Chapter 12

16 4 0
                                    

DINDIE'S POV

Hindi ko maiwas ang tingin ko kay amah, at siya rin. Kanina pa niya ako tinitingnan. Maging ang mga aunties na nasa tabi niya. Nag-uusap din sila sa lengguwaheng chinese, na hindi ko maintindihan. Hindi pa kasi ako magaling talagang magsalit no'n.

"Nǐ shì níěr de qīzǐ," sabi ng amah, "Dia,"

"She is," si auntie Nirma.

"You are not a Chinese," diretso niyang sinabi sa akin, "wǒ de sūnzǐ bìxū jiàgěi zhōngguórén ! "

Wala pa rin akong naintindihan. Pero parang hindi maganda 'to. Kasi, tila ba salubong ang kilay ng amah habang sinasabi niya iyon. May diin sa bawat salitang sinasabi niya.

"Wala na tayong magagawa, amah. Tāmen jiéhūn le ," ani Auntie Pelt.

"Even Kiel. He's married with Ginelle--"

"Ginelle is fine," sabi nito, "He has two sons. tā gěi le érzǐ , suǒyǐ wǒ huì ràng tā tōngguò . But you, you haven't conceived yet, right?"

Umiling ako.

"I don't like you," na ikinabigla ko. "Sy family's legacy will continue with Kier's sons," sabay tingin sa 'kin, at umiling. Tumayo siya sa kinauupuan at umalis na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung ano bang unang mararamdaman ko. Pero basta, ang alam ko... sobrang naninikip na ang dibdib ko dahil... si amah... hindi niya ako nagustuhan.

Sumunod ang mga aunties at naiwan akong mag-isa. Puno ng pagtataka at lungkot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ba't gano'n na lang ang reaksyon ng amah sa 'kin.

Nakauwi na lang ako ng bahay pero hindi pa rin ako mapakali. Masyado na yata akong nag o-overthink. Nalilito man dahil kay amah, siguro hindi ko rin talaga makalimutan yung sinabi niyang ayaw niya sa akin.

Naghintay ako hanggang nag-alas otso ng gabi pero wala pa si Niel. Hindi pa siya umuuwi. Medyo sumakit rin ang ulo ko kaya naisipang itulog na lang ito kaysa kumain pero may nag-door bell.

Inasahan kong si Niel iyon pero hindi. Si baba, at si Zember.

"Ate Din," salubong sa 'kin ni Zember, "Baba and I went to a lolo-and-grandson date!" Masaya niyang kwento.

"Ai, hindi ko kasi matiis. He said he wants to be with me today," kaya pala, "papunta na rin sana kami kina Dragon. Ihahatid ko na sana ang batang 'to pero naisipan kong dumaan muna sa 'yo,"

Pumasok sila sa condo at naupo si Zember sa sofa. Si baba nama'y may dalang mga paper bag.

"We brought foods," sabay lapag niya sa mesa, "kumain ka na ba?"

"H-hindi pa po," sagot ko, at dito'y napatingin siya sa 'kin.

"Dia..." tawag niya, "your mama told you to eat well and on time,"

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni baba. Ewan, mula rin kasi nang nalaman kong mahihirapan na akong magbuntis, hindi ko na inabalang masyadong pakainin pa ang sarili ko. Nawawalan na rin ako ng ganang kumain. Minsan wala akong agahan. Kung nandyan si Niel, doon lang kumpleto ang kain ko.

"Baba," mahinang sabi ko, "Diba, hindi rin kayo... nagustuhan ng amah, gaya ng kwento n'yo sa 'kin no'n?"

"Shì de," si baba, "Alalang-alala ko pa ang mga araw na 'yon, na halos itakwil na nila ang mama mo dahil lang ayaw nila sa 'kin,"

Dito'y naalala ko na naman ang sinabi ng amah, na hindi niya ako gusto.

"Nasaktan ako no'n kasi... ayaw ng pamilya niya sa 'kin. At alam kong nasaktan din ang mama mo, kaya ginawa ko ang lahat para magustuhan ako ng amah," dagdag niya.

Bumuntong hininga ako, at napatingin siya sa 'kin, "I courted her family. Napakahirap no'n, lalo na nung tanggalan ng mana ng amah ang mama Amanda mo... but she didn't gave up, and so do I," saka siya ngumiti, "is that what's worrying you?"

"H-ha?"

He sighed, "I heard from Mr. Bao. Nagkita na kayo ng amah, and... she said to you what she have said to me years ago,"

"Baba..."

He shooks his head, "Wag kang panghihinaan ng loob, Dia. Our amah's so sharp and she's very straight to the point. Her words will hit you so deep. Pero lagi mong tandaan na pinili ka ng anak ko, na mahal ka niya. Iyon ang mas mahalaga,"

Tumango ako.

Hindi niya ako tinanong kung ano bang pagkukulang ko, o kung anong hindi nagustuhan sa 'kin ng amah. Pero wala rin naman akong maisasagot dahil hindi ko rin alam kung ano bang pamantayan nila, at kung anong hinahanap nila.

Nasabi ng amah na hindi ako Chinese, at hindi ko alam kung parte ba yon ng mga dahilan niya para hindi ako magustuhan. Naisip ko ring isa sa mga dahilan ay ang hindi ko pagkakaroon agad ng anak.

Hindi ko na sinabi pa ang mga iyon kay baba. Bumuntong hininga na lamang, at napatingin kay Zember na kanina pa yata nakangiti.

"Zember, it's time to go home," pagtawag ni baba sa kanya. Tumakbo siya papalapit sa 'min at matamis na ngumiti, saka tumango. "Pa'no, I'll send breakfast here tomorrow, hmm? Wag mong pabayaan ang sarili mo,"

Hindi ako nagsalita.

Tahimik ko silang sinamahan papalabas ng condo, at marahas na napahinga. Pumasok akong muli sa loob, at napunong muli ng kaba, pangamba, lungkot at takot.

Pero napaisip din sa sinabi ni baba. Na, hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

Napaupo sa sofa at nag-isip, ng mga paraan kung... paano ko ba makukuha ang loob ng amah. Para sa gano'n paraan man lang, magustuhan niya ako kahit paunti-unti.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon