Alexis POV
Marahan kong iminulat ang aking mata. Agad kong ipinatong ang kanang kamay ko sa noo ko para tignan kung may nararamdaman pa ba ako.
'Magaling na ako!'
Napangiti nalang ako at agad na bumangon. Habang nagliligpit ng hinigaan ay binuksan ko ang cellphone ko.
Monday, 8:27am...
Bukas ay uuwi na sila Tita Celestine. Ikalawang araw na nila ngayon, malamang ay nag-enjoy sila ng sobra. Mabuti sila at may family bonding na nagaganap, samantalang kami ni Mama. Napanguso ako sa naisip, kamusta na kaya si Mama sa Pilipinas?
Pagtapos magligpit ay kinuha ako ang cellphone ko at agad na nag-chat kay Mama. Sinabi ko na nagkasakit ako pero mabuti nalang at halos isang araw lang ako nilagnat, dahil lang talaga 'to sa malalang klima dito sa Japan.
Kumuha ako ng damit dahil oras na para maligo. Ilang araw din akong hindi nakaligo dahil sa lagnat na 'yon. At isa pa, sinabihan ako ni Akihiro na maligo kahapon pero di pa rin talaga ako okay kaya di pa rin ako naligo.
'Gising na kaya 'yon?'
Dumiretso ako sa kwarto ni Akihiro matapos maligo. Kinatok ko ito sa kwarto nito pero walang Akihiro na sumagot.
Napagdesisyunan ko nalang na bumaba at pumunta ng kusina pero napahinto ako sa sala ng matanaw ng peripheral vision ko sa Akihiro.
Abala siya sa panonood habang nakahiga sa sofa. Dumiretso ako dito at sinilip kung anong pinapanood niya.
"Anong title niyan?" inosente kong tanong. Tinignan naman ako nito at saka bumangon sa pagkakahiga at umupo nalang.
"Kimi no nawa."
"K-kimi no n-nawa?" pag-ulit ko, tumango lang ito bilang pagsagot. "Your Name?" tanong ko pa ulit. Pumikit naman ito at ni-pause yung palabas. "M-mali ba s-sagot ko?" malungkot kong tugon. Tina-try ko lang naman kung may natututunan ba ako sa pagse-self study ko e.
"Tama."
Agad na namilog ang mata ko sa sinabi ni Akihiro, 'Tama raw sagot ko! Hahaha!'
"We?" di ko pa ring makapaniwalang tanong, hindi naman na nito ako pinansin pa at pinatay nalang ang TV. "Bat mo pinatay?" gulat kong tanong. Sinundan ko pa ito ng tingin ng daanan lang ako nito at pumunta sa kusina. Sumunod naman ako dito tutal sa kusina rin naman ang sadya ko.
"Paulit-ulit ko naman na napanood yun e." sagot niya habang kumukuha ng tasa, kumuha rin ako ng tasa para magtimpla ng kape. "Mabuti at magaling ka na?" napalingon ako dito ng magtanong ito.
"Hmm." tango ko. "Mabilis lang naman ako gumaling." nakangiti kong saad sabay upo at higop ng kape. Umupo rin ito sa harapan ko.
Tahimik lang itong nagkakape sa harap ko. Para kaming nadaanan ng anghel, sobrang tahimik. Wala sana akong balak na magsimula ng usapan pero may naalala lang akong itanong.
"A-ah, Akihiro." tawag ko, tumingin naman ito agad sa akin. "Bakit ka pala hindi sumama sa Family bonding nyo?" akala ko ay kasama siya kaya hindi ako sumama non. Natatakot kasi ako na baka sumbatan naman niya ako sa family bonding nila 'diba? Kung alam ko lang naman na hindi siya sasama ay sumama nalang ako.
"B-bakit di ka rin sumama?" pagbalik niya ng tanong sa akin. Inilapag ko naman ang tasa ko at tumingin sa kanya.
"A-ah, kasi nagre-review ako, mahirap na at baka matameme ako pag nag-start na ang klase 'diba?" palusot ko. Nahihiya naman akong napatungo at uminom nalang ng kape.
"Ayokong sumama sa kanila kasi hindi naman ako nag-enjoy sa family bonding namin." saad niya, inangat ko naman ang ulo ko at pinakinggan ito. "Lagi kaming may bakasyon pero andon pa rin sila ni Otōsan (Papa) abala sa pagla-laptop, nung bata ako ay nalulungkot ako but now, I'm used to it."
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...