DINDIE'S POV
"Good morning, baby," masayang bati ni Niel nang magkatitigan kami. May dala siyang tray, "Here's your breakfast, baby,"
Dahan dahan niya itong inilapag sa kama, at tumabi sa akin.
"Susubuan kita, baby," sabay kuha sa kutsara, at talaga ngang susubuan niya ako pero pinigilan ko siya.
"Ako na. Kaya ko namang kumaing mag isa," pagpigil ko, "Mabuti pa, kumain ka na rin. Mala-late ka na,"
Umiling siya, "Nakapagpaalam na ako kay CEO. I said you're not feeling well, again. Hindi ko pa naman sinabi sa kanila ang pagbubuntis mo dahil gusto kong may approval mo 'yon. But, I think he's letting me to be with you now 'cause he has an idea that you're pregnant already,"
Hindi na lang ako nagsalita.
"Eat, baby. I'll feed you two," sabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang na subuan niya ako.
Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang malaman naming nagdadalang-tao ako, pero wala pa kaming sinabihan no'n, kahit na ang mga pamilya at kaibigan namin.
Hindi ko alam kung bakit ayaw ko munang ipaalam sa kanila ang tungkol dito pero... lagi kong iniisip na saka na lang namin sasabihin kapag umabot na si baby ng isang buwan dito sa sinapupunan ko.
Pumayag naman si Niel sa desisyon ko kaya hanggang ngayon ay kaming dalawa lang ang may alam nito.
"Eat well, baby... ilang araw kang walang ganang kumain no'n kaya dapat kumain ka ng marami ngayon, hmm?" Sabay halik sa noo ko.
Dalawang araw na rin akong bini-baby nitong asawa ko. Kaya ko namang kumain mag isa pero ayaw niya akong payagan. Kaya ko namang tumayo pero ayaw niya akong patayuin. At, kaya ko namang gumalaw pero pati ang pagpunta ko sa banyo ay trabaho pa niya.
Binubuhat niya ako parati, para daw hindi ako mapagod. Kaya minsan, natatawa na lang ako sa kinikilos niya. Pero, natutuwa rin kasi alagang-alaga niya 'ko. Ingat na ingat siya sa bawat galaw na ginagawa niya.
Uminom ako ng gatas, at hindi pa ngangalahati ay tumigil na ako. Hindi ko na kasi kayang ubusin 'to. Busog na 'ko.
"You're done?" Tanong niya, at tumango ako. Tinanguan din niya ako, at ngumiti siya. "Ililigpit ko lang 'to."
"Okay," nginitian ko siya.
Nang makalabas siya ay kinuha ko naman ang phone ko. Sandali ko lang titingnan ang mga messages sa social media account ko, at pagkatapos ay magpapahinga na muna ako. Dahil, umaandar na naman 'tong sakit sa ulo ko.
Kaagad kong in-open ang message na nakita. Galing kay A-el.
A-el Villasencio Active 3 hours ago
A-el Villasencio
Hoy, ate kong pandak?
Ate kong pandak! 😂 May tanong sina mama sa 'yo!
Sabihin mo kay kuya na padalhan niya ako ng isang kahon ng chocolate.
Natawa na lang ako.
A-el Villasencio Active Now
A-el Villasencio
Hoy, ate!
Active na ang buraot at matakaw kong kapatid.
Dia Nadiene
O, bakit?A-el Villasencio
Nangutana si mama ug naa na ba daw apo silang papa. Nagtatanong si mama kung magkaka-apo na raw ba sila ni papa.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."