Chapter 23
Girl
Words can’t describe how I feel about at what he said. Talagang hindi ako makapaniwala na kaya niya iyong sabihin mismo saakin.
Isa lang ang naiisip ko ngayon, sobrang kapal naman ng mukha niya. Kung makapag-salita siya, akala mong walang masamang ginawa saakin.
Baka nakakalimutan niya na he cheated on me habang kaming dalawa pa.
Long distance relationship pa lang kami no'n for 5 fucking months, pero nagloko kaagad siya.
Kaya nga, sinasabi ko na nga bang duda talaga ako na sa loob ng apat na taong hindi kami magkasama, imposibleng hindi siya makahanap ng iba.
And that hurts on my side. Parang pinatunayan niya lang saakin na hindi niya ako ganoon kamahal, kagaya ng nararamdaman ko sakanya.
Bumabalik sa memorya ko kung anong ginawa nila noong babae niya doon sa video.
Parang sariwa pa saakin ang lahat, kung paano niya halikan iyong babae, lalo na't umabot pa sila hanggang sa banyo.
I want to laugh at myself, because somehow, I can feel like I'm a little bit insecure to that girl.
Why? Kasi siya, nahalikan siya ng ganoon ni Darius, iyong tipong parang hindi lang basta halik at may mas malalim pang pinag-huhutan.
Samantalang ako? Huwag niyo nalang tanungin. Ayoko nalang sumagot, baka mamaya ay maawa pa ako sa sarili ko.
Gusto kong matawa sakanya kaya ganoon ang ginawa ko. Kaagad kong nabakas sakanya ang pag-tataka.
"You're so funny! You're so full of yourself. Tumigil ka nga, baka mamaya ay bumagyo pa." sabi ko sakanya sabay tawa.
Samantalang siya naman ay nagtataka pa din kung bakit ako natatawa. Kinunotan niya lang ako ng noo.
"What? I'm just telling the truth, Ryia. Ikaw lang ang nakakaalam na break na tayo, pero ako? No. You're still my girlfriend." matigas niyang sinabi.
Mas lalong lumakas ang tawa ko. "Girlfriend mo ako? Then how dare you cheated on me habang noong nasa ibang bansa ka pa?" matapang kong tanong sakanya.
He stilled. "I didn't. I said, it was her who insisted the kiss. Naputol ang video, kaagad ko siyang tinulak noon." sagot niya naman.
"That's not what I've seen on the video. Kitang kita ko na sinuklian mo ang halik niya. At hindi lang iyon, paano kaya umabot sa restroom kung ayaw mo naman pala at the first place?" tinaasan ko siya ng isang kilay.
Hindi siya kaagad naka-imik roon at nanatiling nakatitig sandali saakin. Mukhang nag-iisip pa siya ng kung anong ipapaliwanag niya.
"Ryia—" agad ko siyang pinutol.
"Shut up, Darius. Malinaw na saakin ang lahat. Whether you like it or not, you still cheated on me. At kapag ayaw mo talaga sakanya, then bakit kayo umabot sa restroom!?" taas noong tanong ko sakanya.
Sa likod ng tapang kong tanong sakanya, hindi niya alam na unti unti nang nadudurog ang puso ko.
Just thinking about that video, sapat na iyon para masaktan ako ng lubos lubos. Kasi, kitang kita ko doon na sarap na satap silang dalawa.
Again, he didn't speak. Para bang, nag-iisip pa siya kung anong ipapalusot niya saakin. Parang nadudurog ang puso ko sa isiping iyon.
"I don't know what are you saying, Ryia. Ang alam ko lang is iyong nasa couch kami, iyon ang inaamin ko sa'yo. Pero 'yong nasa restroom? I don't know that." sabi niya.
BINABASA MO ANG
To Catch a Dream (CNS#2)
RomanceCasa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things he disliked most of all was the artistic women. But, what if you bump with a woman you do not know...