Chapter 15

14 4 0
                                    

DINDIE'S POV

"Eat with me, hija," marahan niyang sabi at siya ang naglagay ng mamgkok at kubyertos sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit pero... yung kaba ko e unti-unting nawawala.

Siya rin ang naglagay ng sabaw at gulay sa mangkok na kakainan ko.

"I was... rude the first time I met you," sabi nito, "Duìbùqǐ,"

"Amah..." naintindihan ko ang sinabi niya, "Ayos lang ho. Wala po sa 'kin 'yon," yet she just smiled and took a sip of the soup.

Napangiti ako dahil do'n.

"So how's you and Nier?" Tanong nito.

"Ayos naman po kami," panatag kong sabi, "napakabuti ho ni Niel sa 'kin, kahit na..."

"Shh," Alam na niya siguro ang ibig kong sabihin. "Wag muna natin 'yang pag-usapan. Let's talk about you," Ha? "Magkuwento ka,"

"Umm," I sighed and lightly smiled, "Umm, pure Filipina ho ako... at taga-probinsya, do'n sa Bohol. May... kapatid ho akong lalaki, nasa probinsya rin ho sila saka... nagkakilala kami ni Niel nang magsign siya sa kompanyang tinatrabahuan ko,"

"Oh," at humigop ulit siya ng ilang beses, "your work?"

"Umm, dati ho akong all-around assistant ng kompanya, at ngayon naman ho ay writer na ako, ng mga kanta," sabi ko.

"Medyo malayo 'yon sa trabaho mo," she said, at tumango ako bilang pag sang ayon.

"Pangarap ko ho kasi talagang maging writer, pero hindi na kasi ako nakapag-college kaya... yon," nagdampi ang mga labi ko, at nginitian na lang si amah.

Natahimik siya pero hindi bumigat ang pakiramdam ko dahil hindi na siya nagtanong pa. Nasa pagkain na ang atensyon niya, at inubos niya ang nasa kanyang mangkok.

"Tonight's good," sabay tayo nito, "Mga maid na ang bahala rito. Have a good rest, Dia," saka siya naglakad paalis.

Sa mga araw na lumipas... na lagi siyang naglalakad paalis nang hindi na nagpapaalam ay parang nasasanay na ako. At ngayon na ramdam kong parang nakukuha ko na ang loob niya, gumaan na ang pakiramdam ko. Nawawala na ang pangamba, at mas nagiging okay na ako.

Gaya ng sabi ni amah, pumunta na ako sa kwarto at naglinis ng sarili. Gabi na, at gustuhin ko mang makatulog ay hindi ko naman magawa. Nag-aalala na kasi ako kay Niel.

Alam ko namang busy 'yon pero kasi, nagme-message naman siya sa 'kin. Pero ngayon, wala akong natanggap ni isa. Ngunit inisip ko na lang na talaga nga sigurong busy lang siya.

Pinikit ko ang mga mata at pinilit na makatulog. Pero wala. Hindi ko nagawa. Nag-alas nuwebe na lang pero hindi pa rin ako tuluyang nakakapagpahinga. Ewan ko ba.

Naisip ko na lang na aliwin ang sarili sa paggamit ng cellphone. Kukumustahin ko na lang muna sina mama at papa.

Nag text ako sa kanila, pero wala ring reply. Nag chat rin ako kay A-el pero wala pa rin. Baka tulog na sila. Kaya binasa ko na lang ang mga chats nina Nicole at Lorice sa gc. Paulit ulit ko ring binasa ang convo naming dalawa ni Niel.

Inasahan kong dahil do'n ay makakatulog na ako pero hindi. Hindi pa rin epektibo, kaya nahiga na lang ako sa kama at tumutok sa kisame. Napangiti sa naalala kanina, dahil para bang bumabait na si amah sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko, "Kelan kaya ako mabubuntis ulit?" Ang tanong na lagi kong gustong itanong sa sarili ko.

At heto na naman ako.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaranas ng mga senyales. At hindi ko rin maintindihan kung bakit gano'n na lang ang nangyari sa 'kin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili dahil may parte sa aking nagsasabi na sumuko na lang. Meron ding umaasa ng sobra. Pero siguro nga, hindi pa oras para magkaroon ako no'n.

Darating rin 'yon. Hintay lang.

Bumuntong hininga ako at nanatili ang mga mata sa kisame. Unti-unti, nilamon na rin ako ng antok at ako nama'y nagpaubaya na rito.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon