Chapter 6

49 8 1
                                    


DINDIE'S POV

"Baby, open the door, please..."  paulit ulit na sinasabi ni Niel habang paulit ulit ding kinakatok ang pinto pero hindi ako nakinig sa kanya.

Kahit naka-lock ang pinto ng banyo ay hindi ko pa rin binibitiwan ang door knob. Ang isa kong kamay ay nakatakip sa bibig ko, at hindi ko mapigilan ang pagluha.

Hindi ko pa rin tanggap na wala na ang anak ko.

"Baby, please..." halata na ang pagod sa boses niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag sa 'kin. Hindi ko siya magawang pagbuksan. Hindi naman ako galit sa kanya, pero 'pag nakikita ko ang mukha niya ay mas naiiyak lang ako.

At mas... sinisisi pa ang aking sarili. Dahil siguro-- hindi. Dahil sa akin ay nawala sa sinapupunan ko ang anak namin.

"Baby, open the door," isa pang beses na sinabi niya iyon. Hindi ko pa rin ginawa.

Napapikit ako at mas diniin pa ang pagtakip sa bibig ko. Para hindi niya marinig ang aking pag-iyak. Nang hindi magsilbi ay kinagat ko ang aking labi, at mas naluha.

"Please, baby... I'm begging you," binitiwan ko ang door knob. Naka-lock pa rin ang pinto. Hindi ko ito binuksan. Umiiyak lang ako.

Hindi matanggap na sa loob lang maikling panahon ay mawawala na lang ang anak namin. At sa bawat segundo na lumilipas ay ang sarili ko lang ang sinisisi ko.

Ako naman talaga ang dapat na sisihon dahil nasa sinapupunan ko ang anak namin. Nagpabaya ako. Kaya, nawala siya.

Natahimik siya. Hindi na siya nag ingay. Mas lumuha lang ako.

Ilang segundo pa ang lumipas. Hindi ko na narinig ang boses ni Niel. Siguro, napagod na 'yon kakatawag sa 'kin. Nanatili akong nakaupo sa sahig at patuloy na lumuluha. Ilang minuto pa ang pinalipas, at labis akong nakaramdam ng awa para sa asawa ko kaya... nagdesisyon akong lumabas na rito.

Kahit... mabigat pa rin ang loob ko dahil sa nangyari.

Dahan dahan akong tumayo, at pinihit ang door knob. Nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Akala ko, lumabas siya ng kwarto at iniwan akong mag-isa rito.

Agad niya akong niyakap, dahilan ng aking muling pagluha.

"Thank goodness, you came out, baby," sabay haplos sa aking buhok, dahilan ng pagbigat pa ng aking kalooban.

Hindi ako nagsalita. Alam kong rinig niya ang aking paghikbi.

"Please, don't cry, baby," nang sinabi niya ito ay lalo lang akong umiyak.

"Niel, I'm sorry," mahina kong sinabi pero alam kong rinig niya ito. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa 'kin.

"Hindi mo 'yon kasalanan, baby--"

Kumalas ako, "Hindi, Niel. Kasalanan ko. Kung naging mas maingat lang ako, edi sana, hindi nangyari 'to. Hindi siya mawawala--"

Hinalikan niya ako, dahilan kung bakit hindi ako nakatapos sa pagsasalita. Napapikit lang ako. At, lumuha.

"It's not your fault," at ginawaran ng halik sa noo, "and it'll always never your fault, baby,"

"Pero, Niel..." sinisisi ko pa rin ng sarili. Kahit naman sabihin niyang hindi ko 'yon kasalanan, hindi ko pa rin mapigilang ibunton ang lahat ng sisi sa sarili ko.

Muli niya akong hinalikan sa labi. Nung una ay hindi ko ito tinugon. Pero, hindi siya natinag no'n. Paulit ulit niya akong sinusuyo hanggang sa bumigay na 'ko. Tinugon ko ang halik niya.

Sandaling nagkawalay ang mga labi namin pero hinahalikan niya na naman ako. Ito lang ang ginawa namin. Hindi kami nag usap. Ito lang.

Dito ay napahawak ako sa dibdib niya. Muling nawalay ang mga labi namin sa isa't isa nang marahan niya akong binuhat at dahan-dahang iniupo sa hospital bed. Tumayo siya sa harap ko, at hinalikan ako sa noo, saka lumuhod.

"Tumayo ka nga d'yan--"

"Listen, baby..." marahan niyang pagbibitiw ng mga salitang 'yon. Kaya, tinikom ko ang aking bibig, at nagpasyang makinig sa asawa ko.

Hinalik-halikan niya ng kamay ko, "I know it hurts, I really know it hurts. Masakit din para sa 'kin iyon. Masakit mawalan ng anak, lalo na dahil alam nating pareho na wala tayong naging pagkukulang--"

"Hindi, Niel... ikaw, wala kang naging pagkukulang pero ako, meron..." saka yumuko.

Dahan dahan niyang iniangat ang aking baba, "Wala. Wala kang naging pagkukulang, baby." Saka ngumiti. Muli akong napaluha.

"Alam ko ang sakripisyo mo sa simula pa lang. Binigay mo sa 'kin 'yon ng walang pag aalinlangan, at ginawa mo ang lahat para mabigyan ako ng anak  dahil alam kong alam mo na gusto ko nang maging ama. Nag-ingat ka, hindi mo siya pinabayaan. Wala tayong naging pagkukulang. Wala kang pagkukulang, baby... wala,"

"Siguro... baka hindi pa talaga siya para sa 'tin. Siguro... baka hindi pa ito ang panahon para magkaroon tayo," dagdag niya. Umiyak lang ako.

Lumuha ako ng lumuha, at siya naman ay pinupunasan lang ito gamit ang kamay niya. Ang isa pang kamay ay hawak hawak lang ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa 'kin, at gano'n din ako sa kanya.

"Niel..." wala na akong ibang masabi bukod sa pangalan niya.

Ngumiti siya, "'Marami pa tayong oras, Din. Bubuo tayo ulit... magkakaanak tayo ulit, hmm? Wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo sa pagkawala niya, Din. Dahil wala namang may gusto no'n sa 'tin," at hinalikan niya ang kamay ko, "I love you,"

"At kung hindi pa man ibibigay ng Diyos ang kahilingan kong maging ama, ayos lang sa 'kin. Maghihintay ako, hanggang sa mabiyayaan ulit tayo ng anak, Din."

"At kahit pa nangyari 'to, hindi pa rin mababawasan nito ang pagmamahal ko sa'yo. Mas nabigyan lang ako nito ng dahilan para lalo kitang mamahalin,"

Luha lang ang naisagot ko sa lahat ng mga sinabi ng asawa ko.

"Mahal na mahal kita. I love you so much, Mrs.Dia Nadiene Lemanco," sabay tayo at halik sa labi ko, na agad ko namang tinugon.

Alam ko naman 'yon, at mahal din kita, Niel. Sobra.

"Hinding hindi ako magsasawang mahalin ka," sabay halik sa noo, "Don't you remember? Ikaw ang baby ko..." at nagpa-cute.

Naiyak ako... at natawa, "Hanggang ngayon, alien ka pa rin,"

"Pero gwapo naman," sabay suklay sa buhok niya. Tinawanan ko lang siya.

"Ang hangin mo," inirapan ko lang ang asawa ko. Pero nginitian niya pa ako.

Dito ay unti unting gumaan ang aking pakiramdam. Huminga ako ng malalim, at ngumiti.

"Thank goodness, you smiled again, baby..." at pinunasan niya ang luhang nasa pisngi saka pinagsiklop ang mga kamay namin, "I love you,"

Nginitian ko pa siya lalo, "Alam ko... at mahal din kita,"  sobra.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon