Chapter 29

18 1 0
                                    

Dindie's POV

Nagising na lang ako, at napatingin sa cellphone ko. Alas tres pa ng umaga. Medyo nahihilo, pero kinaya ko namang bumangon at maglakad para hanapin si Niel. Wala kasi siya sa tabi ko nang magising ako.

Nakita ko siyang nasa labas at para bang may ginagawa.

"Niel?" Pagtawag ko sa kanya.

"Din, hey..." agad niya akong nilapitan, "ang aga pa, you should sleep pa,"

"Ayoko nang matulog, hindi na ako inaantok," sagot ko. Marahan niya akong inalalayan at pinaupo, saka siya tumabi sa 'kin. "Ikaw, hindi ka pa ba natutulog?"

"Oo," tumango siya, "May inaasikaso lang..."

"A," saka ako sumandal sa kanya, "sina A-el hindi pa gising?"

"Hindi pa," malalim itong huminga, at para bang may iniisip. May... problema kaya siya?

"Bakit, may problema ba?"

"Hmm? Wala naman. Iniisip ko lang yung tungkol sa issue namin ni Sasha," saka niya hinawakan ng phone niya, "kakatawag ko lang kay Drag kanina,"

"Tapos?"

"Nabalitaan ko na natanggalan daw ng lisensya si Sasha dahil sa ginawa niyang panloloko," sabi niya, "she has been receiving her karmas. Now, all I have to do is to give a statement para matigil na 'yung mga fake news. Good thing, they're helping me make ways to stop it, too,"

"Nandito lang ako," pagco-comfort ko. Alam ko naman na kahit na sabihin niyang ayos lang siya, apektado pa rin si Niel sa mga nangyayari. Pangalan niya ang nadadawit..

"I love you," saka niya ako hinalikan sa noo. "You wanna eat? Hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi," pag-iling ko.

"Din, nagkausap na rin kami ni Kiel. Sinabi kong hindi muna ako babalik do'n. We'll stay here until manganak ka. I don't want you to be stressed,"

"Alam na rin nila na... buntis ako?"

Nakangiti itong umiling 'yon ang hindi ko sinabi," ano? "E... ang sabi mo, si Sasha... natanggalan ng lisensya dahil sa ginawa niya, at ikaw... magbibigay ka na rin ng statement,"

"Yup, pero hindi ko binanggit sa statement ko na magkakanak na tayo. I talked with the doctors, too... to not tell anybody muna about your pregnancy. I did that kasi... ayaw kong pagpiyestahan ka ng mga tao. Sobra na yung mga pinagdaanan mo kaya ayaw ko nang mahirapan ka pa. Ayokong ma-stress ka... we'll tell it na, kapag lumabas na si baby," inilapag niya ang cellphone sa mesa at dahan-dahang nagtungo ang palad sa tiyan ko.

"Ikaw ang bahala," may punto rin siya. At tingin ko rin na  kailangan ko yon. "Pero... Niel..."

"Hmm?"

"Sina papa at mama kasi... hanggang ngayon, hindi pa namin sila nakakausap. January na, hindi pa rin namin sila nako-kontak--"

"Don't worry. I said I'll take care of everything. Nagpatulong na ako kina Drag para makauwi rito ng safe sina papa, kaya wag ka nang mag-alala, hmm?" Sabi niya. At napaluha na lang ako, "Oh, goodness... ba't ka umiiyak? May nasabi ba akong masama, Din?"

"W-wala naman... tears of joy lang 'to," saka ko siya nginitian, "Sobra akong nagpapasalamat sa efforts mo... sa mga sakripisyo mo rin, saka sa hindi mo pagbitaw sa 'kin sa kabila ng lahat,"

"I'll do more than that. I'll do everything when it comes to you..." dito'y naramdaman ko na ang yakap niya. "At ngayon, sa baby natin,"

"Excited na ako sa paglabas niya," natawa ako, "alam kong malayo pa pero nae-excite talaga ako,"

"Ako rin naman... at sisiguraduhin kong magiging mabuti akong ama sa kanya. As what I've promised," oo, naalala ko nga. "Sure ka, hindi ka nagugutom?"

"Hindi," umiling ako.

"Okay, pero... you have to go sleep again," tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, "we'll sleep na, let's go,"

"Sige..." pagpayag ko.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon