DINDIE'S POV
December twenty-four. Medyo maulan na naman, at wala pa ring kuryente. Sa lakas ba naman ng bagyong dumating rito sa probinsya. Nandito sina Ailee at ang lola niya, kasama namin sa bahay at naghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan para sa niche buena.
Bumuntong hininga ko nang maalala ulit sina mama at papa. Hindi pa rin namin sila ma-kontak. Wala pa ring kuryente at signal. Pero sana naman maayos sila do'n.
"You okay?" Napalingon ako at nakita si Niel. Tumingin ako ulit sa may bintana at tumango. "Nag-aalala lang kina mama,"
"I'm sure they're fine, and safe," sabi niya.
"Salamat,"
"For what?"
"Wala, gusto ko lang magpasalamat sayo," hindi ko rin alam pero sinabi ko.
"Sa totoo lang, ako dapat ang magsabi niyan," siya, "Thank you so much for letting me stay here, Din. And, thank you so much for being kind, sa kabila ng nangyayari sa 'tin,"
"Wala yon--"
"And I'm still determined to win you back," dagdag niya.
"Niel, p-pano kung... ayaw ko na--"
"Then I'll keep on courting you. Hinding-hindi kita susukuan hanggang sa mapatawad mo 'ko," sabi niya. Kaya, hindi na ako nagsalita. Wala naman akong masasabi, at nararamdaman kong unti-unti na namang lumalambot ang... nararamdamn ko para sa asawa ko.
"Ate, magno-noche buena na tayo!" Rinig ko, mula kay Ailee kaya may naidahilan ako para iwan si Niel do'n. Agad akong nagtungo ng kusina at nakita si A-el na katatapos lang maghanda.
Nakita ko rin namang sumunod si Niel, kaya hindi na ako nag-abala pang tawagin siya.
Napaisip na naman ako sa lahat ng mga sinabi niya. At sa lahat ng mga nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung patatawarin ko ba siya, o sasabihing may tsansya pa siyang magkabalikan kami ulit, o kung sasabihin kong hindi ko ba talaga gagawin yung annulment... ewan.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago mag alas dose kaya sinikap kong i-distract ang sarili ko. Nagawa ko naman yon kasi na-enjoy ko ang paghihintay kasama sina Ailee at lola niya. Isa pa, si A-el e panay din ang kwento kasi excited na siyang kumain.
Natawa na lang ako.
"Merry christmas!" Unang una pa talagang nag greet si A-el kaya natawa kami. Dito'y sandali akong napatingin kay Niel at napangiti na lang nang makita siyang ngumingiti rin.
Pero, hindi na ako nakaiwas nang mapatingin siya sa 'kin. Hindi ko naman kasi alam na titingnan niya ako.
"Merry christmas," alam kong yan ang sinabi niya, kaya ngumiti ako't sinabihan ko rin siya no'n. "I love you, Din," dito'y... umiwas na ako ng tingin sa kanya.
Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko kaya nakokonsyensya ako. Pero kailangan kong gawin 'yon. Sorry, Niel.
Nagsikain na sina Ailee kaya ganon na rin ako. Hindi ko na lang pinapansin yung nangyari kanina. Naging okay naman. Nung natapos na, hinatid ko sa kwarto ko sina Ailee, saka nag offer ako na tumulong kina A-el sa pagliligpit. Dahil pinagbabawalan pa rin, ang nagawa ko lang ay ang iligpit at takpan ang mga natirang pagkain. Si A-el ang naghugas, at si Niel naman ay nagsalin ng tubig sa mga balde.
Naging tahimik ang paligid, at hanggang sa matapos si A-el ay tahimik pa rin. Um-exit na lang din ang kapatid ko at susunod na sana ako dahil ayaw kong ma-akward kasama si Niel dito s kusina pero nangyari iyon. Kasi, si Niel mismo ang tumawag sakin.
Wala akong nagawa kundi ang manatili.
"Din," si Niel, "I know about that thing,"
"Thing? Anong... bagay, Niel?"
"That... you're pregnant," a...no?
Hindi ako nakagalaw mula sa kinauupuan nang sinabi niya yon. Pero pinilit din na magpanggap pa rin at ilang beses akong tumanggi.
"Hindi... ako buntis, Niel," kalma kong sabi, kahit nagsisinungaling na ako, "alam mo yan. Sinabi na ng doktor yon," at naluha na lang nang maalala ang mga sinabi ni sasha, at ang nakita ko, at nung malaman kong buntis ako.
"Alam ko, Din," saka niya ako nilapitan. Umupo siya sa tapat ko, "Din--"
"Niel, pwede ba... wag na nating pag-usapan yan--"
"The day you saw us in the hospital Din, is the day when I found out that you're pregnant," ano? Pero... hindi yon maaari.
"Imposible..."
"I... planned talking to Sasha, tungkol sa posibilidad ng pagbubuntis mo. And I'm hoping that I could help you, it's the least I can do," sabi nito kaya nakinig ako, "then I just found out that... she's giving you fake pregnancy test kits,"
"Hindi..." umiling ako't hindi na mapigil ang pag-iyak. "Niel..."
Dito'y hinawakan niya ang kamay ko. Hinawi ko ito pero hinahawakan niya pa rin kaya hindi ko na tinanggal pa nang hawakan niya ulit ito.
"Din, she lied to you, to us..." sa sinabi na ay hindi ko nakayanan at bumuhos na ang luha ko.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."