Chapter 5

50 8 2
                                    


DINDIE'S POV

Kanina pa ako nagsusuka. Hindi. Mula no'ng bumisita sina mama at baba rito ay dito na rin ako nagsimulang magsuka. At hanggang ngayon ay ganito pa rin ang ginagawa ko. Ni wala na akong mailabas dahil pakiramdam ko, nailabas ko na lahat.

Hindi rin nawawala ang sakit dito sa ulo ko. Hilong hilo na 'ko.

"Baby? Are you okay?" Rinig ko na naman ang tanong ni Niel sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang inulit ang tanong na 'yan pero ni isang beses ay hindi ko siya nasagot.

Hindi ko na kasi kaya. Nanghihina na ang katawan ko kakasuka. Sinabayan pa nitong masakit kong ulo.

"Baby? Papasok na 'ko d'yan!" Dito ay tumayo ako, at fin-lash ang bowl, saka dahan dahang naglakad para maghilamos nang bigla akong ma-out of balance.

Pero, ramdam kong may sumalo sa 'kin.

"Goodness baby..." Si Niel... "What's happening on you, baby? Sobrang nag aalala na ako,"

Hindi pa rin ako makapagsalita, hanggang sa napapikit na lang ako nang may maramdamang masakit sa puson ko.

"Ahh," napakapit ako sa braso niya, at hindi napigilang maluha dahil sa sakit na nararamdaman. "Niel..."

"Goodness, baby... d-dinudugo ka..." sobra na ang pag aalala sa boses niya.

Dahil sa sinabi ay labis akong nakaramdam ng takot.
Pilit kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki na lang sa nakita. Totoo ang sinasabi ng asawa ko, na... dinudugo ako.

"Niel..." nanginginig na ang mga kamay ko sa sobrang takot at pag aalala para sa baby namin. Pero, dahil hindi pa rin makagalaw dulot ng pagkahilo at panghihina, wala akong nagawa kundi ang maluha na lang.

"I'll bring to the hospital, baby..." pati ang boses niya ay nanginginig na rin. "Baby--" hindi ko na alam ang susunod pang sinabi ni Niel dahil bigla na lang nagdilim ang paligid.

"Baby..." napamulat ako dahil do'n, at agad na tumambad sa akin ang mukha ng asawa ko.

"Niel..." mahinang tawag ko sa kanya.

"Baby..." isang halik sa noo ang binigay niya, "Thank goodness you're awake,"

Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko kaya hindi ko na rin pinilit pa ang sarili na bumangon. Nanatili akong nakahiga at tiningnan si Niel na tila ba kanina pa naghihintay na magising ako.

Naalala ko ang nangyari kanina... at agad na napahawak sa tiyan ko, "A-anong nangyari, Niel?" Kinakabahan ako nang tinanong ko ito sa kanya.

"You fainted. Nandito tayo sa ospital, baby," sagot niya, "Don't be stressed, baby," he said, and gently caressed my hair, "let's wait to the doctor, okay?"

I just nod.

Hanggang sa madako na lang ang aking paningin nang napansing may naglalakad patungo rito sa kinaroroonan naming dalawa. At, nakita ko na lang ang isang babaeng doktor... na siguro ay kaedad lang din namin.

May maganda siyang katawan. Kahit naka pang doktor ay halatang halata pa rin ito dahil sa suot na pencil skirt. At, maganda siya.

Nang huminto ito sa paglalakad ay agad siyang napatingin kay Niel. Tinitigan niya ito ng matagal, na ipinagtaka ko. Ang asawa ko naman ay umiwas dito at tila ba agad siyang hindi naging komportable, pero nawala rin nang ituon niya ang mga mata sa akin.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinalik-halikan ito. Dito ay tuluyan akong tiningnan ng doktor.

"You still don't know me," sabi niya, at tumango ako. "I'm Sasha. Dahil wala si Mrs. Lan na nag check up sayo last time, ako muna ang papalit sa kanya,"

Tango lang ang tanging sagot ko.

"Okay," sabay pamulsa sa puting coat na suot niya, "didiretsahin na kita, Miss,"

"She's my wife," walang emosyong sabi ni Niel na lalo kong ipinagtaka.

Nang tingnan ko ang asawa ko ay nakayuko na siya. Hawak pa rin niya ang kamay ko at dahan dahan lang itong minasahe. Parang nagsisimula na siyang magalit. Ewan ko kung bakit.

"Oh," napatingin siya kay Niel, at balik dito sa akin.

Napayuko ako at napahawak sa tiyan. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa 'kin 'yon kanina pero sobra akong nag aalala para sa baby namin. Napatingin ako kay Ms. Sasha at agad na nagtanong tungkol sa kalagayan ng anak namin.

"Doc, kumusta ho yung baby ko?" Pagtatanong ko.

Dito ay tumingin siya ng diretso, "We're sorry but the baby didnt survived,"

"Anong... ibig mong sabihin?"

"It's sad to say but... nakunan ka," diretso niyang sabi. Dito ay walang pag aalinlangan akong napaluha. Totoo ba tong narinig ko? Na... wala na ang baby rito sa sinapupunan ko?

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon