Chapter 17

15 5 0
                                    

DINDIE'S POV

Gaya ng nasa isip ay ni-rebook ko na ang flight, saka sinabihan sina A-el na hindi kami makakatuloy. Kasi baka busy pa rin si Niel. Hindi ko pa rin kasi siya ma-contact.

Bumuntong hininga na lang ako.

Ngayong araw ay nagdesisyon na akong kumunsulta kay Doc sasha kung ano pa ba ang mga hakbang na dapat o pwede kong gawin o pwede kong pagpilian para... magkaanak na talaga kami ni Niel.

Alam ko namang nasa sakin pa rin ang dapat na ayusin para mangyari yon. Kung meron mang ibang mga paraan na pwede akong sumailalim, sasailalim ako. Hindi bale nang mahirap. Punong puno ako ng pag-asa.

Bawat lakad ko papunta sa opisina ni doc ay nagsalitan na ang saya, pag-asa at kaba. Saya dahil nangunguna na sa isip ko ang pagkakaroon namin ng anak, pag-asa dahil may mga paraan pa rin naman akong pwedeng pagpilian, at kaba... kasi baka hindi pa rin umepekto ang mga paraang 'yon.

Pero, wala namang masama sa pag subok.

Nang makarating sa tapat ng office niya, ilang beses akong bumuntong hininga. Hindi ko winala ang ngiti sa mga labi ko. Pero, nang bahagya kong buksan ang pinto ay may narinig na lang akong... nag uusap.

"Gosh, please come back to me, please," para bang nakikiusap ito.

Kita ko na... si doc Sasha ang nagsalita. Hindi niya siguro napansin ang pagbukas ko ng pinto. Isasara ko na sana ulit ito kasi parang masyadong personal ang pinag-uusapan niya at nang kasama niya nang... marinig ko na lang ang boses... ni Niel.

"Sasha!" Sigaw nito, kaya pati ako ay nagulat. Pero, hindi ko pa rin binuksan ang pinto.

Dahil agad na nakilala ang boses ni Niel, agad na pumasok ang maraming katanungan sa isip ko. Na, kung ba't naririto si Niel? Na, alam ko namang busy siya at hindi siya nakakasagot sa mga text o tawag ko pero ba't kausap niya ngayon si Doc Sasha? Na... kung si Niel ba ang sinabihan ni doc bumalik sa kanya? At... kung gano'n na lang ba siguro kalalim ang ugnayan nilang dalawa na hindi na sinabi sa 'kin ni Niel na magkikita sila rito.

"Please, Niel... I'll be... I'll be better, and I'll be good! Hindi na ako uulit! I won't do that again so please come back to me--"

"May asawa na ako," hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko nang sabihin ni Niel 'yon. Dinikta ng utak ko na harapin silang dalawa dahil ako mismo ay nalilito, kasi biglaan ko lang na narinig ang mga pinagsasasabi nila.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapansing si Niel naman ang nasa pwesto kung sa'n nakatayo si doc kanina. Kaya siya na ang nakita ko. Papasok na sana ako nang... makita  na lang na... lumapit sa kanya si doc Sasha at... walang pag aalinlangan niya itong... halikan sa leeg.

Agad na nakaramdam ng paninikip ng dibdib at sakit nang makita ko ito. Hindi ko inaasahang... gagawin ni doc Sasha 'yon.

Gusto ko nang pumasok at komprontahin silang dalawa pero gusto ko rin na makita ang gagawin ng asawa ko, at gusto kong marinig kung anong sasabihin ni Niel.

"Come on, I know you still love me," tila ba pang aakit niya sa asawa ko, "alam kong ginagamit mo lang siya para kalimutan ako. I'm your first love, righ--"

"Stop it!" He shouted at her. Ako nama'y hindi na napigil ang sunod sunod na pagtulo ng luha sa mga pisngi ko. Hindi ko na kasi maiproseso ang utak dahil sa mga sinasabi ni doc sasha.

Sa tono kasi at mismong mga salita niya... sa diretsahang pananalita, para bang ayaw na ayaw niya sa akin at nagpapanggap lang siyang mabait sa 'kin.

"Niel, I love you so much--"

"I don't--"

"Wag mo nang ipilit. Alam ko naman kung anong nasa isip mo," kita ko naman ang ngisi nito, na mas ikinaiyak ko.

Tuluyan na sana akong papasok sa loob pero... nagsalita na lang si Doc at ito ang dahilan kung ba't tuluyan akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan.

"We supposed to be happy before, pero hindi mo 'ko binigyan ng second chance. And look at you now, Niel. You're miserable with her," miserable... sa akin?

"Hindi ka magkaroon ng anak dahil sa kanya, diba?" Ano? "At hindi kayo makabuo dahil sa kanya,"

"Bìzuǐ!-"

"Méiyǒu!" Siya naman ang sumigaw. "Alam kong hindi siya tanggap ng amah, Niel, dahil hindi man lang siya mabuntis-buntis! Amah wants a child hindi man lang niya maibigay 'yon, and I know that amah will never like her with that--"

"Stop!"

"Why would I?!" Pagmamatigas ni Sasha, "It could have been us, Nier. You'll never have such consequences if you choose me rather than Dia," nakuyom ko na ang mga kamay dahil sa narinig. Labis na akong nasasaktan. Hindi ko kasi expect na ganito lang ang maaabutan ko rito.

"You having no child is a consequence for not choosing me." saka niya hinawakan ang dibdib ni Niel na ikinagalit ko na. "So tayo na lang ulit, Niel. Let's start again. Hiwalayan mo na siya. I'll give you a child, kasi alam kong iyon ang mas magpapasaya sayo. And me with you and our child... we'll be so happy."

Susugurin ko na sana sila pero... nang narinig ang mga sinabi ni Sasha, tuluyan na akong naghina at nawalan ng lakas.

Ang huling nagawa ko na lang ay ang buksan ang pinto, at ipakita sa kanila ang sarili ko. There Niel... froze. And Sasha seems showing no care. Wala akong ginawa kundi ang titigan sila, at agad ding tumakbo para iwasan si Niel.

Hinanap niya ako pero hindi ako nagpakita.

Ang tanging naiisip ko na lang sa mga oras na 'yon ay ang mga sinabi ni doc Sasha. Na... ako ang parusa ni Niel dahil sa hindi niya pagpili sa kanya. Na, hindi kami magkaroon ng anak dahil isa akong parusa sa buhay ng asawa ko, at hinding-hindi siya magiging masaya dahil hindi ko man lang maibigay ang kahit na isang anak na... hinihiling niya. 

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon