Chapter 24

13 4 0
                                    

DINDIE'S POV

Ewan ko ba pero pakiramdam ko gustong-gusto kong kumain. At magtimpla ng gatas. Hindi, magtitimpla muna ako bago kumain. Natawa na lang nang pati iyon ay pinagtatalunan pa ng isip ko. At sa huli'y nagdesisyon nang uminom na lang muna ng gatas. Magtitimpla na sana nang marinig ko na lang ang boses ni A-el at Niel sa kusina. Nag-uusap silang dalawa?

Kaya naman imbis na dumiretso rito ay huminto ako sa paglalakad at pinakinggan ang pag-uusap nila. Hindi pa ako handang pakinggan ang kahit na anong sabihin ni Niel, pero gusto kong marinig ang mga iyon.

"So bakit ka nangaliwa?" Agarant tanong niya, na ikinasakit na naman ng dibdib ko. "Sige, hindi kita babarahin. Sagutin mo lang ang lahat ng mga tanong ko, at sagutin mo ang una kong tinanong sayo,"

"A-el, hindi ako nangangaliwa," pagkasabi pa lang niya no'n ay nalito na rin ako. Hindi ko alam kung maniniwala na ba ako agad o hindi.

"E, ba't ka nando'n sa lugar ng babaeng 'yon, nung nakita kayo ni ate?" Halatang halata ang pagkadismaya at pagkairita ni A-el sa tono ng pananalita niya. Pero, kahit na gano'n, at kahit na alam kong galit siya sa asawa ko ay nakaramdam pa rin ako ng pagka-panatag kasi nag-uusap na sila ngayon.

Ang inaalala ko na lang, kung sa'n patungo ang pag-uusap nilang 'yan.

"I want your sister to know it first," dito ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Wala akong ideya kung ba't gusto niyang ako ang unang makaalam ng dahilan.

"Hmm," nanibago rin ako sa sinabi ng kapatid ko, "Aalis ako mamaya. Mag-usap kayo,"

Dito ay nagdesisyon na akong pumunta ng kusina.

"Ate," tila ba normal niyang sabi na parang wala silang pinag-usapang dalawa ni Niel. Hindi na niya kasi tiningnan ang asawa ko at ako lang ang lagi niyang tinatanong.

"Kumain ka na, ate. Maraming pagkain do'n--"

"Okay lang ako, magga gatas lang," sagot ko, at hindi rin pinahalatang narinig at pinakinggan ko silang dalawa kanina habang nag-uusap.

"Nga pala, aalis kami ni Ailee mamaya. May libreng paayuda ang yung kaklase naming mayaman, kalahating krudo saka gas 'yon, tama na rin para may pang-ilaw tayo lalo na ngayong walang kuryente," sabi niya.

"Gano'n ba... o, sige, basta mag-iingat ka do'n," pag papaalala ko. Tumango ito.

Matapos ng pag uusap namin ni A-el, tumahimik na ang paligid. Pero wala na si Niel sa kusina. Ewan ko, bumalik na yata yon sa kwarto.

"Nga pala, nag... usap ba kayo ni Niel? A-anong pinag usapan n'yo?" Pagtatanong ko.

"Wala naman," ayan, alam kong hindi niya sasabihin. Pero huli na siya. Narinig ko na ang pinag-usapan nila.

Inasikaso ko ang sarili ko, uminom ng gatas at kumain, nag-usap din kami ni A-el tungkol sa pag-aaral niya na baka raw ma-extend ang sem nila dahil dito, o baka diretso na sila sa second sem.

Pagkatapos ay naghanda na rin siya, at umalis.

Inisip ko na lang ang mga gawain sa bahay. Naisip rin na wala pa ring signal at hindi namin ma-contact sina mama. Napayuko na lang din nang maalala ko sina mama at baba, na wala man lang ideya kung ba't ako nandito. Pero, baka magka-ideya sila kung malaman man nila ang... kumakalat na issue tungkol kay Niel at kay Sasha.

Ewan ko ba.

"Din," napalingon na lang ako at nakita ko na lang si Niel. Dito ay kinabahan ako. "Can I talk to you--"

"Kumain ka na ba?" Pagputol ko sa pagsasalita niya sa pamamagitan ng pagtatanong no'n.

"Yes," maikli niyang sagot. "Umm, Can talk--"

"Pwede bang... 'wag muna natin yung pag-usapan?" Diretso kong tingin sa kanya. Hindi siya nakasagot agad kaya alam kong nakuha niya kung ano ang tinutukoy ko. At sa huli ay napatango rin ito.

Natahimik kaming dalawa, at hindi ako sanay kaya ako na ang unang nagsalita.

"Kumusta ka naman? Okay ka na ba?" Tanong ko.

"I'm fine," saka siya marahang ngumiti. At agad akong nanlambot dahil do'n.

Inaamin ko, napakadali kong maawa sa kanya kahit hindi siya makiusap na kaawaan ko. Alam ko naman ding nahihirapan siya. Sinundan niya ako rito kahit pa may mga kinakaharap siya doon sa Maynila.

"Niel, naisip ko... kung... gusto kong ia-annul ang kasal, papayag ka ba?"

"Please don't make it that way, Din," dito'y agad niya akong nilapitan at lumuhod siya sa harapan ko. At nakita kong lumuha siya, "don't leave me--"

"Pero nahihirapan na ako--"

"I will make these things better... I'll be better, please don't leave me," pakiusap niya. Sa ginawa niyang pagluhod at pagluha'y lalong nahabag ang puso ko. Nakonsensya tuloy ako sa sinabi ko.

"Niel--"

"Don't you love me anymore?" Sa tanong niyang yon ay nasaktan ako. Sobrang mahal kita, Niel. Sobra-sobra. "Please, don't leave me,"

"P-pano kung ayaw ko na?" Pag subok ko sa kanya.

"Then I'll pursue you, and woo you again. I'll court you again, and again and again. Ayaw kong iwan mo 'ko," marahan niyang hinawakan ang kamay ko, "Walang annulment na mangyayari. I'll start at the very bottom, until you forgive me, and until you trust me again,"

Wala akong sinabi. Ngunit nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon