Chapter 9

18 5 0
                                    

DINDIE'S POV

"So, kumusta?" Tanong ni doc Sasha. Nandito ako sa opisina niya, at nagtatanong siysa sa'kin ngayon. "Do you feel anything, vomiting, any signs of pregnancy?"

"Wala," pag-iling ko.

"Walang nagpositive?" Umiling ulit ako. She nodded and look at me straightly, then gave a box, "just rest for now, and you can try having intercourse again. After one or two weeks, subukan mo ulit,"

"Salamat, doc," ngiti ang ibinigay ko at tinanguan niya ako. Pero nang makalabas ng opisina niya'y paulit ulit akong bumuntong-hininga.

Bumalik ako sa building at muling bumuntong hininga, saka nagdesisyong magpahinga. Hindi ko na inabala pa ang sariling umuwi ng bahay dahil may mga tatapusin pa akong trabaho.

Sanadaling nakaidlip, at nagising na lang din. Alas dos na ng hapon nang magising ako. Hindi gaya ng inaasahan o ng hinihiling, wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.

Napabuntong-hininga na lang, at tinapos na ang mga gawain. Saka umuwi ng condo.

Wala pa si Niel nang makauwi. Umupo ako sa sofa at muling ipinikit ang mga mata. Inisip ang sinabi ni doc Sasha kanina, at dinapuan din ng labis na pag-aalala.

Pwedeng-pwede kaming sumubok. Wala naman na rin siyang sinabing hindi na ako mabubuntis, diba? Pero, nasabi niya kasing mahihirapan ako, o baka hindi na talaga kami makabuo.

Nalilito ako, pero dahil salungat ang nararamdaman at ang paniniwala ni Niel sa iniisip ko, sinikap kong lagyan ng pag-asa ang puso ko.

Sana lang talaga, magkaroon na kami ng anak.

Napamulat na lang nang marinig ang cellphone kong tumunog. At, sinagot agad ang tawag nang makitang si mama ang tumatawag.

"Hija," bungad niya mula sa phone, "are you free? Nandito kasi ang mga aunties mo, and they... want to see you,"

A, ang mga aunties. Medyo takot ako sa kanila dahil... alam kong disappointed sila nung nakunan ako. Kinabahan ako pero bilang respeto na rin, magpapakita ako sa kanila ngayon.

"Free naman po ako ngayon, mama," pagsagot ko.

"Great! I'll send Mr. Bao to pick you there, okay?" Sabi niya. " yǒngyuǎn , wǒmen ài nǐ ,"

"yǒngyuǎn , wǒ yě ài nǐ, mama," marahan kong sabi. Hindi pa kasi ako masyadong marunong magsalita ng Chinese.

"Love it! You speak so natural, dear. Hǎo ba, I'll hang this up. Take care," huling sabi niya at pinatay ang tawag.

Napangiti na lang ako. Ang sweet sweet ni mama, sobra.

Naghanda na ako, at naghintay kay Mr. Bao sa parking lot ng condominium. Sandali lang din naman ang paghihintay ko dahil dumating naman siya.

Tahimik lang ako sa kotse at inaalala ang mga aunties. Hindi ko alam kung paano mawawala ang kaba ko sa kanila mula nung nakunan ako, at hindi ko na rin ma-explain ang kaba dahil magkikita kami ulit ngayon.

"Ayos lang po ba kayo, mistress?" Napatingin ako kay Mr. Bao, at iiling na sana nang maisip na hindi naman ako makakapagsinungaling sa kanya.

He knows that the aunties's terrifying me so much.

"Kinakabahan lang, Mr. Bao," sagot ko.

"Ang mga aunties?" Tanong niya, at tumango ako. "Huwag mong alalahanin ang sasabihin nila. Ibibigay at ibibigay din ng Maykapal ang hinihiling n'yo,"

"Salamat, Mr. Bao," marahan akong ngumiti. Nawala paunti-unti ang kaba ko, pero muli na namang bumalik... ng kaunti nang huminto na kami sa harap ng mansyon.

Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob, at sinalubong naman ako ni mama.

"Hija," sabay halik niya sa 'king pisngi, "your aunties are waiting. Let's go?"

Tumango lang ako at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nagpunta kami sa garden, at nakita kong naririto na ang mga aunties. Nagtsa-tsaa sila, at nag-uusap sa lengguwaheng Chinese.

"Wǒmen zài zhèlǐ," napalingon ang aunties, at kinabahan na naman ako.

Sumalubong sa akin ang tingin ng mga aunties. Nina auntie Zilda, auntie Nirma at auntie Pelt. Tahimik akong umupo katabi ni mama, at sinubukang hindi pansinin ang medyo... nakakairita nilang tingin.

"So, what are we gonna talk about?" Sabi ni mama.

"Abot your sons' wives," sagot ni auntie Pelt, "tāmen méiyǒu yùjiàn zǔmǔ , tāmen shènzhì bù shì huǒchái zhìzàoshāng zhìzuò de bǐsài, Amanda,"

"Pelt naman," she stared at auntie Pelt, "Wǒ bù xīwàng wǒ de érzǐ pǐpèi. Gusto kong sila mismo ang pumili ng magugustuhan nila,"

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko maintindihan. Hindi ko rin gets dahil wala namang specific na bagay o topic na binanggit si mama.

"Buntis ka na ba, Dia?" Diretsong tanong sa 'kin ni auntie Zilda. Umiling ako, at kita ang agaf na pagkadismaya sa kanya.

"Zilda, they're trying to have a child again, bù yào tài kēkè," marahang sabi ng mama. Pagkatapos no'n ay hinawakan niya ang kamay ko. Tipid akong napangiti.

Sumunod na nagsalita si Aunti Nirma, "Quèbǎo nǐ huì zhǔnbèi hǎo miànduì nǎinǎi, Amanda," bumuntong hininga si mama, at tila ba nag-aalalang tumingin sa 'kin.

Hindi ko man sila maintindihan, tingin ko, para bang may mangyayaring hindi ko inaasahan.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon