DINDIE'S POV
"Tikom ang bibig ni Sasha Benitez maging ang kampo ng mga Lemanco sa scandal na gumulantang sa lahat at sa social media. Triple A, wala pa ring pahayag tungkol sa mg kumakalat na balitang naghiwalay na ang mag-asawa."
Bumuntong hininga ako. At hindi pa rin maka-get over sa nangyari. Masakit pa rin, at nadadagdagan lang 'yon dahil sa sunod-sunod na balitang napapanood ko sa youtube maging sa facebook.
"Totoo nga bang wala na si Dia Nadiene at Niel--" nagulat na lang ako nang kunin ni A-el ang cellphone ko. At pinatay niya ito.
"A-el," pagpigil ko sa kanya, "akin na yan--"
"Pwede ba ate, tama na yang kakanood mo nyan?" Tila ba pagsesermon niya, "wala ka pa ngang maayos na pahinga, tapos dadagdagan mo lang ng stress ang sarili mo,"
"Okay lang ako--"
"Huwag ka munang mag o-on ng accounts mo," sabi niya, "tumawag si CEO Drag kagabi, nung saglit kang nakatulog. Hindi ko sinagot. Wala kang kakausapin sinuman sa kanila,"
"Pero.... boss ko pa rin si CEO--"
"E anong silbi ng pagpunta mo rito kung kakausapin mo sila?" Sa bagay, may punto siya, "ate, niloko ka ng asawa mo. Harap-harapan 'yon ha, at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo,"
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Galit na si A-el kay Niel. Ngayon, wala na akong magagawa.
"Wag kang mag-social media, wag kang manonood ng masasamang balita o scandal niya na kumakalat. Hayaan mo silang magkagulo do'n. Wag ka na rin munang magparamdam kina ate Nicole, baka magsumbong sila sa Niel na yon kapag nakausap ka nila. Dito ka lang muna sa bahay," pagmamandar niya, at wala na akong ibang magagawa kundi ang tumango.
Iniwan niya ako sa kwarto, dala ang cellphone ko. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ng manatili sa kwarto buong maghapon. Walang social media. Walang Niel sa tabi ko.
Napahiga na lang ako at hindi pa rin mapigil ang pag-iyak. Sariwang-sariwa pa rin sa ala-ala ang lahat ng mga nakita ko, ang narinig ko.
Kung nabuntis lang ako ulit, edi hindi na aabot ang lahat sa ganito.
Pinikit na lang ang mga mata at sinisi rin ng sinisi ang sarili. Hanggang sa nakatulog, at hindi na naghapunan dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Sobra akong nahihilo at hindi man lang magawang tumayo. Para akong lalagnatin, kaya muling pinilit ang sariling matulog. Nagawa ko naman pero lumala lang ang nararamdaman ko.
Pero hindi ko na lang sinabi sa kapatid ko. Ayaw ko namang pati ako ay alalahanin pa no'n.
Dalawang araw ang lumipas at gano'n pa rin. Inisip kong baka ulcer na 'to. Wala e, napabayaan ko na ang sarili ko. Kaya ngayon ay kumain na ako. Kahit na ayaw na kumain kasi hindi ko nagustuhan ang amoy ng kanin, ginawa ko pa rin.
"Ate, pwede mangutana?" Pwede magtanong? Si A-el, habang nasa hapag kami, "Ano bang dahilan at nagkagano'n kayo?"
"Alam mo naman 'yon, diba?--"
"Ang alin? Hindi ko alam," pag-iling niya.
"A-el, alam n'yo naman nang nahihirapan na akong magbuntis. Hindi ko maibigay ang anak--"
"Giatay ba na oy," inilapag niya ang hawak na kutsara, dahilan ng muli kong pagluha, "ate oy,"
"El, di na ako kaanak," hindi na ako magkakaanak. "Hindi na ako mabubuntis--"
"Pero hindi sapat na rason 'yon para mangaliwa siya," sabi ng kapatid ko pero... hindi ko alam kung... sapat nga bang rason iyon o hindi. Basta ang alam ko, iyon ang pinaka-kulang ko bilang asawa niya, at bilang isang babae.
"Ael..."
"Ate, dili enough na rason nang imong giingun. Ug gihigugma jud ka niya, bisan pag di mo kaanak, di jud siya mangabit," ate, hindi enough na reason ang sinabi mo. Kung mahal ka talaga niya, kahit pa hindi kayo magkaanak ay hindi siya mangangaliwa. Paliwanag niya.
"Kahibaw ko, blessing na ug magkaanak mo. Ma-kompleto jud ug samot ang inyong pamilya ug magkaanak mo. Pero ug di ka mabuntis, dili gihapon na sukdanan sa imong pagka-perfect na asawa ug sa imong pagkababaye. Ug kani ha, walay problema nimo. Dili problema ug di ka kahatag ug anak. Siya ang naay problema ug wala niya makita ug ma-feel na more than enough ka." Alam kong blessing ang pagkakaroon ng anak. Mas mako-kompleto ang pamilya mo kapag merong anak. Hindi sukatan ang pagdadalang-tao kung gaano ka ka-perfect na asawa o babae. At eto ha, walang problema sayo. Hindi mo problema kung hindi mo man siya mabigyan ng anak. Siya na ang may problema kung hindi niya nakikita at nararamdamang more than enough ka.
Nalungkot lang ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi yung lahat lahat ng sinabi ni Niel nung nakunan ako. Sabi niya, maghinintay siya, na masaya siya kahit kami lang. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam.
Kahit na ganito, tinapos ko pa rin ang pag kain. Pero nagulat na rin nang... hindi ko na kinaya't nagpunta na ng banyo at magsuka ako.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."