Chapter 14

12 4 0
                                    

DINDIE'S POV

Kinakabahan ako sa sasabihin ni doc Sasha. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa 'kin at pagtingin sa hawak niyang resulta ay nadagdagan din ang kabang nasa dibdib ko. Baka, hindi na kasi talaga ako mabuntis.

Pero, kailangan kong maging positibo, para kay Niel. At para rin sa 'kin.

"Hmm," si doc, "I'm sorry," napalunok ako dahil... nauna na ang utak kong magsabi. "You're not pregnant,"

Ramdam ko ang luhang awtomatikong tumulo mula sa king pisngi. Ngunit mabilis ko rin itong pinunasan, at tumingin sa kanya.

"You should take care of your body as well, Dia," she said. "You're stressed," stress lang pala. Umasa na naman ako.

Hindi na ako nagsalita at nakinig na lang sa mga sinasabi niya. May mga bilin siya kung pa'no ko maaalagaan ang sarili ko pero hindi ko natandaan ang iilan dahil sa kakaisip na baka hindi na talaga kami magkaanak.

Nang dahil sa 'kin.

Wala na akong iba pang sinabi at nang matapos si doc ay lumisan na ako. Hindi ako agad bumalik sa mansyon, dahil baka magtanong ang mga aunties kung sa'n ako galing. At si amah. Baka malaman nilang galing ako sa check up at ma-disappoint na naman dahil baka hindi na ako magkakaroon ng anak.

Nag text na lang ako kay Nicole. Ito naman ay gustong gustong malaman kung nasa'n ako. Kaya sinabi ko na lang na nasa isang convenience store ako.

"Sabi talaga ng doktor na hindi ka na mabubuntis?" Tumango ako sa tanong niya. "Din baka naman may mali lang sa resulta--"

"Wala nang magiging mali do'n Nic," pagbuntong hinihinga ko, "baka wala na talaga akong pag-asa,"

"Hoy wag ka ngang magsalita ng ganyan," at naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko, "siguro... hindi pa talaga right timing. Hintay ka lang, saka wag kang mawalan ng pag-asa, magkaka-anak din kayo,"

"Pano kung hindi na?" Pag aalala ko, "Nic, posibleng hindi na ako mabuntis ulit--"

"Hmm?" Parang hindi siya naniniwala, "Faith lang, magkaka-anak ka rin," saka siya ngumiti, "kaya wag ka nang malungkot dyan. Saka isa pa, pwedeng pwede kayong sumubok ulit hanggang sa dumating na yung right timing,"

"Nic..." napaluha na lang ako.

"O, ba't umiiyak yan?" Tanong niya at pinunasan ang luha ko, "Wag kang mag-alala, maniwala ka lang," siya, "hays, buti pa, kainin na natin to. Alam kong gutom ka na. Saka bilin nina Mrs. Amanda na wag kang magpapagutom,"

Napaharap ako sa pagkain. Cup noodles at footlong, at agad na nag-iba ang amoy ng footlong kaya hindi ko na iyon ginalaw.

Namasyal kaming dalawa pagkatapos, at dumaan kami sa bahay nina Lorice. Nakita ko kung ga'no sila kasaya kasama ng mga anak nila, kaya naalala ko na naman ang lahat ng nagyari sa 'kin.

Tuluyan akong kinain ng panghihina ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asang mabubuntis ako. Dinala ko ang nararamdamang iyon hanggang sa makauwi ako ng mansyon.

Gabi na, at wala ang mga aunties rito pagdating ko.

"Ba't ngayon ka lang?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni amah. Kinakabahan akong humarap sa kanya. "Kumain ka na ba?"

"O-opo, amah," sagot ko. "Good evening, po,"

"Hmm," hindi na naman siya umiwas ng tingin, "In the kitchen, cook for me," ha? Cook for her?

Umalis siya, kaya naman kahit medyo lito ay sinundan ko siya. Nagtungo kami sa kusina at dito'y umupo siya saka ipinahinga ang mga braso niya sa may mesa.

"Anything you want," she said.

Napapunta ako sa counter at napatingin kay amah. Nagulat na lang nang makitang nakatitig siya sa akin kaya tinuon ko ang tingin sa mga gamit na panluto.

Gusto niyang... ipagluto ko siya.

Hindi ko alam kung anong lulutuin ko kaya nagtagal din ako ng ilang minuto sa kakatayo't kakaisip. Bumuntong hininga nang maalala ang isa sa mga niluluto ni mama, at napagdesisyunang ito ang lutuin.

Kumuha ako ng mga gulay, at itlog. Nagpakulo lang ng tubig at nilunod ang tanglad saka hiniwa't hinugasan ang mga gulay. Nang kumulo'y dito inihalo ang mga gulay na nahiwa at tinimplahan. Saka maayos na binasag ang itlog at nilunod rito. At inihain.

"What is this?" Tanong niya. Nagtataka ito, kaya napangiti ako. Hindi niya alam ang isang to. Wala, ang cute lang. "Can you tell me?"

"Utan bisaya ang tawag dyan, amah," paliwanag ko, "gulay na sinabawan, saka nilagyan ng itlog. Simpleng putaheng niluluto ni mama sa amin dati,"

"Oh..." she... seems amazed.

"Yan ang niluto ko kasi... isa yan sa mga comfort food ko. Espesyal sa 'kin ang lutuing yan kaya gusto kong matikman n'yo," saka kumuha ng maliit na mangkok at kutsara. Sinalinan ko siya, "heto ho,"

Inamoy niya ito, at tila ba nanibago siya. At gaya ng nasa isip ko, tama ngang nanibago si amah, "Seems new. And it's fragrant ha," tumango ako bilang pagsang-ayon.

Kinuha niya ang kutsara at marahang hinigop ang sabaw. Kumain din siya ng iilang gulay, at matapos nito'y natahimik siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Amah--"

"I didn't expected this," ha?

"Okay lang po ba kayo, amah? H-hindi n'yo ba nagustuhan?" Kabang tanong ko pero umiling siya.

"It's very delicious, Dia," marahan niyang sinabi. "It's indeed a comfort." Dito'y para bang may humaplos na lang sa puso ko na... labis kong ikinasaya.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon