DINDIE'S POV
Nung mga nakaraang araw, bigla na lang akong nawalan ng ganang kumain. Ewan ko pero wala talaga akong ganang kumain. Nagtataka si Niel kung bakit, at kahit na ako. Pero, hindi ko na inabala pang magpa check up, kasi bigla-bigla na lang din akong nawawala sa mood kapag iyon ng pinag iusapan namin.
Pagkatapos kahapon naman, buong araw lang akong nakahilata sa kama.
At ngayon, tatlong araw naman akong nagtitiis sa sakit sa ulong nararamdaman. Umiinom naman ako ng gamot pero wala pa rin itong silbi. Hindi pa rin ako gumagaling. Pero kahit na gano'n, hindi na ako nag abala pang ipaalam ito sa kanila lalo na sa asawa ko, dahil paniguradong hindi na naman ako makakapagtrabaho pag nagkataon.
Naiwan akong mag isa sa office ngayon. Busy kasi si Nicole sa pag aasikaso ng mga susuutin ni JK, kasi start na ng recording niya para sa ibang tracks ng album niya.
Tatayo na sana ako para sana pumunta din sa recording studio sumakit na naman ulo ko. Nanatili na lang akong nakaupo at sinimulang hilutin ang aking sentido.
Napatingin ako sa desk, at naalalang wala naman na akong trabaho. Mas lalong sakit na nararamdaman kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang muna sa condo. Hindi ko na kasi talaga kaya.
Kinuha ko agad ang bag at isinabit ko sa balikat, at nilisan ang office. Nang makalabas naman ng building ay lumala lang ang sakit sa ulo ko. Pastilan. Ngayon pa talaga.
Pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ite-text ko na lang si Niel na nauna akong umuwi para hindi na niya ako hintayin.
Naalala kong wala akong ibang masaskyan. Sabay kasi kaming pumasok kanina, at hindi naman ako marunong magmaneho kaya magco-commute na lang siguro ako ngayon.
Ilang hakbang pa lang ang ginawa ko, pero dito ay talagang nanlabo na ang paningin ko... sumakit ng todo ang ulo at para bang agad akong nawalan ng lakas... na para bang babagsak na 'ko.
Hanggang sa may naramdaman na lang akong parang may sumalo sa 'kin.
"Miss... Miss... are you okay?" Rinig ko, pero dahil sa panlalabo ng mata ay hindi ko na naaninag ang mukha niya.
"Kaya mo bang tumayo? Miss?" Tanong niya pero hindi na ako nakasagot dahil parang bigla na lang na nawala ang buong lakas sa katawan ko.
"Miss... Miss, wake up," iyon na lang ang huli kong narinig mula sa taong ito, at tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
Nagising na lang ako... sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil medyo malabo pa rin ang aking paningin. Pero, napagtanto ko na lang na nasa ospital na pala ako.
Teka, anong ginagawa ko rito?
"Baby..." napalingon ako kaagad nang narinig ang boses niya... ang boses ni Niel.
Nakita ko siyang nagmadaling lumapit sa akin at agad na hinalik-halikan ang kamay ko. "Nahihilo ka pa ba? Ano pang masakit sa'yo? Tell me, I'm so worried,"
"Sino ang nagdala sa 'kin dito?" Pagtataka ko.
He sighed, "Isang nurse ang nagdala sayo riyo sa ospital. He supposed to check all the entertainment employees' condition, sa utos na rin ni CEO, pero ikaw ang naabutan niya. Luckily, he's one of the nurses of this hospital, kaya dito ka niya diniretso,"
Kitang kita sa mukha niya ang sobrang pag aalala.
Bumuntong hininga na naman siya. Dahil sa sobrang pag aalala, "Parating na si Doc. Now, magpahinga ka muna, baby,"
"Niel, okay na ako," sana'y gagalaw ako at tatayo nang pigilan niya ako. Bigla siyang naging seryoso, na ipinagtaka ko naman.
"Don't move, baby," kalmado pero sobrang seryoso niyang sinabi.
"Bakit? Okay na ako, Niel--"
"No. Don't move, please," madiin ang pagkakasabi niya rito, "I'm worried that it might happen here again," at napayuko siya.
Niel...
"Gising na ba siya?" Pareho kaming napatingin sa may pinto, at nakita ang isang babaeng doktor. Tingin ko, mga nasa mid 40's na siya. Naglakad ito papalapit sa amin, at agad na humarap sa aswa ko.
"Doc," rinig kong sabi ni Niel.
Dito ay tiningnan niya ang asawa ko, "You seem still worried, Niel. But don't be. Because, its a very good news,"
"Good news? W-what do you mean, doc?" Tanong ni Niel, at mahigpit na hawak niya ang kamay ko.
There she smiled, "Your beautiful wife is two weeks pregnant, Niel,"
Ano? A-ako? Buntis?
Agad akong napaluha dahil sa sinabi niya. Pero, hindi pa rin ako masyadong umasa na totoo ang narinig ko. "S-sigurado ho ba kayo, doc?" Pagtatanong ko.
Tumango siya, "I know it's rare within one try but I'm very sure, Misis. You're pregnant. And, it's already two weeks,"
At dito ay hindi na matanggal ang saya sa mukha ng asawa ko. Kanina pa hindi matanggal ang ngiti ni Niel. Kanina pa rin niya hinahaplos-haplos ang tiyan ko. Siguro, dahil ito sa sobrang saya niya mula sa nalamang balit kanina... na, buntis ako.
Ako naman, hindi pa rin makapaniwala dahil sa nalaman. Talaga bang buntis ako? Malamang, Dindie. Doktor na ang nagsabi na buntis ako, tapos ayaw ko pang maniwala. Hays.
"But, you two need to be careful, especially you, misis. It is still early but I noticed na talagang magiging maselan ang pagbubuntis mo. I suggest you to just stop working muna and you must stay at home. You're so sensitive, at magiging frequent ang pagkakawala mo ng malay," sabi niya. Dahil dito ay agad akong nag alala para sa baby.
"I'll check you again later. After that, you can go home," dagdag niya, "Congrats ulit sa inyo,"
"Thank you, Doc," tipid akong napangiti sa kanya.
Iniwan niya kaming dalawa ni Niel, at napabuntong hininga na lang ako.
"Sabi ko na e, makakabuo tayo agad," patuloy pa rin siya sa ginagawa, "Magkaka-baby na talaga tayo, baby,"
Tinitigan ko si Niel, at sobrang halata sa mukha niya ang saya. Pero, salungat ito sa nararamdaman ko. Kakasabi kasi ni Doc na magiging maselan ang pagbubuntis ko at madalas daw akong mawawalan ng malay. Hindi ko naman alam kung bakit pero ang tanging alam ko lang ay masyado akong binagabag ng pag aalala para sa magiging anak namin.
"Wait, is there any problem, baby?" Tanong niya.
Hindi ko naman na to matatago sa kanya kaya sasabihin ko na lang.
"Nag aalala lang ako," muli akong bumuntong hininga, "nag aalala ako para sa baby natin, Niel,"
"Dahil ba sa sinabi ni Doc kanina?"
Tumango ako.
Hinigpitan pa niya lalo ang paghawak sa kamay ko, at dito ay ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya. Hinalikan niya ako sa noo, at ngumiti, "Hinding-hindi kita pababayaan,"
Dahan dahan niyang minasahe ang kamay ko, "Nang marinig ko 'yon mula kay Doc ay sobrang nag alala rin ako, Din. Pero, kahit na gano'n ay gagawin ko pa rin ang lahat para ingatan kayo ni baby. Hindi ako aalis sa tabi n'yo, para alagaan kayong dalawa,"
Napangiti ako do'n.
"Salamat,"
Hinalikan niya ako sa labi, "No. Thank you. Thank you for giving me another baby, baby,"
Natawa ako sa sinabi niya. And there he look relieved, "Yan, ngumiti ka na rin. I love you,"
Naging panatag ang loob ko, "Alam ko. At mahal din kita,"
Isa pang halik sa noo ang ginawad niya sa akin, at minasahe na niyang muli ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."