Chapter 13

14 4 0
                                    

DINDIE'S POV

"The breakfast's better today," pag-compliment ng auntie Pelt sa pagkain, "I like how the egg rice's cooked,"

"Shì de," si auntie Nirma, "Who put cooked the spiced pork? There's no lao gan ma, yet its spice's good, ha,"

Hindi nagsalita si Auntie Zilda, maging si amah. Kumakain lang sila, kaya nagpatuloy na lang din ako sa pag kain.

"By the way, nasa'n si Amanda?" Tanong ni auntie Nirma.

"Their last concert's next month in Shanghai, umalis silang dalawa kaninang madaling araw," dito'y nagsalita na si Auntie Zilda.

Kaya pala wala sina mama at baba.

"Dia," nagulat ako nang tinawag ako ni... amah, "your hand," napatingin tuloy ako sa kamay ko, at dito'y naalala na napaso pala ako kanina.

"A... amah," sandaling napayuko dahil sa kaba pero binalik din ang tingin sa kanya.

"So..." napatingin ako kay auntie Pelt. Marahan niyang pinunasan labi niya, "ikaw ang nagluto nito?" Dahan-dahan akong tumango. "Hmm,"

"Did you put compress already?" Tanong niya. I just nodded. Tumayo siya't tiningnan ako, pero hindi gaya nung una kaming nagkita, kalmado niya akong tinitigan. Na ikinagaan naman ng loob ko.

Naglakad si amah papaalis ng hapag, at sumunod ang dalawang aunties. Naiwan sa mesa si auntie Pelt. Siya naman ang nagsalita ngayon.

"Well, it's something," saka umalis. Naiwan akong sobrang napanatag ang looba tnakangiti. Kasi tingin ko, nagustuhan nila ang hinanda kong agahan.

Hindi ko alam kung anong naisip ng mga aunties at dito nila ako pinatulog. Hindi pa rin umuuwi sa condo si Niel kaya mas mainam na rin to para may makasama ako.

Medyo... hindi pa rin ako komportable sa mga aunties, maging kay amah kasi medyo takot ako sa kanila. Pero, naalala kong may goal ako. Na paunti-unti silang suyuin, nang sa gano'n ay magustuhan nila ako, lalong lalo na si amah.

"Mistress Dia," nakangiting salubong sa 'kin ni Mr. Bao, "A good news?"

"Siguro," nakangiti kong sagot. "Nagustuhan yata nila ang luto ko,"

"Determinado kayo," oo, sobra, "Maiwan ko muna. Congratulations sa achievement n'yo,"

Iniwan niya ako sa hapag, at dahil wala namang magawa ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Dinala ko ang mga 'yon sa kusina't ako na rin ang naghugas ng mga pinggan.

Pero halos mahulog na ang hawak kong plato nang marinig ang boses ni amah, di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ang mga maids dapat ang gumagawa n'yan," she said, kaya napaharap ako sa kanya.

"Okay lang naman po ako, a-amah--"

"You shouldn't have. Wag mong basain yan, pagalingin mo ang pasong yan," medyo nakakatakot ang boses niya pero ikinalma ko ang sarili ko. Tumango ako, at marahan siyang tiningnan.

Wala akong masabing salita sa kanya, dahil kahit pa pigilan ko, natatalo pa rin ako ng kaba.

Ilang minuto rin yata kaming nanatili sa kusina. Walang imikan, titigan lang. Ako lang din ang umiiwas ng tingin. At si amah, tila ba inoobserbahan niya ako.

"Dia..." pagtawag niya sa 'kin, "Are you pregnant?"

"Po?"

"Buntis ka ba?" Pag uusisa niya. Tila ba tinitigan niya ng mabuti ang katawan ko. "You are... well are you?"

"H-hindi po, amah," pag iling ko, at nakaramdam agad ng lungkot.

Sinubukan ko nang i-test ang sarili ko matapos ng huling ginawa namin 'yon ni Niel. Pero, wala pa rin. Negative pa rin.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon