Chapter 6

1.5K 81 4
                                    

Chapter 6

Call


While we are all eating, hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness. Inaamin kong kinakausap naman nila ako pero may parte saaking nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit.

Talaga palang jolly si Demeter at masasabi kong nagmana siya sakanyang ina. Jolly kasi ang mommy nila Darius, akala mo noong una ay tatarayan ka pero hindi mo aakalaing mabait pala ito. Parang tanggap na tanggap niya talaga ako para kay Darius, pero alam kong nagpapanggap lang naman kami.

Samantalang ako kanilang ama, mukhang seryoso ito at ma-awtoridad. 'Tsaka ko lang nalaman na lawyer pala siya kaya naman pala ganoon ang tindig niya. Medyo nakakatakot at strikto ang mukha niya, medyo playboy looks at doon siguro nagmana si Darius.

"What's your work, hija?" napatigil ako at uminom ng tubig ng tinanong iyon ng mommy nila.

Nagkatinginan kami ni Darius at tinaasan lang niya ako ng kilay. Miski siya ay hindi alam kung anong trabaho ko. Well, wala naman talaga sa ngayon. Nasa bahay lang ako, hindi ko lang masabi.

Tumikhim ako. "Sumasali po ako sa mga beauty pageants and I'm also a model po." that was before.

Amaze namang tumango ang kanilang mommy saakin. "That's great. Model pala ang nakuha ni Darius. Sana ay huwag ka na niyang pakawalan."

Halos masamid pa nga ako doon sa sinabi niya pero buti nalang ay naagapan ko ang sarili ko. Mukhang naramdaman iyon ni Darius kaya pasimple niya akong binigyan ng tubig na agad ko namang kinuha.

Gusto ko nalang matawa sa sinabi niyang huwag daw akong pakawalan ni Darius. Sus. Playboy nga 'yan. Baka mamaya ay ibang babae nanaman ang dalhin niya dito. Pero s'yempre ay charot lang iyon. Nagpapanggap nga lang pala kami.

Naging magaan naman ang usapan namin sa hapag-kainan. Tinanong naman ng kaniyang parents si Darius ng mga tungkol pa sa relasyon namin. Siya lang ang sumasagot at hindi ako umiimik dahil baka mamaya ay pumalya pa ako.

Nang matapos ang dinner, inaya naman ako ni Darius sakanilang sala para manood kami ng TV. Ang parents niya naman ay inaayos na ang pinag-kainan namin. Isa sa napansin ko sakanila, ang humble nila, kahit may kasambahay sila ay mas pinipili nilang sila ang maghugas ng pinag-kainan.

Ang bait ng parents niya at ganoon din ang kapatid niya. Napapatanong nga ako sa sarili ko kung saan kaya nagmana si Darius? I mean, naalala ko noong unang pagkikita namin, ang sama ng pakikitungo niya saakin noon.

Nanood na kami ngayon nila Darius ng TV, kasama ang kanyang kapatid na si Demeter. Madali naman siyang maka-close, sa katunayan nga ay magaan na ang loob ko sakanya sa pakikipag-usap.

"Model ka? E'di lumalabas ka din sa TV?" tanong saakin ni Demeter, nasa sala at nanonood ng TV.

Umiling ako. "Hindi naman lahat ng model ay lumalabas sa TV. Local model lang naman ako. Pati ang mga sinasalihan kong beauty pageants, hindi pa naman pang-world wide." sagot ko sakanya sabay ngiti.

Namilog ang mga mata nito. "Wow, bakit hindi ka sumali sa Miss Universe? For sure ay pasok ka doon. Ang ganda mo ta's ang ganda ng kat - ang ganda mo." sabi ni Demeter sabay tingin kay Darius na ngayon ay nakatingin na sakanya.

Mahina akong humagikgik. "Well, thank you." humble kong sabi sakanya.

Kalaunan ay may lumapit saaming mga kasambahay at inabutan kami ng chips na agad naman naming kinuha. Tig-iisa kami ng chips, sakto din kasi na maganda ang series na pinapanood namin.

Wala sa sariling napatingin ako sa wrist watch at medyo nagulat pa ako nang makitang malapit ng mag 9pm. Ibig sabihin niyon ay malapit na ding umuwi sila Mama, baka maabutan nila akong wala sa bahay.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon