakulong sa kwarto at abala sa gadgets.
Pero dumating 'tong si Alexis. Noong una ay sobra akong naiinis dahil inagawan nya ako ng pagmamay-ari, ang kwarto. Pero unti-unti ay nawawala na ang galit o sama ng loob ko dito dahil matinong babae naman ito. Balita ko ay honor student daw ito, kaya naman pala ipinasok kami ni Mama sa Waseda University, isa sa pinakasikat na University dito sa Tokyo.
Napakadali nitong mapikon, kaya ipinagpatuloy ko ang mang-trip. Hindi ko naman talaga hilig ang makipag biruan, sa kanya ko lang naman ginawa 'yon dahil pikunin sya pero hindi lumalaban hahaha.
Kahit nung nasa tren kami. Nakausap ko yung kaklase ko nung senior high, hindi man ito magsalita o lumingon sa amin ay iba na ang awra niya non. Mabilis ako makaramdam sa isang bagay.
Naging ilag lang naman 'to sa akin mula ng pag trip-an ko ito noon sa daanan papunta sa train station. Natawa nalang ako ng maalala ko ulit ang sinabi ko.
'Hindi nagtutugma ang nilalabas ng bibig mo sa ikinikilos mo, Alexis.'
Biro ko lang naman iyon, natatawa na nga ako nun e, pinilit ko lang maging seryoso. Hindi ko na napigilang matawa kaya tinalikuran ko na ito pagkasabi ko non sa kanya.
Isang araw ay wala siya, kinatok ko sya non sa kwarto niya dahil hindi ko siya naaabutan sa kusina, malamang ay hindi pa 'yon kumakain. Nakailang katok muna ako bago ko kunin ang duplicate key ko sa kwarto niya, may duplicate talaga ako nito dahil kwarto ko 'to dati.
Pagbukas ko ay wala akong Alexis na nakita sa loob. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok dahil wala naman siya. Namangha pa ako dahil ang linis ng kwartp niya, naka-assemble ng maayos ang higaan niya at mga nakasampay na bagong damit. Lumingon ako sa bookshelf nito, wala pang lamang libro, pero walang alikabok.
Hindi niya hinahayaang madumihan ang kwarto ko, unlike sa akin before na kung hindi papasok si Mama dito ay hindi malilinis ang kwarto ko.
Paglingon ko sa study table niya ay may napansin akong mga libro at notebook na nakapatong doon. Marahan ko itong pinuntahan at binuklat gamit ang kanang kamay.
Nakakamangha lang na nagpapatuloy siya na mag-aral at magsulat ng Japanese. Naaalala kong dapat ako amg magturo sa kanya pero ayaw niya lumabas sa kwarto niya kaya hinahayaan ko nalang ito.
Pagbuklat ko pa sa isang pahina ay nairita ako sa nakita ko. Nagsulat siya ng tungkol sa akin. Nanlalaki ang butas ng ilong ko habang patuloy na binasa ang mga ito.
Akala mo naman kung sinong gwapo! Mukha namang walang jowa! Mukhang wala rin namang magkakagusto sa kanya kasi ang panget ng ugali mo! Hindi na talaga ako magpapaturo sayo ng Nihonggo, Akihiro! Pwe!
Mabilis ko itong sinara saka lumabas ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kusina at nagkape nalang, iniisip pa rin lahat ng sinulat ni Alexis sa notebook nya.
Nasa sala ako nanonood nang may nag-doorbell, mabilis kong pinatay ang tv at diretsong pumunta sa pinto. Pagbukas ko ay hindi nga ako nagkamali, si Alexis andito na.
Napakurap pa ako ng ilang beses bago ako maliwanagan. Napansin ko dito agad ang bagong hairstyle nito. Pinaiklian niya ang buhok nya ng kaunti at pinakulayan ito ng golden brown. Nakakamangha lang at bumagay talaga ito sa kanya.
Pagkasara ko ng pinto ay nag-isip ako ng itatanong sa kanya. "San ka galing?" iyon nalang ang naisip kong tanong, bahala na.
"Bakit mo tinatanong?" mataray nitong sabi, hindi ko inaasahan na magtatanong ito pabalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...