DINDIE'S POV
Hindi ako makatulog kakaisip sa mga narinig ko at nangyari kanina. Hindi pa rin makapaniwalang nandito talaga si Niel. Akala ko kasi, hindi na siya pupunta rito kasi nga may kinakaharap siyang mga issue sa Maynila.
Alas otso na pala. Bmangon na lang ako at napatingin sa bintana at palakas lang ng palakas ang ulan. Napatingala na lang nang biglang ma-off ang ilaw sa kwarto ko.
"A-el?" In-on ko ang flashlight ng cellphone ko. Umalis ako sa kama't lumabas ng kwarto. Hinanap ko ang kapatid ko at nakita ko na lang na nasa kusina na siya.
"Brown out," saka siya napatingin sa sahig, "konti na lang papasukin na ng tubig ang bahay, ate. Kaso, hindi tayo makakalis dahil napakalakas ng ulan. Natutumba na rin yung mga puno sa labas at may mga yero na ring bumabagsak, galing sa kung saan,"
Napapikit na lang nang marinig ang kung anong kumalabog. Galing sa labas ang tunog na 'yon, kaya napabuntong hininga ako.
"Si Niel?" Tanong ko.
"Tulog na," naiba ang ekspresyon ng mukha niya, "wag mo siyang lalapitan--"
"Baka kasi hindi... maganda ang pakiramdam niya,--"
"Ate--"
"Please," pakiusap ko sa kanya. Nag ekis ang kilay niya't alam kong hindi niya ako papayagan. Ayaw niya akong palapitin.
"Sige na," pagsuko niya.
"Salamat--"
"Tandaan mong banas ako sa gagong 'yon. Pero para hindi ka masyadong ma-stress kakaisip kaya ako pumayag, kaya sige na," sabi niya. At gets ko 'yon.
Naglakad ako papunta sa kwarto at dito'y nakitang natutulog si Niel. Umupo ako sa kama, sa tabi niya at pinagmasdan siya sandali.
Marahang inilapat ko ang mga daliri sa mukha niya, dahan-dahan itong hinaplos, maging ang buhok niya. Pero napatigil nang maalala ko ang lahat. Ang nangyari sa ospital nung araw na yon, ang makita kong magkasama sila ni Sasha, ang mga sinabi ni Sasha. Kaya tinigil ko rin ang ginagawa ko.
"Din...dindie..." rinig ko, mula sa kanya, kaya nanikip ang dibdib ko.
Napahawak ako sa tiyan ko, at nalito. Masayang masaya ako dahil sa wakas ay nagdadalang tao na ako. Magkaka anak na kami. Pero, yung nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol dito.
Huwag na lang muna siguro.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto pero pagkalabas ay nagulat na lang kasi nakaramdam na lang ng tubig sa mga paa ko.
"Baha na," si A-el, "Pero wag kang mag alala, yung mga importanteng gamit naman e naisalba ko na," saka tinuro niya ang divider, "nilagay ko do'n para hindi mabasa. Yung iba naman, nasa kwarto mo nakapatong sa drawer at ibabaw ng cabinet,"
"Okay. May maitutulong ba 'ko?" Tanong ko.
"Wag ka nang magpagod," sabi niya, "Buti pa, matulog ka na. Ako na ang bahala, okay? Wag kang mag-alala. Saka, ayaw ko ring mapano ang pamangkin ko kaya pahinga ka na do'n,"
"Sigurado ka?"
"Sure na sure," sagot niya kaya napatango na lang ako. Pumasok sa kwarto, at medyo hindi naging komportable dahil basa ang mga paa ko. Kumuha ako ng tuwalya at bumalik sa kama saka pinunasan ang mga paa, saka nagpahinga.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."