Chapter 22

1.3K 52 3
                                    

Chapter 22

Reason



Tahimik lang ang naging byahe naming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko ang sasakyan ko. Kahit pa naka-lock iyon ay kinakabahan pa din ako.

Kalaunan ay agad kaming nakadating sa Casa Novia. Gaya nga ng sabi ko, ang way na ito ay diretso lamang at walang traffic.

Siguro, kung sa traffic na way ako dumaan ay baka hanggang ngayon, hindi pa din ako nakakadating dito.

Pagkatapos niyang i-park ang kotse sa parking lot ay agad naman akong bumaba, inaasahan ko ng bababa din siya pero doon ako nagkakamali.

Agad namang bumagsak ang magkabila kong balikat. Siguro ay nasanay ako sakanya na sa tuwing ihahatid niya ako, sabay kaming nababa sa kotse.

Pero s'yempre, it's all in the past. Alam kong ngayon ay marami na ang magbago. Sadyang, nasanay lang talaga ako sa gawain niyang iyon.

Nagkibit balikat na lamang ako at pagkatapos ay bumaba na din agad sa kotse.

Akala ko ay agad siyang aalis pero nagulat ako nang buksan niya ang bintana pababa dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Babalik ako dito kasama ang kotse mo, don't worry at maaayos na din iyon agad. Tatawag na din ako ng mekaniko para maayos kaagad." sabi niya saakin.

Tumango ako sakanya at tipid siyang nginitian. "Sige, salamat." tanging nasabi ko sakanya.

Kumaway nalang siya bilang pamamaaalam kaya ganoon din ang ginawa ko sakanya.

Agad naman akong pumunta sa dalampasigan kung saan gaganapin ang photoshoot ko.

Hindi ko naman maiwasang bumalik saakin ang lahat ng alaala ko dito sa Casa Novia, dito mismo sa dalampasigan. Napangiti nalang ako ng mapait.

Nakita ko sa dalampasigan na halos busy na ang lahat na naroon, nang makita naman ako ni Penelope ay kaagad niya akong sinalubong.

"Why are you late? Akala ko ay hindi ka ma dadating." alalang tanong niya saakin.

I just chuckled. "Nasiraan kasi ako ng kotse, buti at may tumulong saakin na kaibigan." sagot ko sakanya at tumango na lamang siya.

Pagkatapos no'n ay agad niya akong dinala sa isang tent, doon kasi ako binibihisan sa tuwing may photoshoots akong ginagawa.

Sinabi saakin ni Penelope na hindi pa naman daw galit ang Director namin, dahilan para makahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga kasi kanina ay magagalit siya saakin.

Nag-bihis na ako ng damit para sa isang scene na ito. I was wearing a pink spaghetti strap dress, at pagkatapos niyon ay naka-paa lamang ako.

Saktong summer kasi ngayon kaya naman heto ang theme namin. May suot suot din akong sunglasses para hindi mainitan ang mga mata ko, and also I was wearing a summer hat.

Pagkatapos ng ilang shots ay ang kasunod naman ay ang commercial video na. Sunod sunod na kasi iyon, ang una ay puro pictorials, ang kasunod naman ang commercial na.

Aware naman ako na may ka-partner akong lalaki dito, which is sanay na ako dahil lagi ko na din iyong ginagawa nitong mga nakaraang taon.

Minsan, hindi maiiwasan ang mga sexy shots. Kung saan hinahawakan ang sa beywang noong lalaki sa tuwing photoshoots, at ako naman ay nakahawak sa dibdib niya.

And that's the advantage na wala akong boyfriend. Of course, kapag kasi may mga photoshoots na ganoon, tapos may boyfriend ka, baka mamaya ay mag-selos lang iyong lalaki.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon