DINDIE'S POV
"Are you okay with this, baby?" Tanong ni Niel habang nasa ibabaw ko at seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Tinitigan ko lang siya, at dito ay naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung ano na naman 'tong nararamdaman ko. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya.
Hindi pa ako nagsasalita ay hinaplos niya ang aking buhok, saka hinalikan sa noo. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Let's just stay like this, then," aniya sa mahinang boses. Parang, pagod na siya.
Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Nung isang araw, naging buo naman na ang desisyon kong ibigay 'to sa kanya. Pero ngayong gabing ito mismo ay parang gusto ko na namang umatras.
Natatakot ako, dahil sa hindi malamang rason.
Napabuntong hininga ako, "S-sorry, Niel--"
"Don't say sorry," isang halik sa noo muli ang natanggap ko, "I understand,"
Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin at tumingin sa akin. Ngumiti siya at mas na-guilty lang ako. Dahil, siguro... hindi ko pa talaga 'to kayang ibigay.
"Sleep. I'm very sure you're tired," nang marinig ito ay tipid akong ngumiti at agad na ipinikit ang mga mata. Agad na nag-isip kung paano ko ba maibibigay ang bagay na ito sa kanya.
Ilang segundo pa ang inilaan ko sa pag-iisip. Bumuntong hininga ako at iminulat ang mga mata, at tiningnan siya, "Niel,"
"Hmm?"
"Gawin natin 'yon," nagdadalawang isip na naman ako pero hindi ko ito ipinahalata sa kanya.
Umiling siya, "You don't want to do it,"
"Pero, alam kong gusto mo," bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Gumuhit ang kurba sa labi niya kaya napatingin akong muli sa kanyang mga mata. Kinabahan na naman ako.
"You don't have to give it if you don't want to, baby," marahan niyang sinabi at hinalik-halikan ako sa pisngi at labi, "I love you,"
"G-gusto ko," hindi ako sigurado.
"But, you don't look comfortable witht that thing--"
Pinutol ko ang pagsasalita niya, "Ayos lang. G-gawin natin,"
"Baby,"
Ngumiti ako, "Ayos lang ako, Niel. Gawin natin."
Hindi na siya nagsalita. Hinalikan lang niya ako ng paulit-ulit sa noo, saka unti-unting pumaibabaw sa akin. Hindi siya agad na gumalaw. Tinitigan lang niya ako ng seryoso.
Napakagat-labi ako.
"Are you really okay? Please don't if you're not comfortable, baby--" hindi na siya nakakapagsalita nang pinulupot ko ang mga braso sa kanyang leeg at hinalikan siya.
Ako na ang unang kumilos kaya wala nang atrasan 'to.
Agad siyang tumugon sa halik ko kaya mas napahigpit ang pagkapit ko sa leeg niya. Nakapikit pa rin ang mga mata ko, at iniisip na ako gusto ko rin 'to para maging komportable ako.
"I'm tempted to have you," at nadako ang labi niya sa leeg ko, "But," paghihinto siya sa ginagawang paghalik.
"Okay lang. Ituloy mo," nagdadalawang isip din siguro siya pero hindi naman niya dapat na ii-spoil palagi. Kailangan ko ring ibigay ang gusto niya.
"You really okay with this?" Muli niyang pagtatanong, saka ipinahinga ang sarili niya sa dibdib ko. Tiningnan ko siya at dito ay nagtama ang mga mata namin. Tumango ako.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."