Tears

19 5 0
                                    

DINDIE'S POV

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang bumagsak na lang ang ulan, saktong paghinto ko sa harap ng bahay. Dali-daling hinubad ang jacket na suot at pinandong sa sarili, at pinunasan ang luhang kanina pa tumutulo sa mga pisngi.

Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang lahat nant nakita ko kanina. Hindi ko expect 'yon, ni hindi makapaniwalang nakita ko 'yon.

Ang alam ko, sobra akong nasaktan do'n.

Kumatok ako sa pinto at hinintay na pagbuksan ako ni A-el. Ilang minuto ko ring kinatok ang pinto, habang inaalala ang lahat, at habang umiiyak. Medyo gumaan lang ang loob nang tuluyang magbukas ang pintuan.

"O, ate," salubong nito, "abi ba kog dili mo mudayon karon--" akala ko, hindi kayo tutuloy ngayon--

Hindi ko na napigilan at marahan akong yumakap sa kapatid ko.

"Hoy, ate, anong nangyari?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko pa kayang magsalita. Ang gusto ko lang ay ang makapagpahinga at takasan ang sakit na nararamdaman.

Walang nakuhang sagot si A-el kaya hinatid niya na lang ako sa kwarto, pati ang iilang gamit na nadala ko.

"Nga pala, wala ngayon sina mama at papa. Tua sila ug Davao kay ilang gibisita silang tita," nando'n sila sa Davao kasi binisita nila sina tita.

Tumango lang ako.

"Ate, naunsa diay ka? Naa kay problema?" Ate, ano bang nangyari sayo? May problema ka ba?

"Wala--"

"Ayaw pamakak ate oy," ate, wag ka nang magsinungaling. Sabi niya sa 'kin.

Hindi naman ako makapagsalita. Una dahil hindi ko talaga kayang sabihin kay A-el ang lahat. Pangalawa, ayaw kong sabihin dahil sobrang magkasundo sila ni Niel at ayaw kong masira ang tiwala niya rito, at pangatlo, ayaw kong magalit siya sa asawa ko.

"Ate," pagtawag niya sa 'kin.

"Okay lang ako, A-el--"

"Sasabihin mo ba ang dahilan o ako ang magtatanong kay kuya Niel?" Sa sinabi niya ay agad na bumuhos ang luha ko. "Ate,"

"Nakit-an nako siyang naay kaubang baji," nakita ko siyang may kasamang ibang babae. At yumuko na ako nang sumagot ako sa kanya.

"Unsa? Baji?" Ano? Babae?

Wala na akong sinabi.

Nanahimik na ako, at siya nama'y nakita ko na lang na kinuha ang cellphone niya nang tingnan ko na siya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "A-el,"

"Tatawagan ko siya--giatay na," sa ekspresyon niyang 'yon ay alam kong sobrang galit na siya. Binigay niya ang cellphone niya sa 'kin, at dito'y tumambad sa akin ang isang balita sa facebook.

Sa isang page ng isang media channel.

'Is Niel having an affair with Model-Doctor Sasha Benitez?'

'Mga balita tungkol sa ex-girlfriend ni Niel Lemanco at sa hiwalayan nila ng asawa at writer na si Dia Nadiene.'

'Hidden scandal ni Niel kasama ang dating kasintahan at model-doctor na si Sasha Benitez, isiniwalat sa isang facebook group!'

'Ikinagulantang ng netizens ang isang video ni Niel na may kahalikang babae, at ang sabi-sabing nangangaliwa ito. Hiwalay na ba ang mag-asawang Niel at Dia Nadiene?'

"May kabit ba siya?" Seryosong-seryoso siya nang tinanong niya ako.

"A-a-el, h-hindi ko alam--"

"Anong hindi alam?! Ate, gibalita na! Daghan na kaayong nanggawas na scandal niya kauban ang baji, o! Idugang pa nang imong nakita na naa siyay kauban! Unsa man diay ang tawag ana--" binalita na! Marami nang nagsilabasang balita ng scandal niya kasama ang babae! Dagdag mo pa yung nakita mo! Ano pa ba ang tawag dyan--

"H-hindi pa naman natin... kumpirmado kung... sa kanya nga tong scandal--"

"Ate pero yung nakita mo kanina, sobra pa sa sapat na dahilan 'yon," agad na tumama sa isip at damdamin ko ang mga salitang sinabi ni A-el.

Tama siya. Sobra pa nga sa sapat 'yon. Siguro nga talaga ay may... namamagitan sa kanilang dalawa ni Sasha.

Kaya ba hindi ko na siya ma-contact? Kaya ba hindi na siya nagrereply at tumatawag? Kaya ba hindi na niya ako inuwian at hindi na siya nagpaparamdam? Kasi ibang babae na ang tinatrabaho niya?

Hindi ko alam. Ang alam ko lang, sobrang sakit ng mga nakikita kong balita ngayon sa social media at masakit pa rin kasi nakita ko silang dalawa nang harapan.

Mas masakit kasi alam ko sa sarili ko na... may dahilan kung ba't pwede niyang gawin 'yon. Kasi hindi ko na siya mabigyan ng anak.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon