DINDIE'S POVIlang araw pa akong nanatili sa condo, at sa loob ng mga araw na 'yon ay hindi naging madali ang pinagdaanan ko pero dahil sobra akong inalagaan ni Niel ay gumaling naman ako.
Thank you, Lord.
Balik-trabaho na kaming mag-asawa ngayon. Busy si Niel sa isang endorsement shoot, habang ako naman ay nandito sa wardrobe department kasama si Nicole. Mas komportable pa rin kasi ako kaya hindi ako lumipat ng ibang opisina.
"O, ano na ngang balita? Ilang araw kang nawala-- wait, estimated isang linggo kang nawala. Ano, Dindie? Nakabuo na ba?" Nakangising tanong ni Nicole, "Magiging ninang na ba 'ko?"
Umiling ako, "Ano ka ba... wala nang nangyari sa 'min sa loob ng isang linggo, Nic. Isang beses pa lang namin 'yong ginawa," sabi ko sabay sulat ng naisip kong sentence para sa lyrics ng kanta.
"Hmm, okay... sabi mo, e," saka siya bumalik sa ginagawa niya. "Dindie,"
Tiningnan ko siya nang tinawag niya ako. Taas baba ang kilay niya nang titigan ko siya. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa kaibigan ko pero sa tingin ko, parang ka-wirduhan yata ang naiisp niya ngayon.
"Anong pakirmdam?" Nagsisimula na naman siyang ngumisi. Parang iba na 'to, a.
"P-pakiramdam ng a-ano?" Ba't nauutal ako?
"Yung ano..." dahan-dahan siyang pumalakpak habang magkasiklop ang mga kamay niya.
"Ha? Hindi kita ma-gets, Nicole," Di ko talaga ma gets kung ano ba ang tinutukoy niya. Dito ay napasimagot siya.
"Hays," napanguso siya, pero muling ngumisi, "Masarap ba?"
"Ha--" napahinto ako nang agad kong maintindihan ang tanong na 'yon. Talagang natanong niya 'yan? "Ano ba namang klaseng tanong 'yan!" Hayst!
Dito ay tumawa siya, "Sagutin mo na kasi 'ko. Masarap ba?"
"Sira ka rin e, no," napairap ako, at hindi na nagsalita. Kinulit niya ako ng ilan pang beses hanggang sa sumuko siya. At, tinigilan niya nga ako. Nakaismid ang mukha niya nang bumalik siya sa pinagkakaabalahan, ang phone niya. Natawa na lang ako.
Pero nag-ingay na naman siya. Napansin ko siyang bigla na lang na tumawa kaya nagtaka ako. Cellphone lang naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon nang titigan ko siya.
Tawa lang ng tawa si Nicole habang nakatingin sa phone niya. Sakop na sakop ng boses niya ang buong office. Buti at kaming dalawa lang ang nandito.
"Nic, ano na naman bang meron at hindi ka matigil tigil sa pagtawa dyan?" Tanong ko dala ng pagtataka. Pero, tiningnan niya lang ako at muli na namang tumawa. Ng mas malakas pa kasysa sa ginawa niya kanina. Napailing na lang ako.
"Pa'no ba naman kasi, sobrang nakakatawa na yung story na binabasa ko," at tumawa na naman siya.
"Ano namang nakakatawa dyan?" Tiningnan ko siya.
"E kasi," huminga siya ng malalim saka nagsalita, "Nag ano na yung mag-asawa," ha? Anong 'nag ano?'
Agad na nag ekis ang kilay ko dahil hindi ko siya naintindihan. Hindi ko gets ang sinabi niya. Pero siya ay mas tumawa lang at ngising ngisi nang tingnan niya ako ulit.
"Nag ano nga kasi sila!" Inilapag niya ang cellphone sa mesa niya at umupo. Tumitig ng seryoso sa 'kin.
"Nicole, anong 'nag-ano?'" Nagtanong na 'ko dahil hindi ko talaga gets.
Natapik niya ang kanyang noo at bumuntong hininga siya, "Nag sex,"
Nag ano-- sex?! Pastilan!
BINABASA MO ANG
You're My
Romance⚠️ WARNING: The story contains mature scenes. Read at your own risk. "Baby, you're my..."