DINDIE'S POV
"Makakalabas ka na ng ospital, Nadiene. But, you still have to visit here for monitoring," sabi ni doc Sasha sa akin. Tumango lang ako habang nakatingin sa kanya.
Ngayong araw ay uuwi na ako sa condo. Sabi ni Niel, pinayagan ako ni CEO na nagpahinga muna. Tama na rin 'yon, hanggang sa maka-recover ako.
Inayos ko ang butones ng suot na damit, at muling humarap kay doc Sasha, "Thank you, doc," isang ngiti at tango lang ang sagot niya sa 'kin, saka siya lumingon-lingon na para bang may hinahanap.
"Where's your husband?" Tanong niya. Si Niel?
"Parating na siya para sunduin ako," at nginitian siya.
Hindi na siya sumagot.
Bumuntong hininga ako, at tinitigan si doc Sasha, saka napaisip. Ilang araw na rin ang lumipas, at hindi ko alam kung masyado pa bang maaga para dito pero itatanong ko na 'to sa kanya.
"Doc," pagsasalita ko.
"Hmm?"
"Doc, posible pa rin bang..." napayuko ako, "mabuntis ako kahit nakunan na ako sa unang pagkakataon?" Saka napakagat labi.
"Yes, it's still possible. You could try again. You'll conceive again in natural way," diretso niyang sabi... dahilan kung bakit agad akong nakaramdam ng saya. Mabibigyan ko pa rin ng anak si Niel-- "But,"
"A-ano?"
"Hindi lang ako sigurado kung kakayanin ba ng matres mo ang magbuntis ulit pag nagkataaon, at posibleng matagalan bago kayo makabuo ulit," sabi niya. Kaya, unti unti na naman akong nawawalan ng pag-asa.
"I don't have any intention to hurt you. Pero posibleng mahihirapan kayong makabuo ulit sa loob ng maikling panahon pagkatapos ng pangyayaring 'to. Isa pa, may chance din na hindi na kayo makakabuo," dagdag niya. Dito ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
Ibig sabihin... hindi na talaga kami magkaka-anak.
Dapat pala, hindi ko muna ito tinanong kaagad. Hindi pa nga ako masyadong nakaka-move on sa nangyari sa baby namin, sinaktan ko na naman ang sarili ko dahil sa tanong na 'yon.
"However," napatingin ako sa kanya. Nasa mga pisngi ko ang hindi pa napupunasang luha, "You two can still have a child,"
"P-pa'no?" Saka ko pinunasan ang pisngi gamit ang kamay.
"There are ways," Ngumiti siya, "Umm, you know... hindi mo na muna dapat isipin ang mga 'yan sa ngayon, Nadiene. You have to recover. Magpahinga ka muna. Don't stress yourself,"
Marahan akong napatango. "Okay..."
"We'll talk about it soon, hmm?" I nodded, again, "Alright. Now, I gotta go,"
"S-salamat, doc..."
Muli siyang tipid na ngumiti, saka naglakad paalis ng kwarto. Ako naman ay napabuntong hininga lang ng ilang beses, lalo na't naalala ko ang pinag usapan naming dalawa kanina.
"Baby, I'm here," napalingon ako nang marinig 'yon, at nakita ang asawa ko na naglalakad papalapit sa akin.
Agad niya akong hinalikan. Paulit-ulit niya itong ginawa. Natawa na lang ako, "Alien ka,"
"Sobrang ganda mo," at hinalikan ako sa noo. "Let's go,"
Tinanguan ko lang siya.
Mula sa pag-alis mismo ng kwarto hanggang sa makasakay kami ng kotse ay hawak lang niya ng mahigpit ang kamay ko. Binitiwan lang niya ito nang magsimula na siyang magmaneho.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."