DINDIE'S POVNagising na lang ako nang makaramdam ng halik sa pisngi. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ng asawa ko.
"Good morning, baby," sabay ngiti.
"Good morning," bati ko sa kanya.
Babangon na sana ako para maghanda ng agahan namin pero hindi ko nagawa dahil sa naramdamang kirot sa gitna ko. Napapikit na lang ako.
"You okay, baby?" Rinig kong tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. Ang sakit kasi talaga ng baba ko, at hindi ko magawang makabangon. Siguro, hindi ko rin magagawa ang pagtayo ngayon.
Bumuntong hininga ako, "Masakit pa rin yung akin,"
Nang masabi ko ito ay agad kong nakita ang pag aalala sa mukha niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, "'Wag ka munang bumangon, baby,"
Napakagat labi ako. Talagang hindi ako makakabangon nito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero, naalala kong may trabaho ako ngayon. Kailangan kong pumasok sa entertainment dahil tatrabahuin pa namin yung bagong single ni JK.
Ni hindi nga ako mkabangon, makatayo pa kaya? Hindi ako makakatayo dahil dito. Hindi ako makakapunta ng entertainment.
"I know you have a heavy sched, baby. But you need to rest," si Niel. Napatingin ako sa kanya. "Tatawagan ko si CEO para i-excuse ka sa trabaho, hanggang sa maging okay ka,"
Dahil hindi ko naman talaga kayang tumayo, nagpaubaya na lang ako sa sinabi ni Niel. Ipinikit ko na lang ang mga mata at hindi na gumalaw para hindi na masaktan pa ang bandang ibaba ko.
"Ako na ang maghahanda ng agahan. Just stay here, baby," at isang halik sa labi ang naramdaman ko. Iminulat ko ang mga mata at marahang tango lang ang sagot ko.
Pinagmasdan ko lang si Niel na lumabas ng kwarto. Pipikit na sana ako nang marinig kong tumunog ang phone ko. May tumatawag.
Hindi ko alam kung sino ito pero nainis ako ng kaunti dahil hindi ko halos maigalaw ang katawan ko. Pero, medyo may katigasan ako ng ulo kaya kinuha ko ito. Mas naramdaman ko lang ang sobrang hapdi sa ibaba ko.
Leche.
Nang tingnan ko ang screen ay pangalan ni Nicole ang nakita ko kaya sinagot ko ito.
Uy! Good morning Mrs. Lemanco!" Bati niya mula sa kabilang linya. Hindi ako sumagot dahil ang hapdi ng akin. Hindi ako makapagsalita.
"O, anyare? Bad mood ka? Di ka nagsasalita, a," dagdag niya.
Dito ay bumuntong hininga na lang ako, "Masakit,"
"Anong masakit-- aaaaaayyyyy!" Rinig kong paghiyaw niya, "nakapasok na ba? Ay mali. Nakapasok na!"
Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil naka loud speaker ang cellphone ko. Baka marinig ni Niel ang sinasabi niya.
"Magtigil ka nga, Nic!" Dahan dahan kong natapik ang noo ko,"Baka marinig tayo ng asawa ko," bulong ko.
"Yieeee, sweet! Sanaol asawa," Napangiti na lang ako sa sinabi ni Nicole.
"Sinong kausap mo, baby?"
"Uy, baby raw, o!" Sabay tawa niya.
"Nicole naman..." hayst.
Tumawa na naman siya, "O siya, sige na... Mag-sweet time sweet time muna kayong dalawa d'yan," at tumawa ulit. Nicole!
"Haha, magbaba-bye muna ako. Bye bye!" Hindi pa ako nakakapag paalam ay pinatay na niya ang tawag. Loka loka rin talaga tong si Nicole, e.
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."