Chapter 28

20 2 0
                                    

Dindie's POV

Nabalitaan naming may signal na sa Tagbilaran kaya nagdesisyon kaming pumunta roon. May mga bagay na gustong asikasuhin si Niel, at sabi niya, kasama na ro'n ang paghahanda kasi nga buntis na ako.

May extra pa naman akong pera kaya ito ang ginamit naming pamasahe. Binigay ko sa kanya yung mga atm niya. Dahil wala siyang dalang sasakyan, nag-commute kami. Natatawa na lang kasi naalala ko kanina sa bahay ayaw niya akong isama, natatakot na baka raw may mangyari sa 'kin. Sa 'kin lang nakatingin buong biyahe, at pati ang jacket na suot niya'y pinasuot na rin sakin.

Nakarating naman kaming dalawa ng ligtas.

Dumiretso kami sa alturas, sa dunkin donut tumambay at nang makitang may signal na nga, may kinontak siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon.

"Damn goodness of fuck Niel, ba't ngayon ka lang nagparamdam," yung boses na 'yon...

"Si Ford," natawa na lang si Niel nang sinabi niya sakin. Oo nga, siya nga.

"Dahan-dahan ka sa pagmumura, I'm with my wife," sabi niya't nginitian ako. Ginawa ko rin 'yon, tapos ay nagpaalam akong oorder lang ng makakain namin.

Bumalik ako at may kausap pa rin siya.

"So, nagkaayos na kayo? Damn, man ang dami kong gustong itanong!" Rinig ko, "Kailan ka uuwi rito? Matatapos na ang taon at hindi pa rin tapos ang issue mo--"

"Wala pa akong balak na umuwi, Ford," si Ford pa rin pala ang kausap niya. "Hindi ko muna iisipin ang issue, wala naman akong pakialam do'n. Isa pa, rule ni Drag na walang magsasalita, until he said so. Umm, if Kiel's there... o sila, text me, okay? Mahirap kasi may dumaang bagyo rito. We're in the city, walang kuryente at signal sa town nila,"

"Kaya pala hindi ka ma-contact," tumango si Niel. Ako nama'y ininom na ang maligamgam na tubig na pinakiusap ko. Iwas muna ako sa caffeine, baka kasi bawal sa 'kin.

"Basta, I'll make a way para ma-contact kayo, just tell them I can be reached na,"

"Ayan, mana talaga sa kapatid linyahan pa lang e. O, sige na... sasabihan ko agad sila. You all take care, and I'm glad na ayos na kayo," huli kong narinig, at nawala na ang tawag.

"Ano nang plano mo?" Tanong ko sa kanya.

"Plano ko? Hmm, first... we'll buy groceries and all of your needs, baby... and then, may hospital naman dito, diba? I'll set schedules for your check ups..." sagot niya.

"Ba-biyahe tayo buwan-buwan, kakayanin mo ba? E parang hindi ka sanay magcommute--"

"Hindi tayo magco-commute, hindi 'yon safe para sayo," saka siya ngumiti, "maghahanap tayo ng titirahan dito for months,"

"E pano sila A-el?"

"Ako nang bahala, don't worry," paninigurado niya, saka na ininom ang kape na in-order ko para sa kanya. Kumain lang kami rito, at maya-maya pa'y may lalaking naka-itim na formal attire na lang ang naparito sa table namin.

"Umm, sino ho kayo--"

"Handa na po yung sasakyan, sir," sir?

"Wait for us, maggro-grocery lang kami," para bang bilin niya rito. Tumango lang ang lalaki, at iniwanan kami.

"Si..no yon?" Tanong...ko.

"He works for Ford, na nakatoka sa pagbabantay ng bagong resort na pinapatayo nila rito. And then kanina, diba nagkausap kami? I asked a little help. Then he sent him immediately," a.

Nag grocery kami pagkatapos, at halos lahat ng sections dinaanan namin. Natuwa ako nung mapadaan kami sa milk section kasi... para bang ingat na ingat siya sa pagpili kung ano ba ang dapat kong inumin. Pati sa pagkain, gano'n din.

Mas natuwa ako nang siya mismo ang mag-ayang pumili ng aternative dresses at gamit na pambata. Ang saya niyang pagmasdan habang abala sa ginagawa, lalo na nung pinapatingnan niya sakin yung mga napili niya. Natawa nga lang dahil halos bilhin niya na lahat kasi magaganda raw lahat ng mga damit.

Bumuntong hininga ako nang nasa kotse na kami, kasi napanatag na gumagana pa pala yung mga atm niya. Medyo nabasa kasi, akala ko hindi na niya magagamit.

"You okay, Din?" Napalingon ako kay Niel, at marahang tumango, "sabihin mo lang kung pagod ka na,"

"Okay lang ako," pag-iling ko, saka ako sumandal sa balikat niya at sandaling ipinikit ang mga mata.

Nagising na lang at napansing parang kanina pa nakahinto ang kotse.

"Nasa'n na tayo?" Di ko napansing nakatulog na pala ako.

"In Ford's resort, dito sa... saan nga 'to, Roger?" Roger? A, baka pangalan yon nung lalaki kanina.

"Panglao ho, sir," sabi naman niya.

"Ha? E, maggagabi na. Sila A-el? Baka mag-alala 'yon--"

"Don't worry, while you're sleeping, nakipag-usap na ako kina Kiel, and Drag. Ayon, sila na yung umasikaso," sabi niya.

"Pero..."

"Don't worry, mamaya, darating na sila dito," sigurado siya sa sinasabi, "and we'll live here until manganak ka na, Din. Nalaman kasi ni Lorice kaya 'yon, she insisted na dito na lang tayo tutal wala naman masyadong nasirang mga kwarto sa resort,"

"Alam na niya na... okay na tayo?" Tumango siya, "pati ba si Nicole?"

"Oo, and they'll talk to you tomorrow. Basta, don't worry. I'll handle everything, okay?"

"Okay, sige," napatango na lang ako.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon