Chapter 19

16 5 2
                                    

DINDIE'S POV

Sinamahan ako ni A-el sa center malapit sa munisipyo. Nag-aalala siya ng sobra kaya pina-check up niya ako. At ngayon, katatapos lang akong tingnan ng doctor. Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.

"Three weeks, misis," ha?

Napatingin ako sa doktor na may binasang mga papeles yata matapos niya ito sabihin.

"Umm, doc, u-unsay three weeks?" A-nong three weeks? Pagtatanong ko.

"Buntis ka," anong... "three weeks na kang buntis, misis," three weeks ka nang buntis, misis. Saka ito ngumiti, "congratulations. Pag...bati niya. Na... ikinatigil ko.

Totoo ba tong... narinig ko? Buntis ako?

"Buntis ako..." wala sa sarili kong sabi.

"Okay so bawal ang stress nimo madam ha. Ayaw pag-skip ug kaon, then bawal ka mahago. Bawal ang alcoholic drinks. Always eat healthy foods for you and the baby. And then milk, and regular check ups, okay?" Okay so bawal ang stress sayo, madam. Wag kang mag skip sa pag kain at bawal kang mapagod. Bawal ang alcoholic drinks. Always eat healthy foods for you and the baby. And then milk, and regular check ups, okay? Sabi niya.

Hindi ko pa napro-proseso ang lahat ng mga sinabi ng doktor. Hindi ko kasi akalaing ito ang maririnig ko mula sa kanya. Ang akala ko kasi, sasabihan niya akong ulcer lang to saka dapat na kumain ako ng tama.

Hindi ko talaga akalaing marinig na buntis na ako, ulit.

Agad na pumatak ang luha sa aking mga pisngi. May sinabi pang ilang bagay ang doktor pero hindi ko pinagtuunan ng pansin 'yon. Ang ginawa ko lang ay ang hindi pigilan ang luha ko.

Hindi ko rin kasi alam kung dapat ba maging masaya ako kasi sa wakas ay magkakaroon na ako ng anak. Ang buong akala ko kasi, habang buhay na lang akong aasa na magdalang-tao ulit, matapos nang nangyari sa unang anak namin.

Hindi ko rin akalaing matapos ng mga nalaman ko mula kay Sasha ay mabubuntis ulit ako. Ang alam ko kasi, mahihirapan na kaming makabuo, at posibleng hindi na talaga ako mabuntis. Pero hindi. Heto ako ngayon at alam ko nang may dinadala na ako sa sinapupunan ko.

"Ate nimo siya, no?" Ate mo siya, diba? Napalingon na lang ako kay A-el. Nakita ko itong tumango, "Okay, dong, ayaw pasagdi imong ate. As possible, be careful sa pag-drive o kung manakayan man galing mo. She went through misacarriage, diba?" Okay, hijo, wag mong pabayaan ang ate mo. As possible, be careful sa pagda-drive mo o kung magco-commute man kayo. She went through miscarriage, diba? Tanong niya.

Napatango na lang ako. Hindi pa rin matigil ang mga mata sa pag-iyak.

"Okay, basta remember what I've said," saka ito tumayo, "Congrats ulit, misis," saka ito naglakad paalis.

Wala akong nasabi.

"Ate..." tawag niya sa 'kin.

"A-el, may anak na ako," napapikit ako't bumuhos na naman ang mga luha ko.

"Ate, hinay-hinay lang. Maii-stress ka na naman n'yan," sabi niya. "Bawal sa 'yo ang ma-stress,"

"H-hindi ko kasi alam ang... magiging reaksyon ko," hindi ko talaga alam ang una kong sasabihin o mararamdaman.

"Ate..." saka naramdaman ang paghagod niya sa likod ko, "Basta aalalagaan mo ang sarili mo para sa inyo, ha--"

"Si Niel," tumingin ako sa kanya.

Pero umiling siya, "Wag mo nang isipin ang tarantadong 'yon. Buti pa, umuwi na tayo," saka niya ako inalalayan sa pagtayo.

Umalis kami ng center at dumiretso sa public market. Una niya akong pinasakay sa tricycle, at siya nama'y nagpaalam na may bibilhin. Pagbalik niya'y nakita na lang na ang mga pinamili niya puro pambuntis.

"Bilin ng doktor to," sabi niya sakin, "nga pala, tinawagan ko na sina mama at papa. Uuwi na sila bukas--"

"Sinabi mo ba sa kanila ang tungkol kay Niel?" Kaba kong tanong.

"Hindi pa," sagot niya saka tumabi sa akin, "Pero sinabi kong buntis ka,"

Sandaling natapos ang pag-uusap namin nang umandar na ang tricycle. Tahimik ako hanggang sa makauwi kami ng bahay. Pero, hindi ko maiwasang maisip si Niel.

"A-el, dapat na malaman ni Niel to--"

"Wala siyang malalaman," nilapag niya sa mesa ang mga dala, "wala siyang karapatang malaman 'yan,"

"Pero... siya ang ama ng anak ko--"

"Sana naisip niya 'yan bago mangaliwa," diretso niyang sabi. "Magpahinga ka na, ate. Maghahanda lang ako ng makakain mo,"

"Pero..." isang beses ko pang sabi. Ngunit wala na itong silbi dahil hindi na ako pinakinggan ng kapatid ko. Nagpunta na lang ako ng kwarto at... magpapahinga.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon