DINDIE'S POV
"Ay level up, a," si Nicole habang nasa cellphone kami at nag-uusap. "Buti hindi ka sinusungitan ng amah dyan, e yung mga aunties kumusta?"
"A, nung nakaraan okay naman. Pero napapadalas ang paglakad nila kaya wala siya sa bahay parati. Pero okay naman," sagot ko, "hindi naman na ako nababara dahil sa disappointments nila,"
"Buti naman. E, ikaw, okay ka ba talaga? Wala ka bang nararamdaman ngayon?" Umiling ako, at bumuntong hininga.
"Wala, Nic,"
"Din, tanong ko lang ha. Sigurado ka ba dyan sa doktor na pinupuntahan mo ha?" Ha? At bakit niya naman yan natanong?
"Oo... mula nang nakunan ako, sa kanya na ako nagpapa-check up saka... mabait naman siya..." sabi ko.
"Hmm, okay. Sabi mo e," siya, "Nga pala, sinubukan kong kumalap ng balita sa ibang department dito tungkol sa mga sched ni sir Niel pero... wala akong nakuha, pasensya na ha,"
"Okay lang," bumuntong hiningang muli, at naalala ang hindi niya pag-rereply sa 'kin. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. Pero basta, ang alam ko naman e busy siya kaya 'yon lang ang pinanghahawakan ko.
"Teka, diba plano n'yong umuwi sa probinsya mo? Kelan nga yung flight--e, bukas na 'yon a," hmm. Isa rin to sa dahilan kung ba't nag aalala ako sa hindi pagrereply ni Niel.
Uuwi na sana kami sa probinsya para bisitahin naman sina mama at papa, at tama nga si Nicole. Bukas na ang flight na 'yon. Sinubukan ko na nga ring tawagan siya pero wala pa rin. Dahil hindi ko siya ma contact, hindi ko na rin alam kung tutuloy pa ba kami bukas.
"Ire-rebook ko na lang siguro ang flight, Nic," tama, iyon na lang ang gagawin ko.
"Wag kang mag alala, sasagap ulit ako ng balita dito tapos update kita agad," sabi niya, at pinatay ang tawag. Ako naman ay paulit ulit na huminga ng malalim.
"Dia, are you busy?" Napalingon na lang ako nang marinig si amah, at umiling. "Pwede mo ba akong samahan sa garden?"
"Oo naman ho, amah," agad kong pagpayag. Iniwan ko ang cellphone sa kama at sinamahan si amah sa garden.
Umupo ako at siya nama'y nagsimulang magdilig ng mga halaman. Nagsalin ako ng tsaa at pinagmasdan siya sa ginagawa.
"Watering plants's more than satisfying," sabi niya't nakita ko ang kanyang matingkad na ngiti, "I really love plants. What do you think?"
"Sa tingin ko ho, nakakagaan din ng loob ang mga halaman,"
"Yes, they are," walang mapagsidlan ang ngiting nakita ko ngayong umaga.
Hindi ko nakita sa mukha ng amah ang kahit na anong disappointment, o hindi pagka gusto sa akin. All I see were her sweet smiles, and in how she enjoys what she's doing.
"How's your sleep?" Tanong niya.
"Ayos naman po,"
"Hmm, Dia," tawag nito ng marahan sa pangalan ko.
"Ho?"
"Forgive me for being rude," nag... sorry si amah.
"Amah, w-wag n'yo na hong isipin yon. Wala ho sa 'kin yon--"
"Let me. Wag mo kong pagtakpan. I know my mistake," sa sinabi niya ay tumahimik ako agad, "I know my words hurt your feelings so much,"
"Amah..."
"I honestly meant that I didn't liked you, nung una tayong magkita. I didn't knew you, and you're not from our matchmakers's matches, and you're still..." oo, hindi pa rin ako buntis, at alam ko yon-- "but... you're a good woman,"
Amah...
"I noticed that everytime you're with us. Alam kong hindi maganda ang trato namin sayo, yet you didn't complained," dagdag niya. Wala naman sa 'kin yon, hindi ako galit sa kanila o sa kanya, "and you cooked for me, and I appreciated it so much,"
"Wala ho yon, amah--"
"I'll try to be good to you," sa sinabi niyang 'yon ay tila ba tinanggal na ng tuluyan ang tinik sa dibdib at isip ko.
"Let's do shopping tonight," dagsag nito sa mga sinabi niya. At wala akong pag aalinlangan. Agad akong tumango at pumayag sa sinabi ng amah.
Nang tingnan ko si amah, nagdidilig na ito ulit. Alam ko namang... hindi madali pero napasaya pa rin ako ng amah sa sinabi niya. Isang malaking point na yon. It means, nagbunga ang pinaghihirapan ko.
At pagbubutihan ko pa.
Ngiti ang ginanti ko kay amah, at kahit hindi siya nakatitig ay hindi ko pa rin winawala ang mga ngiting 'yon.
Hindi ko lang kasi talaga expect. Akala ko kasi, dahil lang sa hindi ako magkaroon ng anak ay hindi na ako makakaranas ng ganitong pangyayari kasama si amah.
Akala ko, hindi ko na mararanansang ipagluto siya, ang makausap siya, at ang makasama siya't makita ang mga ngiti niya. Pero hindi. Naranasan ko'ng lahat yon kaya dito'y unti-unting nabubuhay ang pag-asa kong matatanggap niya na ako ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."