Chapter 11

23 4 0
                                    

DINDIE'S POV

"Hindi ko rin alam kung ba't tayo nandito. Basta, tinawagan ako ng isa sa mga aunties sa landline, and she said na pumunta raw ako rito," bulong sa 'kin ni Ginger, at bumuntong hininga na lang ako.

Gaya kasi niya, tumawag din ang isa sa mga aunties. Si auntie Pelt ang tumawag kanina. Hindi ko na nasabi kay Niel ang tungkol dito kasi wala na siya sa condo nang magising ako. Saka, alam kong sobrang busy niya.

"Silence, ladies," napatigil ako sa iniisip dahil sa narinig. Napatingin ako kay auntie Zilda, na matalim na ang tingin sa akin. Napalunok ako't umiwas ng tingin, yumuko.

"Tāmen zài zhèlǐ ma?" sabi ng aunti Nirma, na hindi ko maintindihan.

"Shì de," sagot naman ng aunti Zilda. "Dia, Ginelle. You get ready,"

Iginiya kami ng tatlong katulong patungo sa isang kwarto. Nagtaka na lang nang makita ang mga manekin na nakasuot ng makukulay na damit pang-tsino. Nagtaka lalo nang makita ang mga gamit pang-kolorete, at palamuting pang-tsino rin.

"What are we doing here--"

"Shh," nagulat na lang makita si auntie Pely sa sulok. Nakaupo. Ang bilis niya namang nakarating dito. Napatingin ako kay Gin nang tinakpan niya ang kanyang bibig.

Wala akong ideya kung ba't kami naririto, at kung anong gagawin namin dito.

"Our family matchmakers are coming here, now. And you'll be measured," sabi niya, "test your fineness, and your gracefulness, and your tounges,"

Ha? Family matchmakers?

Pumalakpak siya't nabigla na lang nang may humawak sa magkabila kong braso. Pinaupo nila ako at sinimulang lagyan ng kung ano ang mukha ko.

Wala namang salamin malapit sa 'kin kaya hindi ko alam kung ano bang ginagawa nila sa aking mukha. Hinayaan ko na lamang, at hinintay hanggang sa matapos sila sa gingawa.

"Nǐ rènwéi tāmen huì tōngguò ma ?" Rinig ko mula kay Auntie Nirma.

"Wǒ bù zhīdào," si Auntie Zilda ang sumagot. "Ano ba naman kasi 'tong si Amanda, hindi man lang hinarap sa matchmakers ang mga napangasawa ng mga anak niya,"

"Hmm, tóngyì," pag sang ayon ni auntie Nirma, kaya napatingin ako kay Ginger. Hindi siya nakatingin sa direksyon ko pero kita rin sa kanya ang pagtataka.

"We'll just see. Cǐwài , Amah zài zhèlǐ . wǒ xiǎng zhīdào tā duì zhèxiē nǚxìng de shuōfǎ ," naiwas ako ng tingin nang madako ang tingin ng mga aunties sa 'kin.

Pinatayo ako ng nag-ayos sa 'kin, at nagpunta kami ng dressing room. Nagulat na lang ako nang isa-isang hinubad ng babae ang suot kong damit.

"A-teka--"

"Huwag po kayong mag-alala, mistress," sabi nito, at nagpatuloy sa ginagawa. Wala na akong nagawa nang matanggal niya ng tuluyan ang pang-itaas kong damit.

Wala pa rin akong idea kung ano tong ginagawa nila sa 'min, at kung para saan ba 'to.

Isinuot din nito ang kulay pulang sapatos sa paa ko. Nakalabas lang ako nang matapos. Dito'y tumambad na sa 'kin ang isang salamin. Nakita ko na ang hitsura ko. Pulang-pula ang labi ko't naka-kulay pula rin akong damit.

"It's time," ito na lang ang huli kong narinig kay Auntie Pelt, at lumabas na sila ng mga aunties sa kwarto. Hinahanap ko si Ginger pero wala na siya rito.

"Mistress, maghintay daw po muna kayo rito sandali. Ipapatawag ho nila kayo pagkatapos ni Mistress Ginelle," sabi ng babaeng nagbihis sa 'kin.

"Umm, matanong ko lang po," sabi ko, "p-para saan ho ba ito?"

"Ang narinig ko, ihaharap daw nila kayo sa family matchmakers nila pero sa pag-uusap nila kanina, parang hindi mangyayari 'yon," why?

Nanahimik ako at naghintay. Hanggang sa makita ko na lang na pumasok na si Ginger sa kwarto. Umupo siya sa tabi ko at napabuntong-hininga.

"That was nerve-wrecking, Din," sabi niya na iinakaba ko.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"I thought na yung family matchmaker nila ang pupunta. But no. Hindi pwede 'yon kasi kasal na tayo sa mga asawa natin. Their family matchmakers's role is to find matches for mama and baba's sons," siya.

"Then?"

"Si amah ang pumunta," ano?! Naman, hindi pa ako masyadong handa sa amah!

Napakagat labi ako.

"Just relax, Din. Amah's sharp and straight to the point kind of woman," dagdag niya.

"Mistress Dia, tayo na po," rinig ko sa katulong. Dito'y para nang sasabog ang didbdib ko sa kaba.

Sa sinabi pa lang kasi ni Ginger ay kinabahan na ako. Pano pa kaya pag nakaharap ko na siya?

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon