Chapter 8

16 4 0
                                    

DINDIE'S POV

Napapikit na lang nang maramdamang may pumuno sa loob ko. Malalim ang paghinga, at ramdam na ramdam ko ang pagod. Naramdaman ko rin ang marahang pagdagan ni Niel.

"Napagod ka ba ng husto?" Rinig kong tanong niya, at ramdam ko na lang ang mga halik niya sa dibdib ko.

"Medyo," sagot ko.

Nang maramdaman ang antok ay magpapaubaya na sana rito nang muling maalala ang mga nangyari. Nung pinagbuntis ko ang sanang una naming anak, at nung nakunan ako. Nung malaman kong mahihirapan na 'kong magdalang-tao ulit.

Napamulat ako't napatingin kay Niel.

"Hmm? What's the problem?" Tanong niya. Hindi ako nagsalita pero tumulo na lang ang mga luha ko. "Din,"

Alam kong alam na niya 'to. Dito'y niayakap niya ako ng mahigpit, at paulit ulit na hinalikan sa labi ko't noo.

"It's okay, Din," sabi niya. Pero hindi okay sa 'kin 'yon.

"Mahihirapan na tayong makabuo ulit, Niel. Hindi okay 'yon," bumuntong hininga ako, "alam kong gustong-gusto mo nang magka-anak, at gusto ko na rin pero--"

"Susubukan natin ulit," marahan niyang sabi.

Naalala ko na naman ang nangyaring 'yon, nung nakunan ako. Kung gaano kasakit ang naramdaman ko dahil nawala ang dinadala ko. At ang alam kong mahihirapan na kami o talagang hindi na kami makakabuo.

"Niel--"

"All I know is we can do it, Din. Makakabuo tayo ulit," positibong-positibo siya habang sinasabi sa 'kin ang mga 'yan.

"Pero, mahihirapan tayo, at posibleng hindi na tayo makabuo ulit--"

"We'll make a way. Marami tayong pagpipilian, and I'm fine with it," sinuklay niya ang buhok ko't muli akong hinalikan.

"Pa'no kung hindi tayo makabuo, Niel?" Tanong ko pa. Inasahan ko na ritong panghihinaan siya ng loob, pero nagkamali ako.

"Then we'll try, and try again everyday and night," pagsagot niya, "Uulit at uulit tayo, susubok ng susubok, Din,"

"Pa'no kung mapagod ka--"

"Hindi mangyayari 'yon," marahan niya akong hinalikan. Na para bang sinusuyo ako, "and don't worry, kasi kahit wala tayong anak, masaya ako. Masaya ako sa buhay na mayroon ako, at masaya ako sayo. Besides, you're my baby Dia Nadiene, and I'm much more blessed with it."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tuluyan na niyang inangkin ang labi ko.

You're MyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon