Chapter 10

20 4 0
                                    

DINDIE'S POV

"Still worrying, baby?" Napatingin ako kay Niel, at tumango. Hindi naman ako makakapagsinungaling sa kanya, dahil alam na alam niya ang dahilan kapag nagkakaganito ako. "It's still early to have one,"

"Pero..." sagot ko pero umiling siya.

"I can wait. Darating din siya sa 'tin. Just be positive, okay?" Sabay ngiti niya. Marahan akong ngumiti, at gumaan ang pakiramdam ko.

"Niel, nag-aalala lang ako... kasi, nag...kita kami ng mga aunties kahapon," sabi ko.

"May sinabi ba sila sayo?" Pagtatanong nito.

"Wala naman. Pero, tingin ko hanggang ngayon e disappointed pa rin sila sa 'kin," pagbuntong hininga ko, "saka tingin ko rin, hindi talaga nila ako gusto para sayo--"

"Pero ako naman ang asawa mo," at ginawaran ng ilang halik ang noo ko, "ako ang una at habang-buhay na magkakagusto sayo. Ang magmamahal sa 'yo, Din. Kaya 'wag mo nang isipin 'yan,"

"Pero, mahalaga pa rin naman ang opinyon nila kasi pamilya mo sila, diba?--"

"Din, listen. I love my family, so much. And I love you too, so very much. You're my family too, Din. And if the aunties don't like you then it's their problem,"

"Niel..." pagpigil ko sa sinasabi niya. Pero hindi siya nagpatinag.

"No matter what they think, and no matter how they're 'disappointed', hindi na nila mababagong ikae at ikaw lang ang gusto ko," inilapat niya ang labi niya sa 'king labi, at sa 'king noo, "I love you,"

"Alam ko 'yon. At mahal din kita," yumakap ako sa kanya. "Nga pala, ang dami mong endorsements. Sobrang sikip ng sched mo,"

"Yup. But, I'll make sure na mabibigyan pa rin kita ng oras," sabi niya. Sus, yung motto na naman niya. "It's always you over anything."

"Sus," natawa siya, at hinalikan na naman ako sa noo.

"I'll go in a minute. You take care of yourself, okay?" I nodded as he said that. Kumalas ako't sabay kaming lumabas ng condo. He stole kisses and make tight hugs, na ikinatagal niya.

Pero hinayaan ko na lang din.

Nakapagpaalam din siya, matapos ng dalawang yakap at tatlong halik. Masaya niyang tinahak ang daan palayo, at napailing na lang ako. Napangiti.

Inubos ko ang oras sa pananatili sa condo. Naglinis para hindi mabagot, at nagpahinga. Nag-uusap din kami ni Nicole sa telepono, at pinag-uusapan namin ang aunties ngayon.

"Dati pa yang aunties mo ha, kakaloka," sabi niya mula sa kabilang linya.

"Hindi ko naman gets ang sinabi nila no'n--"

"Pero bukambibig pa rin nila yung disappointment dahil sa nangyari," tila ba naiirita niyang sinabi, "e ang sweet nga nina Mrs. Amanda sayo. Tapos sila naman yung kontrabida,"

"Ewan ko. Pero Nic, gets ko naman kung sa'n nila nakukuha 'yan," pagtatanggol ko.

"Ewan ko sayo, Dindie. Asawa de martyr sa mga aunties ang peg mo," at rinig ko ang kanyang buntong hininga, "teka nga, diba nasa Pinas na yang mga auntie mo? E, hindi mo pa ba nakakaharap yung lola nina sir Niel?"

"Hindi pa. Hindi ko naman alam kung kailan pupunta ang amah dito," sagot ko.

"Hays. Basta, kaya mo yan. At kung kailangan mo ng back-up, tawag ka lang," natawa ako sa sabi ni Nic, pero sobrag na-appreciate ko 'yon. "O siya, Mrs. Lemanco, bye bye na. Magtatrabaho muna ako."

"Sige," sabay patay niya sa tawag. Bumuntong hininga ako, at naalala ang amah. Hindi ko alam kung nakakatakot ba siya o hindi. Mula nang ikasal kami ni Niel hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita.

Hindi ko alam kung nalaman na ba niya ang tungkol sa miscarriage ko. At kung... magugustuhan niya ako para sa apo niya. Pero, sana magustuhan din niya ako para kay Niel.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon