Chapter 27

16 3 3
                                    

Dindie's POV

"I just wanted to help. Alam kong napre-pressure ka... nahihirapan ka na kasi dahil lang do'n, sa kagustuhang magkaroon tayo ulit ng anak," rinig ko mula sa asawa ko, "pinuntahan ko si Sasha, asking a way, asking any ways for us to have a child again...."

"Niel..."

"I wanted to talk to her para matulungan niya tayo but... she seduced me the moment I entered the room," nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig. Nakuyom ko ang kamay dahil pakiramdam ko, pinipiga ng husto ang dibdib ko. Pero, hindi hinayaan kong... patapusin sa pagsasalita si Niel.

Kahit na... nasasaktan na naman ako.

"She tried to kiss me and touch me, but I didn't let her," pero yung nakita ko... nung araw na 'yon--"and then she said hurtful words, pero hindi ako nadala no'n. I pushed her away. Tinaboy ko siya. Then you showed up. Aalis na sana ako no'n para sundan ka, nang makita ko na lang yung mga nasa mesa niya,"

"Ano?"

"Faked pregnancy test kits at fake pregnancy results..." saka yumuko si Niel at marahang hinawakan ang... kamay ko. "She faked it all Din... she faked it all..."

"At... huli na nung malaman ko kasi... umalis ako nang hindi... nakikinig sa mga sasabihin mo--"

"It's alright--"

Umiling ako, "hindi, Niel... hinding hindi magiging okay yon, e," humagulhol na ako... kasi hindi ko na kinaya. Mag...sosorry na sana ako kasi nung araw na 'yon, umalis ako agad nang hindi man lang napakinggan ang sasabihin ng asawa ko, nang... maramdaman ko na lang na may yumakap sa 'kin.

"I'm sorry," marahan niyang sabi, "A-el told me... walang araw kang hindi nahihirapan. You went through so much, at wala ako sa tabi mo nung mga araw na 'yon... alam kong hindi naging madali sayo ang lahat, I'm sorry, Din..."

Napakarahan ng boses niya, na lalo ko lang ikinaiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Basta ang alam ko... may mga pagkakamali rin ako.

Hindi na sana ako umalis agad at inalam na lang sana ang totoo, hindi na sana aabot ang lahat sa ganito.

"I love you so much," sabi nito, "hinding-hinding hindi kita lolokohin. Wala sa isip ko 'yon. Mahal na mahal kita, Din... mahal na mahal,"

"Alam ko," napapunas ako sa 'king pisngi, "at oo, tama ka. Buntis ako,"

"I love you..." saka niya pinaulanan ng halik ang noo ko.

"Sorry hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito.." paghingi ko ng tawad.

"I love you so much," ganti niya.

"Sorry kung umalis ako agad, hindi ako nakinig, hindi ko inalam agad ang totoo--"

"I love you, Dia Nadiene, so so much," iyon lang ang sinasabi niya. Paulit ulit niya itong sinasabi. Napasandal ako sa kanya, at nakayakap lang siya sa 'kin.

Pero, may narinig na lang akong... humingos kaya... pareho na lang kaming napalingon sa likuran namin. At, nakita na lang namin sina... A-el, Ailee at ang tiya Villa.

Napatingin ako kay Niel kasi wala siyang reaksyon, "Alam mo bang... nakikinig sila?"

"They have to know," iyon lang ang sagot niya sa 'kin. Tiningnan ko ulit sila at isa-isa namang nagsialis ang mga ito. Mahinang tawa ang narinig ko kay Niel, at muli akong niyakap, "I missed you, so much. I wish this didn't happened. Sobra akong nakokonsensya kasi alam kong nahirapan ka,"

"Hindi lang naman ako... ikaw rin," saka ko ulit pinunasan ang pisngi ko, at... ang pisngi rin niya nang titigan ko siya. May luha rin ang mga pisngi niya, "nabalitaan ko yung nangyari. Kalat na kalat lalo na sa social media. Pa'no na 'yon maaayos? Baka masira ang career mo--"

"Wag mo nang isipin 'yon..."

"Hindi pwede, Niel--"

Bumuntong hininga siya, "Maayos din 'yon,"

"May... itatanong ako..."

"What is it, baby?" Hindi ko napigilan ang pagngiti nang marinig sa kanya ang endearment na yon. Sobrang rahan ng pagkakasabi niya.

"Gano'n ba talaga kalalim ang relasyon ninyo ni Sasha?" Pagtataka ko. Naisip ko lang, naalala ko kasi na parang may alam si Sasha sa background ni Niel, at parang kilala nito ang pamilya ng asawa ko.

"She's my ex. Actually, we've been match-made before, and fell. Umabot kami sa point na magpapakasal na pero hindi rin nangyari dahil nagloko siya... she did it multiple times. Ilang beses ko siyang pinatawad pero gano'n pa rin. Naging toxic ang relasyon namin. I decided to broke up with her. Pero hindi niya tanggap 'yon,"

"Kaya ba... nung nakunan ako... gano'n ka?"

Tumango siya, "kaya gano'n ang pakikitungo ko sa kanya. Ayaw ko siyang kausap, pero wala naman akong magagawa kasi trabaho niya ang icheck at alagaan ka,"

"Sorry--"

"I love you so much, Din..."

"I love you ka ng I love you," napailing na lang ako, "mahal din kita..."

"Yun, o," isang matamis na ngiti ang pinakita niya sa 'kin. Pero nagtaka na lang dahil nawala agad ang mga 'to, at tila ba napalitan ng kaba, "Din, will you still annul our wedding--"

"Hindi," diretso kong sagot. At ngumiti ulit siya. Napanatag ang loob ko, dahil hindi na siya nakasimangot-- sumimangot na naman to, "ano na naman?" Tinuro niya ang labi niya, at tinaas taas ang kilay na para bang may gustong makuha. At gets ko naman 'yon. Umiling ako, "nandito sila--"

"Kiss lang e--" para matahimik, binigyan ko ng smack. Natawa na lang ako dahil tuwang-tuwa siya do'n. "I love you, so much, baby," tumango na lang ako at ngumiti sa narinig.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon