Chapter 23

14 4 0
                                    

DINDIE'S POV

Nang magising ako ay wala nang baha sa kwarto ko. Pagkalabas din sa sala ay wala na ring tubig sa sahig, at bumungad din sa akin ang magandang panahon, na para bang walang nangyaring napakalakas na bagyo kahapon.

Pumunta ako ng kusina, at nakita si A-el na naglalapag na ng mga plato sa mesa.

"Hindi ka natulog?" Agad kong tanong sabay kusot sa mga mata't naupo.

"Natulog naman, konti," sagot niya, "pero okay lang naman ako. Wala rin namang nasira sa bahay at okay pa naman ang bubong natin kaso, nasira ang meter at antena saka natumba ang poste, yung kable ng kuryente natin e naputol din,"

"Ganon ba..." sa bagay, sobrang lakas nga naman kasi ng bagyo kagabi. "Teka, sila mama, na-contact mo na?"

Umiling siya, "Hindi. Kagabi pa walang signal, hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik," nawalan pala ng signal. Nag aalala na tuloy ako kina mama at papa. Hindi ko kasi alam kung anong sitwasyon nila ngayon kasi wala sila sa bahay. Pero sana naman ay ayos lang sila.

"Grabe..." napailing na lang ako.

"Sinabi mo pa. Hays. Kain na nga lang tayo--a, nga pala ate, sasama ako kay Ailee mamaya. Mamamalengke sila, at dahil wala na tayong stock, kailangan kong bumili," sabi niya.

"Sama ako--"

"Hindi pwede," pagbabawal niya. "Wag magpapagod, bilin na bilin yan ng doktor. Saka isa pa, sandali lang naman ako. Hindi kita hahayaang mag-isa rito ng matagal lalo na't nandito ang asawa mong gago--"

"A-el..." pagpigil ko.

"Oo na, pero basta, sandali lang ako do'n," aniya't kumain ito. Bumuntong hininga na lang ako at nagdesisyong padalhan na lang siya ng extrang pera mamaya pag alis niya.

Kumain lang kami, pero hindi halos nagalaw ang pagkain ko dahil si Niel lang ang iniisip ko. Napansin iyon ni A-el kaya sinermonan na naman niya ako. Pero natigil lang nang dumating na rito si Ailee.

"Wag ka nang maghuhugas ng plato. Ako na gagawa n'yan pag uwi ko," sabi niya't lumabas ng bahay. Nagpaalam na rin si Ailee kaya kinawayan ko na lang sila. Bumuntong hiningang muli nang makita silang naglalakad palayo, hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nandito si Niel. Nag aalala rin ako kasi... nandito siya. Baka kasi malaman niyang buntis ako. Baka mahalata niya.

Sana nga lang, hindi. Naisip ko kasi yung mga sinabi ni A-el, at na-realize na mabuti na nga munang wag kong sabihin. Isa pa, hindi ko pa kayang makipag usap sa kanya lalo na kung tungkol sa bagay na 'yon.

Nailing na lang at iniligpit ang pinagkainan. Huhugasan ko sana ang mga plato pero baka magsermon na naman yung kapatid ko kaya pinuntahan ko na lang si Niel sa kwarto. Sakto namang bumangon siya at nagtagpo ang mga mata namin.

Hindi ko maiwasang masaktan.

"Din--"

"May... pagkain na ro'n sa kusina, kumain kana muna," sabay iwas ng tingin at umalis. Pumasok ako ng kwarto at dito'y nagkulong. Hindi ko pala talaga siya kayang kausapin.

Nagpasalamat lang nang hindi siya nagpumilit na pumasok ng kwarto para lang makausap ako. Hinintay ko na lang na bumalik si A-el para hindi na ako ma-akward lalo.

Naghintay rin ng ilang oras at nailaan na lang ito sa pagtulog. Nang magising ay narinig ko na rin ang boses ni A-el, may kausap. Sigurado akong si Ailee yo'n. Kaya dito lang ako lumabas.

"Brown out talaga tayo ng ilang buwan dito. Walang kuryente at signal," rinig ko. Kaya, lalong nag alala para kina mama at papa.

"Kailan daw babalik?" Tanong ko.

"Ewan ko ate. Basta, kailangan nating maghanap ng libreng charging station saka maghintay na lang sa signal," sabi niya. "Pati mga bangko hindi pa available,"

Grabe pala talaga ang bagyong 'yon. Sa ganda ng panahon kasi ngayong araw, hindi mo aakalaing bumagyo pala kagabi.
Ngayon, nag aalala na naman dahil hindi na ako makakakuha ng pera panggastos namin dahil dito.

"May relief goods naman yata yan," si A-el, "saka tingin ko sapat naman na tong mga binili ko para sa 'tin. Sinigurado ko rin namang makakakain ka pa rin ng masustansya. Dapat malusog kayo ng pamangkin ko,"

Napailing ako at natawa. At nang tiningnan ko, mga de latang pagkain at instant noodles ang laman. May mga gulay din sa isa pang sako bag na dala niya. May gatas.

"Nga pala ate, congrats ha, ninang ako," natutuwang sabi ni Ailee.

"Oo naman," pag ngiti ko.

"O sige, baka hinahanap na ako ni lola, mauuna na ako sa inyo ha," paglakad niya. Ihahatid sana namin siya pero hindi na niya kami inabala pang gawin 'yon.

"O, kumain na ba yung asawa mo?" Tanong niya, saka inayos ang mga pinamili.

"Sinabihan ko naman na siyang kumain kanina. Tatanungin ko na lang siya ulit mamaya," sagot ko.

"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, ate," ano? "Mahal mo pa ba talaga 'yan? Hiwalayan mo na kaya? Nakakasama lang siya sayo, e--"

"A-el..." pagbaba ko ng tingin sa mga kamay ko, "mahal ko siya, sobra. At kahit na nakita ko 'yon, mahal ko pa rin siya. Nahihirapan lang akong tanggapin ang lahat pero mahal ko pa rin siya,"

"Marupok," at nakita ko na lang siyang umirap nang nag angat ako ng tingin. Imbis na maiyak at manikip ang dibdib dahil sa sinabi ko, natawa na lang ako sa kapatid ko.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon